Skip to content

Chebar

8 verses

33.1500, 44.0600 Tingnan sa Google Maps

Mga talatang bumabanggit kay Chebar

  1. ¶ Nangyari nga nang ikatatlong pung taon, sa ikaapat na buwan, nang ikalimang araw ng buwan, samantalang ako'y kasama ng mga bihag sa pangpang ng ilog Chebar, na ang langit ay nabuksan, at ako'y nakakita ng mga pangitain mula sa Dios.

  2. Ang salita ng Panginoon ay dumating na maliwanag kay Ezekiel na saserdote, na anak ni Buzi, sa lupain ng mga Caldeo sa pangpang ng ilog Chebar: at ang kamay ng Panginoon, ay sumasa kaniya.

  3. Nang magkagayo'y naparoon ako sa mga bihag sa Tel-abib, na nagsisitahan sa pangpang ng ilog Chebar, at sa kanikanilang kinatatahanan; at ako'y umupo roong natitigilan sa gitna nila na pitong araw.

  4. Nang magkagayo'y bumangon ako, at ako'y lumabas sa kapatagan; at, narito, ang kaluwalhatian ng Panginoon ay dumoon, na gaya ng kaluwalhatian na aking nakita sa pangpang ng ilog Chebar; at ako'y napasubasob.

  5. At ang mga kerubin ay napaitaas: ito ang nilalang na may buhay na aking nakita sa pangpang ng ilog Chebar.

  6. Ito ang nilalang na may buhay na aking nakita sa ilalim ng Dios ng Israel sa pangpang ng ilog Chebar; at naalaman ko na sila'y mga kerubin.

  7. At tungkol sa anyo ng kanilang mga mukha, ay mga mukha na aking nakita sa pangpang ng ilog Chebar, ang kanilang mga anyo at sila rin; sila'y yumaon bawa't isa na patuloy.

  8. At ayon sa anyo ng pangitain na aking nakita, ayon sa pangitain na nakita ko nang ako'y pumaroon upang gibain ang bayan; at ang mga pangitain ay gaya ng pangitain na aking nakita sa tabi ng ilog Chebar: at ako'y nasubasob.