Skip to content

Mga talata sa Bibliya tungkol sa Man

106 talata · 114 aspeto

Mahahalagang talata sa Bibliya

Salain ayon sa aklat
  1. Ito ang aklat ng mga lahi ni Adam. Nang araw na lalangin ng Dios ang tao, sa wangis ng Dios siya nilalang;

  2. Lalake at babae silang nilalang; at sila'y binasbasan, at tinawag na Adam ang kanilang pangalan, nang araw na sila'y lalangin.

  3. At ang takot sa inyo at sindak sa inyo ay mapapasa bawa't hayop sa lupa, at sa bawa't ibon sa himpapawid; lahat ng umuusad sa lupa, at lahat ng isda sa dagat, ay ibinibigay sa inyong kamay.

  4. Bawa't gumagalaw na nabubuhay ay magiging pagkain ninyo; gaya ng mga sariwang pananim na lahat ay ibinibigay ko sa inyo.

  5. Narito, siya'y hindi naglalagak ng tiwala sa kaniyang mga lingkod; at inaari niyang mga mangmang ang kaniyang mga anghel:

  6. Gaano pa kaya sila na nagsisitahan sa mga bahay na putik, na ang patibayan ay nasa alabok, na napipisang gaya ng paroparo!

  7. Sa pagitan ng umaga at hapon, ay nangagigiba; nangapaparam magpakailan man na walang pumupuna.

  8. Hindi ba nalalagot ang tali ng kanilang tolda sa loob nila? Sila'y nangamamatay at walang karunungan.

  9. Sasabihin ko sa Dios: Huwag mo akong hatulan; ipakilala mo sa akin kung bakit nakikipagtalo ka sa akin.

  10. Mabuti ba sa iyo na ikaw ay mamighati, na iyong itakuwil ang gawa ng iyong mga kaaway, at iyong pasilangin ang payo ng masama?

  11. Ang iyong mga kamay ang siyang lumalang at nagbigay anyo sa akin sa buong palibot; gayon ma'y pinahihirapan mo ako.

  12. Iyong alalahanin, isinasamo ko sa iyo, na ako'y iyong binigyang anyo na gaya ng putik; at iuuwi mo ba ako uli sa pagkaalabok?

  13. Hindi mo ba ako ibinuhos na parang gatas, at binuo mo akong parang keso?

  14. Ako'y binihisan mo ng balat at laman, at sinugpong mo ako ng mga buto at mga litid.

  15. Mapapakinabangan ba ang tao ng Dios? Tunay na siyang pantas ay nakikinabang sa kaniyang sarili.

  16. May kasayahan ba sa Makapangyarihan sa lahat na ikaw ay matuwid? O may pakinabang ba sa kaniya na iyong pinasasakdal ang iyong mga lakad?

  17. Dahil ba sa iyong takot sa kaniya na kaniyang sinasaway ka, na siya'y pumasok sa iyo sa kahatulan?

  18. Hindi ba malaki ang iyong kasamaan? Ni wala mang anomang wakas sa iyong mga kasamaan.

  19. Paano ngang makapagiging ganap ang tao sa Dios? O paanong magiging malinis siya na ipinanganak ng isang babae.

  20. Narito, pati ng buwan ay walang liwanag, at ang mga bituin ay hindi dalisay sa kaniyang paningin:

  21. Gaano pa nga kaliit ang tao, na isang uod! At ang anak ng tao, na isang uod!

  22. Iniisip mo bang ito'y matuwid? O sinasabi mong: Ang aking katuwiran ay higit kay sa Dios,

  23. Na iyong sinasabi, Anong pakinabang ang tatamuhin mo? At, anong pakinabang ang tataglayin kong higit kung ako'y nagkasala?

  24. Sasagutin kita, at ang iyong mga kasamahang kasama mo.

  25. Tumingala ka sa mga langit at iyong tingnan; at masdan mo ang mga alapaap na lalong mataas kay sa iyo.