- English
- King James KJV
- Complete Jewish CJB
- World English WEBM
- Berean Standard BSB
- American Standard ASV
- Geneva GNV
- Young's Literal YLT
- Douay-Rheims DRC
- International
- Shqip ALB
- العربية SVD
- বাংলা BN-IRV
- မြန်မာ Judson
- 简体文 CUV-S
- 繁體中文 CUV-T
- Čeština BKR
- Nederlands STVE
- Français LSG
- Deutsch SCH
- Ελληνικά Vamvas
- ગુજરાતી GU-IRV
- Hausa HCB
- עברית Hebrew
- हिन्दी HCV
- Magyar KAROLI
- Bahasa Indonesia INDO-TB
- Italiano Diodati
- 日本語 Kougo
- 한국어 Korean
- മലയാളം MAL
- मराठी MRCV
- Norsk DNB
- فارسی OPV
- Polski BG
- Português Almeida
- Română Cornilescu
- Русский Synodal
- Español RVG
- Kiswahili Neno
- Svenska SV1917
- Tagalog TAG-ADB
- தமிழ் TCV
- తెలుగు TSA
- ภาษาไทย THAI-KJV
- Українська Ohienko
- Tiếng Việt CADMAN
- Yorùbá YCB
circa AD 48–96
Letters to the Churches
Paul and other apostles write to strengthen, correct, and encourage the scattered churches across the Roman world.
Mga talata mula sa panahong ito
- 1 Mga Taga-Corinto 1:1mga AD 59
¶ Si Pablo, na tinawag na maging apostol ni Jesucristo sa pamamagitan ng kalooban ng Dios, at si Sostenes na ating kapatid,
- 1 Mga Taga-Corinto 1:2mga AD 59
Sa iglesia ng Dios na nasa Corinto, sa makatuwid baga'y sa mga pinapagingbanal kay Cristo Jesus, na tinawag na mangagbanal, na kasama ng lahat ng mga nagsisitawag sa bawa't dako, sa pangalan ng ating Panginoong Jesucristo, na kanila at ating Panginoon:
- 1 Mga Taga-Corinto 1:3mga AD 59
Sumainyo nawa ang biyaya at kapayapaang mula sa Dios na ating Ama at sa Panginoong Jesucristo.
- 1 Mga Taga-Corinto 1:4mga AD 59
Nagpapasalamat akong lagi sa aking Dios tungkol sa inyo, dahil sa biyaya ng Dios na ipinagkaloob sa inyo sa pamamagitan ni Cristo Jesus;
- 1 Mga Taga-Corinto 1:5mga AD 59
Na kayo ay pinayaman sa kanya, sa lahat ng mga bagay sa lahat ng pananalita at sa lahat ng kaalaman;
- 1 Mga Taga-Corinto 1:6mga AD 59
Gaya ng pinagtibay sa inyo ang patotoo ni Cristo:
- 1 Mga Taga-Corinto 1:7mga AD 59
Ano pa't kayo'y hindi nagkulang sa anomang kaloob; na nagsisipaghintay ng paghahayag ng ating Panginoong Jesucristo;
- 1 Mga Taga-Corinto 1:8mga AD 59
Na siya namang magpapatibay sa inyo hanggang sa katapusan, upang huwag kayong mapagwikaan sa kaarawan ng ating Panginoong Jesucristo.
- 1 Mga Taga-Corinto 1:9mga AD 59
Ang Dios ay tapat, na sa pamamagitan niya ay tinawag kayo sa pakikisama ng kaniyang anak na si Jesucristo na Panginoon natin.
- 1 Mga Taga-Corinto 1:10mga AD 59
Ngayo'y ipinamamanhik ko sa inyo, mga kapatid, sa pamamagitan ng pangalan ng ating Panginoong Jesucristo, na kayong lahat ay mangagsalita ng isa lamang bagay, at huwag mangagkaroon sa inyo ng mga pagkakabahabahagi; kundi kayo'y mangalubos sa isa lamang pagiisip at isa lamang paghatol.
- 1 Mga Taga-Corinto 1:11mga AD 59
Sapagka't ipinatalastas sa akin tungkol sa inyo, mga kapatid ko, ng mga kasangbahay ni Cloe, na sa inyo'y may mga pagtatalotalo.
- 1 Mga Taga-Corinto 1:12mga AD 59
Ibig ko ngang sabihin ito, na ang bawa't isa sa inyo ay nagsasabi, Ako'y kay Pablo; at ako'y kay Apolos; at ako'y kay Cefas; at ako'y kay Cristo.
- 1 Mga Taga-Corinto 1:13mga AD 59
Nabahagi baga si Cristo? ipinako baga sa krus si Pablo dahil sa inyo? o binautismuhan baga kayo sa pangalan ni Pablo?
- 1 Mga Taga-Corinto 1:14mga AD 59
Nagpapasalamat ako sa Dios na hindi ko binautismuhan ang sinoman sa inyo, maliban si Crispo at si Gayo;
- 1 Mga Taga-Corinto 1:15mga AD 59
Baka masabi ninoman na kayo'y binautismuhan sa pangalan ko.
- 1 Mga Taga-Corinto 1:16mga AD 59
At binautismuhan ko rin naman ang sangbahayan ni Estefanas: maliban sa mga ito, di ko maalaman kung may nabautismuhan akong iba pa.
- 1 Mga Taga-Corinto 1:17mga AD 59
Sapagka't hindi ako sinugo ni Cristo upang bumautismo, kundi upang mangaral ng evangelio: hindi sa karunungan ng mga salita baka mawalan ng kabuluhan ang krus ni Cristo.
- 1 Mga Taga-Corinto 1:18mga AD 59
Sapagka't ang salita ng krus ay kamangmangan sa kanila na nangapapahamak; nguni't ito'y kapangyarihan ng Dios sa atin na nangaliligtas.
- 1 Mga Taga-Corinto 1:19mga AD 59
Sapagka't nasusulat, Iwawalat ko ang karunungan ng marurunong, At isasawala ko ang kabaitan ng mababait.
- 1 Mga Taga-Corinto 1:20mga AD 59
Saan naroon ang marunong? saan naroon ang eskriba? saan naroon ang mapagmatuwid sa sanglibutang ito? hindi baga ginawa ng Dios na kamangmangan ang karunungan ng sanglibutan?
- 1 Mga Taga-Corinto 1:21mga AD 59
Sapagka't yamang sa karunungan ng Dios ay hindi nakilala ng sanglibutan ang Dios sa pamamagitan ng kaniyang karunungan, ay kinalugdan ng Dios na iligtas ang mga nagsisipanampalataya sa pamamagitan ng kamangmangan ng pangangaral.
- 1 Mga Taga-Corinto 1:22mga AD 59
Ang mga Judio nga ay nagsisihingi ng mga tanda, at ang mga Griego ay nagsisihanap ng karunungan:
- 1 Mga Taga-Corinto 1:23mga AD 59
Datapuwa't ang aming ipinangangaral ay ang Cristo na napako sa krus, na sa mga Judio ay katitisuran, at sa mga Gentil ay kamangmangan;
- 1 Mga Taga-Corinto 1:24mga AD 59
Nguni't sa kanila na mga tinawag, maging mga Judio at mga Griego, si Cristo ang kapangyarihan ng Dios, at ang karunungan ng Dios.
- 1 Mga Taga-Corinto 1:25mga AD 59
Sapagka't ang kamangmangan ng Dios ay lalong marunong kay sa mga tao; at ang kahinaan ng Dios ay lalong malakas kay sa mga tao.