- English
- King James KJV
- Complete Jewish CJB
- World English WEBM
- Berean Standard BSB
- American Standard ASV
- Geneva GNV
- Young's Literal YLT
- Douay-Rheims DRC
- International
- Shqip ALB
- العربية SVD
- বাংলা BN-IRV
- မြန်မာ Judson
- 简体文 CUV-S
- 繁體中文 CUV-T
- Čeština BKR
- Nederlands STVE
- Français LSG
- Deutsch SCH
- Ελληνικά Vamvas
- ગુજરાતી GU-IRV
- Hausa HCB
- עברית Hebrew
- हिन्दी HCV
- Magyar KAROLI
- Bahasa Indonesia INDO-TB
- Italiano Diodati
- 日本語 Kougo
- 한국어 Korean
- മലയാളം MAL
- मराठी MRCV
- Norsk DNB
- فارسی OPV
- Polski BG
- Português Almeida
- Română Cornilescu
- Русский Synodal
- Español RVG
- Kiswahili Neno
- Svenska SV1917
- Tagalog TAG-ADB
- தமிழ் TCV
- తెలుగు TSA
- ภาษาไทย THAI-KJV
- Українська Ohienko
- Tiếng Việt CADMAN
- Yorùbá YCB
circa AD 48–96
Letters to the Churches
Paul and other apostles write to strengthen, correct, and encourage the scattered churches across the Roman world.
Mga talata mula sa panahong ito
- 1 Mga Taga-Corinto 14:28mga AD 59
Datapuwa't kung walang tagapagpaliwanag ay tumahimik siya sa iglesia; at siya'y magsalita sa kaniyang sarili, at sa Dios.
- 1 Mga Taga-Corinto 14:29mga AD 59
At ang dalawa o tatlo sa mga propeta ay magsipagsalita, at ang mga iba'y mangagsiyasat.
- 1 Mga Taga-Corinto 14:30mga AD 59
Datapuwa't kung may ipinahayag na anoman sa isang nauupo, ay tumahimik ang nauuna.
- 1 Mga Taga-Corinto 14:31mga AD 59
Sapagka't kayong lahat ay makapanghuhulang isa-isa, upang ang lahat ay mangatuto, at ang lahat ay maaralan;
- 1 Mga Taga-Corinto 14:32mga AD 59
At ang mga espiritu ng mga propeta ay nasasakupan ng mga propeta;
- 1 Mga Taga-Corinto 14:33mga AD 59
Sapagka't ang Dios ay hindi Dios ng kaguluhan, kundi ng kapayapaan. Gaya sa lahat ng mga iglesia ng mga banal,
- 1 Mga Taga-Corinto 14:34mga AD 59
Ang mga babae ay magsitahimik sa mga iglesia: sapagka't sila'y walang kapahintulutang mangagsalita; kundi sila'y pasakop, gaya naman ng sinasabi ng kautusan.
- 1 Mga Taga-Corinto 14:35mga AD 59
At kung ibig nilang maalaman ang anomang bagay, magtanong sila sa kanilang asawa sa bahay; sapagka't mahalay na ang isang babae ay magsalita sa iglesia.
- 1 Mga Taga-Corinto 14:36mga AD 59
Ano? lumabas baga mula sa inyo ang salita ng Dios? o sa inyo lamang dumating?
- 1 Mga Taga-Corinto 14:37mga AD 59
Kung iniisip ninoman na siya'y propeta, o ayon sa espiritu, ay kilalanin niya ang mga bagay na sa inyo'y isinusulat ko, na pawang utos ng Panginoon.
- 1 Mga Taga-Corinto 14:38mga AD 59
Datapuwa't kung ang sinoman ay mangmang, ay manatili siyang mangmang.
- 1 Mga Taga-Corinto 14:39mga AD 59
Kaya nga, mga kapatid ko, maningas na pakanasain ninyong makapanghula, at huwag ninyong ipagbawal ang magsalita ng mga wika.
- 1 Mga Taga-Corinto 14:40mga AD 59
Datapuwa't gawin ninyong may karapatan at may kaayusan ang lahat ng mga bagay.
- 1 Mga Taga-Corinto 15:1mga AD 59
Ngayo'y ipinatatalastas ko sa inyo, mga kapatid, ang evangelio na sa inyo'y aking ipinangaral, na inyo namang tinanggap, na siya naman ninyong pinananatilihan,
- 1 Mga Taga-Corinto 15:2mga AD 59
Sa pamamagitan naman nito'y ligtas kayo kung matiyaga ninyong iingatan ang salitang ipinangaral ko sa inyo, maliban na kung kayo'y nagsipanampalataya nang walang kabuluhan.
- 1 Mga Taga-Corinto 15:3mga AD 59
Sapagka't ibinigay ko sa inyo una sa lahat, ang akin namang tinanggap: na si Cristo ay namatay dahil sa ating mga kasalanan, ayon sa mga kasulatan,
- 1 Mga Taga-Corinto 15:4mga AD 59
At siya'y inilibing; at siya'y muling binuhay nang ikatlong araw ayon sa mga kasulatan;
- 1 Mga Taga-Corinto 15:5mga AD 59
At siya'y napakita kay Cefas, at saka sa labingdalawa;
- 1 Mga Taga-Corinto 15:6mga AD 59
Pagkatapos ay napakita sa mahigit na limang daang kapatid na paminsan, na ang karamihan sa mga ito'y nangabubuhay hanggang ngayon, datapuwa't ang mga iba'y nangatulog na;
- 1 Mga Taga-Corinto 15:7mga AD 59
Saka napakita kay Santiago; at saka sa lahat ng mga apostol;
- 1 Mga Taga-Corinto 15:8mga AD 59
At sa kahulihulihan, tulad sa isang ipinanganak sa di kapanahunan, ay napakita naman siya sa akin.
- 1 Mga Taga-Corinto 15:9mga AD 59
Ako nga ang pinakamaliit sa mga apostol, at hindi ako karapatdapat na tawaging apostol, sapagka't pinagusig ko ang iglesia ng Dios.
- 1 Mga Taga-Corinto 15:10mga AD 59
Datapuwa't sa pamamagitan ng biyaya ng Dios, ako nga'y ako; at ang kaniyang biyaya na ibinigay sa akin ay hindi nawawalan ng kabuluhan; bagkus ako'y malabis na nagpagal kay sa kanilang lahat: bagaman hindi ako, kundi ang biyaya ng Dios na sumasa akin.
- 1 Mga Taga-Corinto 15:11mga AD 59
Maging ako nga o sila, ay gayon ang aming ipinangangaral, at gayon ang inyong sinampalatayanan.
- 1 Mga Taga-Corinto 15:12mga AD 59
Kung si Cristo nga'y ipinangangaral na siya'y muling binuhay sa mga patay, bakit ang ilan sa inyo ay nagsisipagsabi na walang pagkabuhay na maguli ng mga patay?