- English
- King James KJV
- Complete Jewish CJB
- World English WEBM
- Berean Standard BSB
- American Standard ASV
- Geneva GNV
- Young's Literal YLT
- Douay-Rheims DRC
- International
- Shqip ALB
- العربية SVD
- বাংলা BN-IRV
- မြန်မာ Judson
- 简体文 CUV-S
- 繁體中文 CUV-T
- Čeština BKR
- Nederlands STVE
- Français LSG
- Deutsch SCH
- Ελληνικά Vamvas
- ગુજરાતી GU-IRV
- Hausa HCB
- עברית Hebrew
- हिन्दी HCV
- Magyar KAROLI
- Bahasa Indonesia INDO-TB
- Italiano Diodati
- 日本語 Kougo
- 한국어 Korean
- മലയാളം MAL
- मराठी MRCV
- Norsk DNB
- فارسی OPV
- Polski BG
- Português Almeida
- Română Cornilescu
- Русский Synodal
- Español RVG
- Kiswahili Neno
- Svenska SV1917
- Tagalog TAG-ADB
- தமிழ் TCV
- తెలుగు TSA
- ภาษาไทย THAI-KJV
- Українська Ohienko
- Tiếng Việt CADMAN
- Yorùbá YCB
circa 6 BC – AD 30
The Life of Jesus
The eternal Son of God enters history: born in Bethlehem, baptized in the Jordan, crucified at Golgotha, raised on the third day.
Mga talata mula sa panahong ito
- Mateo 4:11mga AD 26
Nang magkagayo'y iniwan siya ng diablo; at narito, nagsidating ang mga anghel at siya'y pinaglingkuran.
- Mateo 4:12mga AD 26
Nang marinig nga niya na si Juan ay dinakip, ay umuwi siya sa Galilea;
- Mateo 4:13mga AD 26
At pagkaiwan sa Nazaret, ay naparoon siya at tumahan sa Capernaum, na nasa tabi ng dagat, sa mga hangganan ng Zabulon at Neftali:
- Mateo 4:14mga AD 26
Upang maganap ang sinalita sa pamamagitan ng propeta Isaias na nagsasabi,
- Mateo 4:15mga AD 26
Ang lupa ni Zabulon at ang lupa ni Neftali, Sa gawing dagat, sa dako pa roon ng Jordan, Galilea ng mga Gentil,
- Mateo 4:16mga AD 26
Ang bayang nalulugmok sa kadiliman, ay Nakakita ng dakilang ilaw, At sa nangalulugmok sa pook at lilim ng kamatayan, ay Lumiwanag sa kanila ang ilaw.
- Mateo 4:17mga AD 26
Mula noon ay nagpasimulang mangaral si Jesus, at magsabi, Mangagsisi kayo; sapagka't malapit na ang kaharian ng langit.
- Mateo 4:18mga AD 26
At sa paglalakad niya sa tabi ng dagat ng Galilea; ay nakita niya ang dalawang magkapatid, si Simon na tinatawag na Pedro, at si Andres na kaniyang kapatid, na inihuhulog ang isang lambat sa dagat; sapagka't sila'y mga mamamalakaya.
- Mateo 4:19mga AD 26
At sinabi niya sa kanila, Magsisunod kayo sa hulihan ko, at gagawin ko kayong mga mamamalakaya ng mga tao.
- Mateo 4:20mga AD 26
At pagdaka'y iniwan nila ang mga lambat, at nagsisunod sa kaniya.
- Mateo 4:21mga AD 26
At paglakad sa dako roon ay nakita niya ang dalawa pang magkapatid, si Santiago na anak ni Zebedeo, at ang kaniyang kapatid na si Juan, sa daong na kasama si Zebedeo na kanilang ama, na nagsisipaghayuma ng kanilang mga lambat; at sila'y kaniyang tinawag.
- Mateo 4:22mga AD 26
At pagdaka'y iniwan nila ang daong at ang kanilang ama, at nagsisunod sa kaniya.
- Mateo 4:23mga AD 26
At nilibot ni Jesus ang buong Galilea, na nagtuturo sa mga sinagoga nila, at ipinangangaral ang evangelio ng kaharian, at nagpapagaling ng lahat ng sarisaring sakit at ng lahat ng karamdaman na nasa mga tao.
- Mateo 4:24mga AD 26
At lumaganap ang pagkabantog niya sa buong Siria: at kanilang dinadala sa kaniya ang lahat ng mga may karamdaman, at ang mga pinipighati ng sarisaring sakit at pahirap, at ang mga inaalihan ng mga demonio, at ang mga himatayin, at ang mga lumpo: at sila'y pinagagaling niya.
- Mateo 4:25mga AD 26
At sinundan siya ng lubhang karamihang tao mula sa Galilea at Decapolis at Jerusalem at Judea at mula sa dakong ibayo ng Jordan.
- Mateo 5:1mga AD 31
At pagkakita sa mga karamihan, ay umahon siya sa bundok: at pagkaupo niya, ay nagsilapit sa kaniya ang kaniyang mga alagad:
- Mateo 5:2mga AD 31
At binuka niya ang kaniyang bibig at tinuruan sila, na sinasabi,
- Mateo 5:3mga AD 31
Mapapalad ang mga mapagpakumbabang-loob: sapagka't kanila ang kaharian ng langit.
- Mateo 5:4mga AD 31
Mapapalad ang nangahahapis: sapagka't sila'y aaliwin.
- Mateo 5:5mga AD 31
Mapapalad ang maaamo: sapagka't mamanahin nila ang lupa.
- Mateo 5:6mga AD 31
Mapapalad ang nangagugutom at nangauuhaw sa katuwiran: sapagka't sila'y bubusugin.
- Mateo 5:7mga AD 31
Mapapalad ang mga mahabagin: sapagka't sila'y kahahabagan.
- Mateo 5:8mga AD 31
Mapapalad ang mga may malinis na puso: sapagka't makikita nila ang Dios.
- Mateo 5:9mga AD 31
Mapapalad ang mga mapagpayapa: sapagka't sila'y tatawaging mga anak ng Dios.
- Mateo 5:10mga AD 31
Mapapalad ang mga pinaguusig dahil sa katuwiran: sapagka't kanila ang kaharian ng langit.