Skip to content

Mga talata sa Bibliya tungkol sa Edomites

154 talata · 14 aspeto

Mahahalagang talata sa Bibliya

Salain ayon sa aklat
  1. Siya'y pumatay sa mga Idumeo ng sangpung libo sa Libis ng Asin, at sinakop ang Sela sa pakikipagdigma, at pinanganlang Jocteel, hanggang sa araw na ito.

  2. Ang mga ito nga ang mga hari na nagsipaghari sa lupain ng Edom bago naghari ang sinomang hari sa mga anak ni Israel: si Belah na anak ni Beor: at ang pangalan ng kaniyang bayan ay Dinaba.

  3. At namatay si Belah, at si Jobab na anak ni Zera na taga Bosra ay naghari na kahalili niya.

  4. At namatay si Jobab, at si Husam sa lupain ng mga Themaneo ay naghari na kahalili niya.

  5. At namatay si Husam, at si Adad na anak ni Bedad na sumakit kay Madian sa parang ng Moab, ay naghari na kahalili niya; at ang pangalan ng kaniyang bayan ay Avith.

  6. At namatay si Adad, at si Samla na taga Masreca ay naghari na kahalili niya.

  7. At namatay si Samla, at si Saul na taga Rehoboth sa tabi ng Ilog ay naghari na kahalili niya.

  8. At namatay si Saul, at si Baal-hanan na anak ni Achbor ay naghari na kahalili niya.

  9. At namatay si Baal-hanan, at si Adad ay naghari na kahalili niya; at ang pangalan ng kaniyang bayan ay Pai: at ang pangalan ng kaniyang asawa ay Meetabel, na anak na babae ni Matred, na anak na babae ni Me-zaab.

  10. At namatay si Adad. At ang mga pangulo ng Edom: ang pangulong Timna, ang pangulong Alia, ang pangulong Jetheh;

  11. Ang pangulong Oholibama, ang pangulong Ela, ang pangulong Phinon;

  12. Ang pangulong Chenaz, ang pangulong Theman, ang pangulong Mibzar;

  13. Ang pangulong Magdiel, ang pangulong Iram. Ito ang mga pangulo ng Edom.

  14. Sa kaniyang mga kaarawan ay nanghimagsik ang Edom na mula sa kapangyarihan ng Juda, at naghalal ng hari sa kanilang sarili.

  15. Nang magkagayo'y nagdaan si Joram na kasama ang kaniyang mga punong kawal, at dala ang lahat niyang mga karo: at siya'y bumangon ng kinagabihan at sinaktan ang mga Idumeo na kumubkob sa kaniya, at ang mga pinunong kawal sa mga karo.

  16. Sa gayo'y nanghimagsik ang Edom na mula sa kapangyarihan ng Juda, hanggang sa araw na ito: nang magkagayo'y nanghimagsik ang Libna nang panahong yaon na mula sa kaniyang kapangyarihan: sapagka't kaniyang pinabayaan ang Panginoon, ang Dios ng kaniyang mga magulang.

  17. At si Amasias ay tumapang, at inilabas ang kaniyang bayan, at naparoon sa Libis ng Asin, at sumakit sa mga anak ni Scir ng sangpung libo.

  18. At sangpung libo ang dinala ng mga anak ni Juda na buhay, at dinala sila sa taluktok ng burol at inihagis sila mula sa taluktok ng burol na anopa't silang lahat ay nagkawaraywaray.

  19. Ang hula tungkol sa Duma. May tumatawag sa akin mula sa Seir, Bantay, anong nangyari sa gabi? Bantay, anong nangyari sa gabi?

  20. Sinabi ng bantay, Ang umaga ay dumarating, at gayon din ang gabi: kung inyong uusisain, usisain ninyo: magsipihit kayo, parito kayo.

  21. Sino ito na nanggagaling sa Edom, na may mga kasuutang tinina mula sa Bosra? itong maluwalhati sa kaniyang suot, na lumalakad sa di kawasang lakas? Ako na nagsasalita ng katuwiran, makapangyarihang magligtas.

  22. Bakit ka mapula sa iyong kasuutan, at ang iyong damit ay gaya niyaong yumayapak sa alilisan ng alak?

  23. Aking niyapakang magisa ang alilisan ng alak; at sa mga bayan ay walang isang sumasa akin: oo, aking niyapakan siya sa aking galit, at aking niyurakan sila sa aking kapusukan; at ang kanilang dugong buhay ay pumilansik sa aking mga suot, at natigmak ang buong suot ko.

  24. Sapagka't ang kaarawan ng panghihiganti ay nasa aking puso, at ang taon ng aking mga tinubos ay dumating.

  25. Narito, ang mga kaarawan ay dumarating, sabi ng Panginoon, na aking parurusahan silang lahat na nangatuli sa hindi tunay na pagkatuli.