circa AD 48–96
Letters to the Churches
Paul and other apostles write to strengthen, correct, and encourage the scattered churches across the Roman world.
Mga talata mula sa panahong ito
- 1 Mga Taga-Corinto 11:31mga AD 59
Datapuwa't kung ating kilalanin ang ating sarili, ay hindi tayo hahatulan.
- 1 Mga Taga-Corinto 11:32mga AD 59
Datapuwa't kung tayo'y hinahatulan, ay pinarurusahan tayo ng Panginoon, upang huwag tayong mahatulang kasama ng sanglibutan.
- 1 Mga Taga-Corinto 11:33mga AD 59
Dahil dito, mga kapatid ko, kung kayo'y mangagsasalosalo sa pagkain, ay mangaghintayan kayo.
- 1 Mga Taga-Corinto 11:34mga AD 59
Kung ang sinoman ay magutom, kumain siya sa bahay; upang ang inyong pagsasalosalo ay huwag maging sa paghatol. At ang iba ay aking aayusin pagpariyan ko.
- 1 Mga Taga-Corinto 12:1mga AD 59
Ngayong tungkol sa mga kaloob na ayon sa espiritu, mga kapatid, ay hindi ko ibig na hindi kayo makaalam.
- 1 Mga Taga-Corinto 12:2mga AD 59
Nalalaman ninyo na nang kayo'y mga Gentil pa, ay iniligaw kayo sa mga piping diosdiosan, sa alin mang paraang pagkahatid sa inyo.
- 1 Mga Taga-Corinto 12:3mga AD 59
Kaya't ipinatatalastas ko sa inyo, na wala sinomang nagsasalita sa pamamagitan ng Espiritu ng Dios ay nagsasabi, Si Jesus ay itinakwil; at wala sinoman ay makapagsasabi, Si Jesus ay Panginoon kundi sa pamamagitan ng Espiritu Santo.
- 1 Mga Taga-Corinto 12:4mga AD 59
Ngayo'y may iba't ibang mga kaloob, datapuwa't iisang Espiritu.
- 1 Mga Taga-Corinto 12:5mga AD 59
At may iba't ibang mga pangangasiwa, datapuwa't iisang Panginoon.
- 1 Mga Taga-Corinto 12:6mga AD 59
At may iba't ibang paggawa, datapuwa't iisang Dios na gumagawa ng lahat ng mga bagay sa lahat.
- 1 Mga Taga-Corinto 12:7mga AD 59
Datapuwa't sa bawa't isa ay ibinibigay ang paghahayag ng Espiritu, upang pakinabangan naman.
- 1 Mga Taga-Corinto 12:8mga AD 59
Sapagka't sa isa, sa pamamagitan ng Espiritu ay ibinibigay ang salita ng karunungan; at sa iba'y ang salita ng kaalaman ayon din sa Espiritu:
- 1 Mga Taga-Corinto 12:9mga AD 59
Sa iba'y ang pananampalataya, sa gayon ding Espiritu; at sa iba'y ang mga kaloob na pagpapagaling, sa iisang Espiritu.
- 1 Mga Taga-Corinto 12:10mga AD 59
At sa iba'y ang mga paggawa ng mga himala; at sa iba'y hula; at sa iba'y ang pagkilala sa mga espiritu; at sa iba'y ang iba't ibang wika; at sa iba'y ang pagpapaliwanag ng mga wika.
- 1 Mga Taga-Corinto 12:11mga AD 59
Datapuwa't ang lahat ng ito ay ginagawa ng isa at ng gayon ding Espiritu, na binabahagi sa bawa't isa ayon sa kaniyang ibig.
- 1 Mga Taga-Corinto 12:12mga AD 59
Sapagka't kung paanong ang katawan ay iisa, at mayroong maraming mga sangkap, at ang lahat ng mga sangkap ng katawan, bagama't marami, ay iisang katawan; gayon din naman si Cristo.
- 1 Mga Taga-Corinto 12:13mga AD 59
Sapagka't sa isang Espiritu ay binabautismuhan tayong lahat sa isang katawan, maging tayo'y Judio o Griego, maging mga alipin o mga laya; at tayong lahat ay pinainom sa isang Espiritu.
- 1 Mga Taga-Corinto 12:14mga AD 59
Sapagka't ang katawan ay hindi iisang sangkap, kundi marami.
- 1 Mga Taga-Corinto 12:15mga AD 59
Kung sasabihin ng paa, Sapagka't hindi ako kamay, ay hindi ako sa katawan; hindi nga dahil dito'y hindi sa katawan.
- 1 Mga Taga-Corinto 12:16mga AD 59
At kung sasabihin ng tainga, Sapagka't hindi ako mata, ay hindi ako sa katawan; hindi nga dahil dito'y hindi sa katawan.
- 1 Mga Taga-Corinto 12:17mga AD 59
Kung ang buong katawan ay pawang mata, saan naroroon ang pakinig? Kung ang lahat ay pawang pakinig, saan naroroon ang pangamoy.
- 1 Mga Taga-Corinto 12:18mga AD 59
Datapuwa't ngayo'y inilagay ng Dios ang bawa't isa sa mga sangkap ng katawan, ayon sa kaniyang minagaling.
- 1 Mga Taga-Corinto 12:19mga AD 59
At kung ang lahat nga'y pawang isang sangkap, saan naroroon ang katawan?
- 1 Mga Taga-Corinto 12:20mga AD 59
Datapuwa't maraming mga sangkap nga, nguni't iisa ang katawan.
- 1 Mga Taga-Corinto 12:21mga AD 59
At hindi makapagsasabi ang mata sa kamay, Hindi kita kinakailangan: at hindi rin ang ulo sa mga paa, Hindi ko kayo kailangan.