- English
- King James KJV
- Complete Jewish CJB
- World English WEBM
- Berean Standard BSB
- American Standard ASV
- Geneva GNV
- Young's Literal YLT
- Douay-Rheims DRC
- International
- Shqip ALB
- العربية SVD
- বাংলা BN-IRV
- မြန်မာ Judson
- 简体文 CUV-S
- 繁體中文 CUV-T
- Čeština BKR
- Nederlands STVE
- Français LSG
- Deutsch SCH
- Ελληνικά Vamvas
- ગુજરાતી GU-IRV
- Hausa HCB
- עברית Hebrew
- हिन्दी HCV
- Magyar KAROLI
- Bahasa Indonesia INDO-TB
- Italiano Diodati
- 日本語 Kougo
- 한국어 Korean
- മലയാളം MAL
- मराठी MRCV
- Norsk DNB
- فارسی OPV
- Polski BG
- Português Almeida
- Română Cornilescu
- Русский Synodal
- Español RVG
- Kiswahili Neno
- Svenska SV1917
- Tagalog TAG-ADB
- தமிழ் TCV
- తెలుగు TSA
- ภาษาไทย THAI-KJV
- Українська Ohienko
- Tiếng Việt CADMAN
- Yorùbá YCB
circa 1010–970 BC
The Reign of David
David unites the tribes, conquers Jerusalem, and establishes Israel's golden age—even through deep personal failure.
Mga talata mula sa panahong ito
- 1 Mga Cronica 11:17mga 1055 BC
At si David ay nagbuntonghininga, at nagsabi, Oh may magbigay sana sa akin ng tubig sa balon ng Bethlehem na mainom, na nasa siping ng pintuang-bayan!
- 1 Mga Cronica 11:18mga 1055 BC
At ang tatlo'y nagsisagasa sa hukbo ng mga Filisteo, at nagsiigib ng tubig sa balon ng Bethlehem na nasa siping ng pintuang-bayan, at kinuha at dinala kay David: nguni't hindi ininom ni David yaon, kundi ibinuhos na pinakainuming handog sa Panginoon.
- 1 Mga Cronica 11:19mga 1055 BC
At sinabi, Huwag itulot sa akin ng aking Dios na aking gawin ito; iinumin ko ba ang dugo ng mga lalaking ito na ipinain ang kanilang buhay sa pagkamatay? sapagka't sa pagpapain ng kanilang mga buhay ay kanilang dinala. Kaya't hindi niya ininom. Ang mga bagay na ito ay ginawa ng tatlong makapangyarihang lalake.
- 1 Mga Cronica 11:20mga 1055 BC
At si Abisai na kapatid ni Joab, siyang pinuno ng tatlo: sapagka't kaniyang itinaas ang kaniyang sibat laban sa tatlong daan, at pinatay niya sila, at nagkaroon ng pangalan sa tatlo.
- 1 Mga Cronica 11:21mga 1055 BC
Sa tatlo, siya'y lalong marangal kay sa dalawa, at ginawang kanilang pinunong kawal: gayon ma'y hindi siya umabot sa unang tatlo.
- 1 Mga Cronica 11:22mga 1055 BC
Si Benaias na anak ni Joiada, na anak ng isang matapang na lalake sa Cabseel, na gumawa ng mga makapangyarihang gawa, ay kaniyang pinatay ang dalawang anak ni Ariel na taga Moab: siya'y bumaba rin naman at pumatay ng isang leon sa gitna ng isang hukay sa panahon ng niebe.
- 1 Mga Cronica 11:23mga 1055 BC
At siya'y pumatay ng isang taga Egipto, na isang lalaking may malaking bulas, na limang siko ang taas; at sa kamay ng taga Egipto ay may isang sibat na gaya ng panghabi ng manghahabi; at binaba niya siya na may isang tungkod, at inagaw ang sibat sa kamay ng taga Egipto, at pinatay niya siya ng kaniyang sariling sibat.
- 1 Mga Cronica 11:24mga 1055 BC
Ang mga bagay na ito ay ginawa ni Benaias na anak ni Joiada, at nagkapangalan sa tatlong makapangyarihang lalake.
- 1 Mga Cronica 11:25mga 1055 BC
Narito, siya'y lalong marangal kay sa tatlongpu, nguni't hindi siya umabot sa unang tatlo: at inilagay ni David sa kaniya na bantay.
- 1 Mga Cronica 11:26mga 1055 BC
Ang mga makapangyarihang lalake naman sa mga hukbo; si Asael na kapatid ni Joab, si Elchanan na anak ni Dodo na taga Bethlehem:
- 1 Mga Cronica 11:27mga 1055 BC
Si Samoth na Arorita, si Helles na Pelonita;
- 1 Mga Cronica 11:28mga 1055 BC
Si Ira na anak ni Acces na Tecoita, si Abiezer na Anathothita;
- 1 Mga Cronica 11:29mga 1055 BC
Si Sibbecai na Husatita, si Ilai na Ahohita;
- 1 Mga Cronica 11:30mga 1055 BC
Si Maharai na Nethophatita, si Heled na anak ni Baana na Nethophatita;
- 1 Mga Cronica 11:31mga 1055 BC
Si Ithai na anak ni Ribai na taga Gabaath, sa mga anak ni Benjamin, si Benaias na Phirathita.
- 1 Mga Cronica 11:32mga 1055 BC
Si Hurai sa mga batis ng Gaas, si Abiel na Arbathonita;
- 1 Mga Cronica 11:33mga 1055 BC
Si Azmaveth na Baharumita, si Eliaba na Saalbonita;
- 1 Mga Cronica 11:34mga 1055 BC
Ang mga anak ni Asem na Gizonita, si Jonathan na anak ni Saje na Hararita;
- 1 Mga Cronica 11:35mga 1055 BC
Si Ahiam na anak ni Sachar, na Ararita, si Eliphal na anak ni Ur;
- 1 Mga Cronica 11:36mga 1055 BC
Si Hepher na Mecherathita, si Ahia na Phelonita;
- 1 Mga Cronica 11:37mga 1055 BC
Si Hesro na Carmelita, si Nahari na anak ni Ezbai;
- 1 Mga Cronica 11:38mga 1055 BC
Si Joel na kapatid ni Nathan, si Mibhar na anak ni Agrai,
- 1 Mga Cronica 11:39mga 1055 BC
Si Selec na Ammonita, si Naarai na Berothita, na tagadala ng sandata ni Joab na anak ni Sarvia;
- 1 Mga Cronica 11:40mga 1055 BC
Si Ira na Ithrita, si Yared na Ithrita:
- 1 Mga Cronica 11:41mga 1055 BC
Si Uria na Hetheo, si Zabad na anak ni Ahli;