- English
- King James KJV
- Complete Jewish CJB
- World English WEBM
- Berean Standard BSB
- American Standard ASV
- Geneva GNV
- Young's Literal YLT
- Douay-Rheims DRC
- International
- Shqip ALB
- العربية SVD
- বাংলা BN-IRV
- မြန်မာ Judson
- 简体文 CUV-S
- 繁體中文 CUV-T
- Čeština BKR
- Nederlands STVE
- Français LSG
- Deutsch SCH
- Ελληνικά Vamvas
- ગુજરાતી GU-IRV
- Hausa HCB
- עברית Hebrew
- हिन्दी HCV
- Magyar KAROLI
- Bahasa Indonesia INDO-TB
- Italiano Diodati
- 日本語 Kougo
- 한국어 Korean
- മലയാളം MAL
- मराठी MRCV
- Norsk DNB
- فارسی OPV
- Polski BG
- Português Almeida
- Română Cornilescu
- Русский Synodal
- Español RVG
- Kiswahili Neno
- Svenska SV1917
- Tagalog TAG-ADB
- தமிழ் TCV
- తెలుగు TSA
- ภาษาไทย THAI-KJV
- Українська Ohienko
- Tiếng Việt CADMAN
- Yorùbá YCB
circa 930–586 BC
The Divided Kingdom
The kingdom splits into Israel and Judah; prophets warn of judgment as both nations slowly drift into idolatry and exile.
Mga talata mula sa panahong ito
- 2 Mga Cronica 25:16mga 827 BC
At nangyari, habang siya'y nakikipagusap sa kaniya, na sinabi ng hari sa kaniya, Ginawa ka ba naming tagapayo ng hari? umurong ka; bakit ka sasaktan? Nang magkagayo'y umurong ang propeta, at nagsabi, Talastas ko na pinasiyahan ng Dios na patayin ka, sapagka't iyong ginawa ito, at hindi mo dininig ang aking payo.
- 2 Mga Cronica 25:17mga 826 BC
Nang magkagayo'y kumuhang payo si Amasias na hari sa Juda, at nagsugo kay Joas na anak ni Joachaz na anak ni Jehu, na hari sa Israel, na nagsabi, Halika, tayo'y magtitigan.
- 2 Mga Cronica 25:18mga 826 BC
At si Joas na hari sa Israel ay nagsugo kay Amasias na hari sa Juda, na nagsasabi, Ang dawag na nasa Libano, ay nagsugo sa sedro na nasa Libano, na nagsasabi, Ibigay mong asawa ang iyong anak na babae sa aking anak: at nagdaan ang mabangis na hayop na nasa Libano, at niyapakan ang dawag.
- 2 Mga Cronica 25:19mga 826 BC
Ikaw ay nagsasabi, Narito, iyong sinaktan ang Edom; at itinaas ka ng iyong puso upang magmalaki: tumahan ka ngayon sa bahay; bakit ibig mong makialam sa iyong ikapapahamak, upang ikaw ay mabuwal, ikaw, at ang Juda na kasama mo?
- 2 Mga Cronica 25:20mga 826 BC
Nguni't hindi dininig ni Amasias; sapagka't sa Dios, upang sila'y mabigay sa kamay ng kanilang mga kaaway, sapagka't hinanap nila ang mga dios ng Edom.
- 2 Mga Cronica 25:21mga 826 BC
Sa gayo'y umahon si Joas na hari sa Israel; at siya at si Amasias na hari sa Juda ay nagtitigan sa Beth-semes, na ukol sa Juda.
- 2 Mga Cronica 25:22mga 826 BC
At ang Juda ay nalagay sa kasamasamaan sa harap ng Israel; at sila'y nagsitakas bawa't isa sa kanikaniyang tolda.
- 2 Mga Cronica 25:23mga 826 BC
At kinuha ni Joas na hari sa Israel si Amasias na hari sa Juda, na anak ni Joas, na anak ni Joachaz, sa Beth-semes, at dinala siya sa Jerusalem, at ibinagsak ang kuta ng Jerusalem mula sa pintuang-bayan ng Ephraim hanggang sa pintuang-bayan ng sulok, na apat na raang siko.
- 2 Mga Cronica 25:24mga 826 BC
At kinuha niya ang lahat na ginto at pilak, at lahat na sisidlan na nasumpungan sa bahay ng Dios na kay Obed-edom; at ang mga kayamanan ng bahay ng hari, pati ng mga sanglang tao, at bumalik sa Samaria.
- 2 Mga Cronica 25:25mga 825 BC
At si Amasias na anak ni Joas na hari sa Juda ay nabuhay pagkamatay ni Joas na anak ni Joachaz na hari sa Israel na labing limang taon.
- 2 Mga Cronica 25:26mga 825 BC
Ang iba nga sa mga gawa ni Amasias, na una at huli, narito, di ba nangasusulat sa aklat ng mga hari sa Juda at sa Israel?
- 2 Mga Cronica 25:27mga 810 BC
Mula sa panahon nga na humiwalay si Amasias sa pagsunod sa Panginoon ay nagsipagbanta sila laban sa kaniya sa Jerusalem; at siya'y tumakas sa Lachis: nguni't pinasundan nila siya sa Lachis, at pinatay siya roon.
- 2 Mga Cronica 25:28mga 810 BC
At dinala siya na nakapatong sa mga kabayo, at inilibing siya na kasama ng kaniyang mga magulang sa bayan ng Juda.
At kinuha ng buong bayan ng Juda si Uzzias na may labing anim na taon, at ginawa siyang hari na kahalili ng kaniyang ama na si Amasias.
Kaniyang itinayo ang Eloth at isinauli sa Juda, pagkatapos na ang hari ay makatulog na kasama ng kaniyang mga magulang.
- 2 Mga Cronica 26:3mga 810 BC
May labing anim na taon si Uzzias nang siya'y magpasimulang maghari; at siya'y nagharing limangpu't dalawang taon sa Jerusalem: at ang pangalan ng kaniyang ina ay Jecholia na taga Jerusalem.
- 2 Mga Cronica 26:4mga 810 BC
At siya'y gumawa ng matuwid sa harap ng mga mata ng Panginoon, ayon sa lahat na ginawa ng kaniyang amang si Amasias.
- 2 Mga Cronica 26:5mga 810 BC
At siya'y tumalagang hanapin ang Dios sa mga kaarawan ni Zacharias, na siyang maalam sa pangitain sa Dios: at habang kaniyang hinahanap ang Panginoon, pinagiginhawa siya ng Dios.
- 2 Mga Cronica 26:6mga 810 BC
At siya'y lumabas at nakipagdigma laban sa mga Filisteo, at ibinagsak ang kuta ng Gath, at ang kuta ng Jabnia, at ang kuta ng Asdod; at siya'y nagtayo ng mga bayan sa lupain ng Asdod, at sa gitna ng mga Filisteo.
- 2 Mga Cronica 26:7mga 810 BC
At tinulungan siya ng Dios laban sa mga Filisteo, at laban sa mga taga Arabia na nagsisitahan sa Gurbaal, at sa mga Meunim.
- 2 Mga Cronica 26:8mga 810 BC
At ang mga Ammonita ay nagsipagbigay ng mga kaloob kay Uzzias; at ang kaniyang pangalan ay lumaganap hanggang sa pasukan ng Egipto; sapagka't siya'y lumakas na mainam.
- 2 Mga Cronica 26:9mga 810 BC
Bukod dito'y si Uzzias ay nagtayo ng mga moog sa Jerusalem sa pintuang-bayan na nasa panulok, at sa pintuang-bayan sa libis, at sa pagliko ng kuta, at mga pinagtibay.
- 2 Mga Cronica 26:10mga 810 BC
At siya'y nagtayo ng mga moog sa ilang, at humukay ng maraming balon, sapagka't siya'y nagkaroon ng maraming kawan; sa mababang lupa rin naman, at sa kapatagan; at siya'y may mangbubukid at manggagawa sa ubasan sa mga bundok at sa mga mabungang bukid; sapagka't siya'y may hilig sa bukiran.
- 2 Mga Cronica 26:11mga 810 BC
Bukod dito'y si Uzzias ay may hukbo ng mga manglalaban, na nagsisilabas sa pakikipagdigma na pulupulutong ayon sa bilang ng kanilang kabilangan na ginawa ni Jehiel na kalihim, at ni Maasias na pinuno, sa kapangyarihan ni Hananias, na isa sa mga punong kawal ng hari.
- 2 Mga Cronica 26:12mga 810 BC
Ang buong bilang ng mga pangulo ng mga sangbahayan ng mga magulang, na mga makapangyarihang lalaking matatapang, ay dalawang libo at anim na raan.