Lumaktaw sa nilalaman

circa 1446–1406 BC

The Wilderness Years

Forty years of wandering in the desert test Israel's faith and prepare a new generation to enter the promised land.

2,247 talata · 2 aklat na saklaw

Mga talata mula sa panahong ito

Salain ayon sa aklat
  1. Mga Bilang 13:5mga 1490 BC

    Sa lipi ni Simeon, ay si Saphat na anak ni Huri.

  2. Mga Bilang 13:6mga 1490 BC

    Sa lipi ni Juda, ay si Caleb na anak ni Jephone.

  3. Mga Bilang 13:7mga 1490 BC

    Sa lipi ni Issachar, ay si Igal na anak ni Jose.

  4. Mga Bilang 13:8mga 1490 BC

    Sa lipi ni Efraim, ay si Oseas na anak ni Nun.

  5. Mga Bilang 13:9mga 1490 BC

    Sa lipi ni Benjamin, ay si Palti na anak ni Raphu.

  6. Mga Bilang 13:10mga 1490 BC

    Sa lipi ni Zabulon, ay si Gaddiel na anak ni Sodi.

  7. Mga Bilang 13:11mga 1490 BC

    Sa lipi ni Jose, sa makatuwid baga'y sa lipi ni Manases, ay si Gaddi na anak ni Susi.

  8. Mga Bilang 13:12mga 1490 BC

    Sa lipi ni Dan, ay si Ammiel na anak ni Gemalli.

  9. Mga Bilang 13:13mga 1490 BC

    Sa lipi ni Aser, ay si Sethur, na anak ni Michael.

  10. Mga Bilang 13:14mga 1490 BC

    Sa lipi ni Nephtali, ay si Nahabi na anak ni Vapsi.

  11. Mga Bilang 13:15mga 1490 BC

    Sa lipi ni Gad, ay si Geuel na anak ni Machi.

  12. Mga Bilang 13:16mga 1490 BC

    Ito ang mga pangalan ng mga lalake na sinugo ni Moises upang tiktikan ang lupain. At tinawag ni Moises na Josue ang anak ni Nun na si Oseas.

  13. Mga Bilang 13:17mga 1490 BC

    At sinugo sila ni Moises upang tiktikan ang lupain ng Canaan, at sinabi sa kanila, Sumampa kayo rito sa dakong Timugan at umakyat kayo sa mga bundok:

  14. Mga Bilang 13:18mga 1490 BC

    At tingnan ninyo ang lupain, kung ano; at ang bayan na tumatahan doon, kung sila'y malakas o mahina, kung sila'y kaunti o marami;

  15. Mga Bilang 13:19mga 1490 BC

    At kung ano ang lupain na kanilang tinatahanan, kung mabuti o masama; at kung ano ang mga bayan na kanilang tinatahanan, kung sa mga kampamento, o sa mga nakukutaan;

  16. Mga Bilang 13:20mga 1490 BC

    At kung ano ang lupain, kung mataba o payat, kung mayroong kahoy o wala. At magpakatapang kayo, at magdala kayo rito ng bunga ng lupain. Ngayon ang panahon ay panahon ng mga unang hinog na ubas.

  17. Mga Bilang 13:21mga 1490 BC

    Sila nga'y umakyat, at kanilang tiniktikan ang lupain mula sa ilang ng Zin hanggang sa Rehob, sa pagpasok sa Emath.

  18. Mga Bilang 13:22mga 1490 BC

    At sila'y umakyat sa dakong Timugan, at sila'y dumating sa Hebron; at si Aimen, si Sesai at si Talmai, na mga anak ni Anac, ay nangaroon. (Ngayon ang Hebron ay natayong pitong taon bago ang Zoan sa Egipto).

  19. Mga Bilang 13:23mga 1490 BC

    At sila'y dumating sa libis ng Escol, at sila'y pumutol doon ng isang sangang may isang kumpol na ubas, at dinala sa isang pingga ng dalawa; sila'y nagdala rin ng mga granada, at mga igos.

  20. Mga Bilang 13:24mga 1490 BC

    Ang dakong yaon ay tinawag na libis ng Escol, dahil sa kumpol na kinitil ng mga anak ni Israel doon.

  21. Mga Bilang 13:25mga 1490 BC

    At sila'y nagbalik pagkatiktik sa lupain, sa katapusan ng apat na pung araw.

  22. Mga Bilang 13:26mga 1490 BC

    At sila'y nagsiyaon at nagsiparoon kay Moises, at kay Aaron at sa buong kapisanan ng mga anak ni Israel, sa ilang ng Paran, sa Cades; at kanilang binigyang sagot sila, at ang buong kapisanan, at kanilang ipinakita sa kanila ang bunga ng lupain.

  23. Mga Bilang 13:27mga 1490 BC

    At kanilang isinaysay sa kaniya, at sinabi, Kami ay dumating sa lupaing yaong pinaparoonan mo sa amin, at tunay na binubukalan ng gatas at pulot; at ito ang bunga niyaon.

  24. Mga Bilang 13:28mga 1490 BC

    Gayon man ang bayan na tumitira sa lupaing yaon ay malakas, at ang mga bayan ay nakukutaan, at napakalalaki: at saka aming nakita ang mga anak ni Anac doon.

  25. Mga Bilang 13:29mga 1490 BC

    Si Amalec ay tumatahan sa lupain ng Timugan: at ang Hetheo, at ang Jebuseo, at ang Amorrheo ay tumatahan sa mga bundok: at ang Cananeo ay tumatahan sa tabi ng dagat, at sa mga pangpang ng Jordan.