Lumaktaw sa nilalaman

circa 1446–1406 BC

The Wilderness Years

Forty years of wandering in the desert test Israel's faith and prepare a new generation to enter the promised land.

2,247 talata · 2 aklat na saklaw

Mga talata mula sa panahong ito

Salain ayon sa aklat
  1. Mga Bilang 31:16mga 1452 BC

    Narito, sila'y naging sanhi, sa payo ni Balaam, upang ang mga anak ni Israel ay sumalangsang laban sa Panginoon sa bagay ng Peor, at kaya't nagkasalot sa kapisanan ng Panginoon.

  2. Mga Bilang 31:17mga 1452 BC

    Ngayon nga ay patayin ninyo ang lahat ng mga batang lalake at patayin ninyo ang bawa't babae na nasipingan ng lalake.

  3. Mga Bilang 31:18mga 1452 BC

    Nguni't ang lahat ng batang babae na hindi pa nasisipingan ng lalake ay buhayin ninyo upang mapasa inyo.

  4. Mga Bilang 31:19mga 1452 BC

    At matira kayo sa labas ng kampamento na pitong araw: sinoman sa inyo na nakamatay ng sinomang tao, at sinoman sa inyo na nakahipo ng anomang pinatay, ay maglilinis kayo sa ikatlong araw at sa ikapitong araw, kayo at ang inyong mga bihag.

  5. Mga Bilang 31:20mga 1452 BC

    At tungkol sa bawa't kasuutan, at sa lahat ng yari sa balat, at sa lahat ng yari sa balahibo ng kambing, at sa lahat ng bagay na yari sa kahoy, ay pakalinisin ninyo.

  6. Mga Bilang 31:21mga 1452 BC

    At sinabi ni Eleazar na saserdote sa mga lalake ng hukbo na nagsiparoon sa pakikipagbaka, Ito ang palatuntunan ng kautusan na iniutos ng Panginoon kay Moises:

  7. Mga Bilang 31:22mga 1452 BC

    Gayon ma'y ang ginto at ang pilak, ang tanso, ang bakal, ang lata, at ang tingga,

  8. Mga Bilang 31:23mga 1452 BC

    Bawa't bagay na hindi naaano sa apoy, ay inyong pararaanin sa apoy, at magiging malinis; gayon ma'y inyong lilinisin ng tubig para sa karumihan: at ang lahat na hindi nakatatagal sa apoy, ay inyong pararaanin sa tubig.

  9. Mga Bilang 31:24mga 1452 BC

    At inyong lalabhan ang inyong mga damit sa ikapitong araw, at kayo'y magiging malinis, at pagkatapos nito'y makapapasok kayo sa kampamento.

  10. Mga Bilang 31:25mga 1452 BC

    At sinalita ng Panginoon kay Moises, na sinasabi,

  11. Mga Bilang 31:26mga 1452 BC

    Bilangin mo ang samsam na nakuha sa tao at gayon din sa hayop, ninyo at ni Eleazar na saserdote, at ng mga pangulo ng mga sangbahayan ng mga magulang ng kapisanan:

  12. Mga Bilang 31:27mga 1452 BC

    At hatiin mo ang samsam ng dalawa; sa mga lalaking mangbabaka na nagsilabas sa pakikipagbaka, at sa buong kapisanan:

  13. Mga Bilang 31:28mga 1452 BC

    Bigyan mo ng buwis ang Panginoon sa mga lalaking mangdidigma na nagsilabas sa pakikipagbaka: isang tao sa bawa't limang daan, sa mga tao at gayon din sa mga hayop, at sa mga asno at sa mga kawan:

  14. Mga Bilang 31:29mga 1452 BC

    Sa kalahating nauukol sa kanila, ay kukunin mo at ibibigay mo kay Eleazar na saserdote na pinakahandog na itinaas sa Panginoon.

  15. Mga Bilang 31:30mga 1452 BC

    At sa kalahati na nauukol sa mga anak ni Israel, ay kunin mo ang isang nakuha sa bawa't limang pu, sa mga tao, sa mga bata, sa mga asno, at sa mga kawan, sa lahat ng hayop at ibigay mo sa mga Levita, na namamahala sa tabernakulo ng Panginoon.

  16. Mga Bilang 31:31mga 1452 BC

    At ginawa ni Moises at ni Eleazar na saserdote, gaya ng iniutos ng Panginoon kay Moises.

  17. Mga Bilang 31:32mga 1452 BC

    Ang nabihag nga bukod pa sa nasamsam ng mga taong nakipagbaka, ay anim na raan at pitong pu't limang libong tupa,

  18. Mga Bilang 31:33mga 1452 BC

    At pitong pu't dalawang libong baka,

  19. Mga Bilang 31:34mga 1452 BC

    Anim na pu't isang libong asno,

  20. Mga Bilang 31:35mga 1452 BC

    At tatlong pu't dalawang libong tao sa lahat, sa mga babae na hindi pa nasisipingan ng lalake.

  21. Mga Bilang 31:36mga 1452 BC

    At ang kalahati, na siyang bahagi niyaong mga nagsilabas sa pakikipagbaka ay umaabot sa bilang na tatlong daan at tatlong pu't pitong libo at limang daang tupa:

  22. Mga Bilang 31:37mga 1452 BC

    At ang buwis na tupa sa Panginoon, ay anim na raan at pitong pu't lima.

  23. Mga Bilang 31:38mga 1452 BC

    At ang mga baka ay tatlong pu't anim na libo; na ang buwis sa Panginoon ay pitong pu't dalawa.

  24. Mga Bilang 31:39mga 1452 BC

    At ang mga asno ay tatlong pung libo at limang daan; na ang buwis sa Panginoon ay anim na pu't isa.

  25. Mga Bilang 31:40mga 1452 BC

    At ang mga asno ay labing anim na libo; na ang buwis sa Panginoon ay tatlong pu't dalawang tao.