Lumaktaw sa nilalaman

circa 605–538 BC

The Babylonian Exile

Jerusalem falls and the temple burns; Ezekiel and Daniel minister among the exiles as Lamentations mourns the city's ruin.

1,784 talata · 3 aklat na saklaw

Mga talata mula sa panahong ito

Salain ayon sa aklat
  1. Pinangalat sila ng galit ng Panginoon; sila'y hindi na niya lilingapin pa. Hindi nila iginagalang ang mga pagkatao ng mga saserdote, hindi nila pinakukundanganan ang mga matanda.

  2. Ang aming mga mata ay nangangalumata dahil sa aming paghihintay ng walang kabuluhang tulong: sa aming paghihintay ay nangaghihintay kami sa isang bansa na hindi makapagligtas.

  3. Kanilang inaabangan ang aming mga hakbang, upang huwag kaming makayaon sa aming mga lansangan: ang aming wakas ay malapit na, ang aming mga kaarawan ay nangaganap; sapagka't ang aming wakas ay dumating.

  4. Ang mga manghahabol sa amin ay lalong maliliksi kay sa mga aguila sa himpapawid: kanilang hinabol kami sa mga bundok, kanilang binakayan kami sa ilang.

  5. Ang hinga ng aming mga butas ng ilong, ang pinahiran ng Panginoon ay nahuli sa kanilang mga hukay; na siya naming pinagsasabihan, sa kaniyang mga lilim ay mabubuhay kami sa mga bansa.

  6. Ikaw ay magalak at matuwa Oh anak na babae ng Edom, na tumatahan sa lupain ng Uz: ang saro ay darating din sa iyo; ikaw ay malalango, at magpapakahubad.

  7. Ang parusa sa iyong kasamaan ay naganap, Oh anak na babae ng Sion, hindi ka na niya dadalhin pa sa pagkabihag: kaniyang dadalawin ang iyong kasamaan, Oh anak na babae ng Edom; kaniyang ililitaw ang iyong mga kasalanan.

  8. Iyong alalahanin, Oh Panginoon, kung anong dumating sa amin: iyong masdan, at tingnan ang aming pagkadusta.

  9. Ang aming mana ay napasa mga taga ibang lupa, ang aming mga bahay ay sa mga taga ibang bayan.

  10. Kami ay mga ulila at walang ama; ang aming mga ina ay parang mga bao.

  11. Aming ininom ang aming tubig sa halaga ng salapi; ang aming kahoy ay ipinagbibili sa amin.

  12. Ang mga manghahabol sa amin ay nangasa aming mga leeg: kami ay mga pagod, at walang kapahingahan.

  13. Kami ay nakipagkamay sa mga taga Egipto, at sa mga taga Asiria, upang mangabusog ng tinapay.

  14. Ang aming mga magulang ay nagkasala at wala na; At aming pinasan ang kanilang mga kasamaan.

  15. Mga alipin ay nangagpupuno sa amin: walang magligtas sa amin sa kanilang kamay.

  16. Aming tinatamo ang aming tinapay sa pamamagitan ng kapahamakan ng aming buhay, dahil sa tabak sa ilang.

  17. Ang aming balat ay maitim na parang hurno, dahil sa maningas na init ng kagutom.

  18. Kanilang dinahas ang mga babae, sa Sion, ang mga dalaga sa mga bayan ng Juda.

  19. Ang mga prinsipe ay nangabibitin ng kanilang kamay: ang mga mukha ng mga matanda ay hindi iginagalang.

  20. Ang mga binata ay nangagpapasan ng gilingan, at ang mga bata ay nangadudulas sa lilim ng kahoy.

  21. Ang mga matanda ay wala na sa pintuang-bayan. Ang mga binata'y wala na sa kanilang mga tugtugin.

  22. Ang kagalakan ng aming puso ay naglikat; ang aming sayaw ay napalitan ng tangisan.

  23. Ang putong ay nahulog mula sa aming ulo: sa aba namin! sapagka't kami ay nangagkasala.

  24. Dahil dito ang aming puso ay nanglulupaypay; dahil sa mga bagay na ito ay nagdidilim ang aming mga mata;

  25. Dahil sa bundok ng Sion na nasira; nilalakaran ng mga zora.