- English
- King James KJV
- Complete Jewish CJB
- World English WEBM
- Berean Standard BSB
- American Standard ASV
- Geneva GNV
- Young's Literal YLT
- Douay-Rheims DRC
- International
- Shqip ALB
- العربية SVD
- বাংলা BN-IRV
- မြန်မာ Judson
- 简体文 CUV-S
- 繁體中文 CUV-T
- Čeština BKR
- Nederlands STVE
- Français LSG
- Deutsch SCH
- Ελληνικά Vamvas
- ગુજરાતી GU-IRV
- Hausa HCB
- עברית Hebrew
- हिन्दी HCV
- Magyar KAROLI
- Bahasa Indonesia INDO-TB
- Italiano Diodati
- 日本語 Kougo
- 한국어 Korean
- മലയാളം MAL
- मराठी MRCV
- Norsk DNB
- فارسی OPV
- Polski BG
- Português Almeida
- Română Cornilescu
- Русский Synodal
- Español RVG
- Kiswahili Neno
- Svenska SV1917
- Tagalog TAG-ADB
- தமிழ் TCV
- తెలుగు TSA
- ภาษาไทย THAI-KJV
- Українська Ohienko
- Tiếng Việt CADMAN
- Yorùbá YCB
circa AD 48–96
Letters to the Churches
Paul and other apostles write to strengthen, correct, and encourage the scattered churches across the Roman world.
Mga talata mula sa panahong ito
- 1 Mga Taga-Corinto 11:6mga AD 59
Sapagka't kung ang babae ay walang lambong, ay pagupit naman; nguni't kung kahiyahiya sa babae ang pagupit o paahit, ay maglambong siya.
- 1 Mga Taga-Corinto 11:7mga AD 59
Sapagka't katotohanang ang lalake ay hindi dapat maglambong sa kaniyang ulo, palibhasa'y larawan siya at kaluwalhatian ng Dios: nguni't ang babae ay siyang kaluwalhatian ng lalake.
- 1 Mga Taga-Corinto 11:8mga AD 59
Sapagka't ang lalake ay hindi sa babae; kundi ang babae ay sa lalake:
- 1 Mga Taga-Corinto 11:9mga AD 59
Sapagka't hindi nilalang ang lalake dahil sa babae; kundi ang babae dahil sa lalake;
- 1 Mga Taga-Corinto 11:10mga AD 59
Dahil dito'y nararapat na ang babae ay magkaroon sa kaniyang ulo ng tanda ng kapamahalaan, dahil sa mga anghel.
- 1 Mga Taga-Corinto 11:11mga AD 59
Gayon man, ang babae ay di maaaring walang lalake at ang lalake ay di maaaring walang babae, sa Panginoon.
- 1 Mga Taga-Corinto 11:12mga AD 59
Sapagka't kung paanong ang babae ay sa lalake, gayon din naman ang lalake ay sa pamamagitan ng babae; datapuwa't ang lahat ng mga bagay ay sa Dios.
- 1 Mga Taga-Corinto 11:13mga AD 59
Hatulan ninyo sa inyo-inyong sarili: nararapat baga na manalangin ang babae sa Dios nang walang lambong?
- 1 Mga Taga-Corinto 11:14mga AD 59
Hindi baga ang katalagahan din ang nagtuturo sa inyo, na kung may mahabang buhok ang lalake, ay mahalay sa kaniya?
- 1 Mga Taga-Corinto 11:15mga AD 59
Datapuwa't kung ang babae ang may mahabang buhok, ay isang kapurihan niya; sapagka't ang buhok sa kaniya'y ibinigay na pangtakip.
- 1 Mga Taga-Corinto 11:16mga AD 59
Datapuwa't kung tila mapagtunggali ang sinoman, walang gayong ugali kami, ni ang iglesia man ng Dios.
- 1 Mga Taga-Corinto 11:17mga AD 59
Datapuwa't sa pagtatagubilin sa inyo nito, ay hindi ko kayo pinupuri, sapagka't kayo'y nangagkakatipon hindi sa lalong mabuti kundi sa lalong masama.
- 1 Mga Taga-Corinto 11:18mga AD 59
Sapagka't unauna'y nababalitaan ko na kung nangagkakatipon kayo sa iglesia, ay mayroon sa inyong mga pagkakabahabahagi; at may kaunting paniniwala ako.
- 1 Mga Taga-Corinto 11:19mga AD 59
Sapagka't tunay na sa inyo'y mayroong mga hidwang pananampalataya, upang yaong mga napatunayan na ay mangahayag sa inyo.
- 1 Mga Taga-Corinto 11:20mga AD 59
Kung kayo nga ay nangagkakatipon, ay hindi kayo maaaring magsikain ng hapunan ng Panginoon;
- 1 Mga Taga-Corinto 11:21mga AD 59
Sapagka't sa inyong pagkain, ang bawa't isa'y kumukuha ng kanikaniyang sariling hapunan na nagpapauna sa iba; at ang isa ay gutom, at ang iba'y lasing.
- 1 Mga Taga-Corinto 11:22mga AD 59
Ano, wala baga kayong mga bahay na inyong makakanan at maiinuman? o niwawalang halaga ninyo ang iglesia ng Dios, at hinihiya ninyo ang mga wala ng anoman? Ano ang aking sasabihin sa inyo? Kayo baga'y aking pupurihin? Sa bagay na ito ay hindi ko kayo pinupuri.
- 1 Mga Taga-Corinto 11:23mga AD 59
Sapagka't tinanggap ko sa Panginoon ang ibinibigay ko naman sa inyo; na ang Panginoong Jesus nang gabing siya'y ipagkanulo ay dumampot ng tinapay;
- 1 Mga Taga-Corinto 11:24mga AD 59
At nang siya'y makapagpasalamat, ay kaniyang pinagputolputol, at sinabi, Ito'y aking katawan na pinagputolputol dahil sa inyo: gawin ninyo ito sa pagaalaala sa akin.
- 1 Mga Taga-Corinto 11:25mga AD 59
At gayon din naman hinawakan ang saro pagkatapos na makahapon, na sinasabi, Ang sarong ito'y siyang bagong tipan sa aking dugo: gawin ninyo ito sa tuwing kayo'y magsisiinom, sa pagaalaala sa akin.
- 1 Mga Taga-Corinto 11:26mga AD 59
Sapagka't sa tuwing kanin ninyo ang tinapay na ito, at inuman ninyo ang saro, ay inihahayag ninyo ang pagkamatay ng Panginoon hanggang sa dumating siya.
- 1 Mga Taga-Corinto 11:27mga AD 59
Kaya't ang sinomang kumain ng tinapay, o uminom sa saro ng Panginoon, na di nararapat, ay magkakasala sa katawan at dugo ng Panginoon.
- 1 Mga Taga-Corinto 11:28mga AD 59
Datapuwa't siyasatin ng tao ang kaniyang sarili, at saka kumain ng tinapay, at uminom sa saro.
- 1 Mga Taga-Corinto 11:29mga AD 59
Sapagka't ang kumakain at umiinom, ay kumakain at umiinom ng hatol sa kaniyang sarili, kung hindi niya kinikilala ang katawan ng Panginoon.
- 1 Mga Taga-Corinto 11:30mga AD 59
Dahil dito'y marami sa inyo ang mahihina at mga masasaktin, at hindi kakaunti ang nangatutulog.