Skip to content

Mga talata sa Bibliya tungkol sa Edomites

154 talata · 14 aspeto

Mahahalagang talata sa Bibliya

Salain ayon sa aklat
  1. At sumagot si Isaac, at sinabi kay Esau. Narito, inilagay ko siyang panginoon mo, at sa kaniya'y ibinigay kong lingkod ang lahat niyang mga kapatid; at sa trigo at sa bagong alak, ay kinandili ko siya; at sa iyo'y ano ngang magagawa ko ngayon anak ko?

  2. At sinabi ni Esau sa kaniyang ama, Wala ka ba, kundi isa lamang basbas, ama ko? Basbasan mo ako, ako naman, Oh ama ko. At humiyaw si Esau at umiyak.

  3. At sumagot si Isaac na kaniyang ama, at sinabi sa kaniya, Narito, magiging sadya sa taba ng lupa ang iyong tahanan, At sa hamog ng langit mula sa itaas;

  4. At sa iyong tabak ay mabubuhay ka, at sa iyong kapatid ay maglilingkod ka; At mangyayari na pagka nakalaya ka, Papagpagin mo sa iyong leeg ang pamatok niya.

  5. At ito ang mga lahi ni Esau, na ama ng mga Edomita sa bundok ng Seir:

  6. Ito ang mga pangalan ng mga anak ni Esau: si Eliphas, na anak ni Ada na asawa ni Esau, si Reuel na anak ni Basemath, na asawa ni Esau.

  7. At ang mga anak ni Eliphaz, ay si Teman, si Omar, si Zepho, si Gatham at si Cenaz.

  8. At si Timna ay babae ni Eliphaz na anak ni Esau; at ipinanganak niya kay Eliphaz si Amalec; ito ang mga anak ni Ada na asawa ni Esau.

  9. At ito ang mga anak ni Reuel; si Nahat, si Zera, si Samma at si Mizza: ito ang mga anak ni Basemath na asawa ni Esau.

  10. At ito ang mga anak ni Aholibama, na anak ni Ana, na anak ni Zibeon, na asawa ni Esau: at ipinanganak niya kay Esau: si Jeus at si Jaalam at si Cora.

  11. Ito ang mga pangulo sa mga anak ni Esau: ang mga anak ni Eliphaz, na panganay ni Esau; ang pangulong Teman, ang pangulong Omar, ang pangulong Zepho, ang pangulong Cenaz,

  12. Ang pangulong Cora, ang pangulong Gatam, ang pangulong Amalec: ito ang mga pangulong nagmula kay Eliphaz sa lupain ng Edom; ito ang mga anak ni Ada.

  13. At ito ang mga anak ni Reuel na anak ni Esau; ang pangulong Nahath, ang pangulong Zera, ang pangulong Samma ang pangulong Mizza: ito ang mga pangulong nagmula kay Reuel sa lupain ng Edom; ito ang mga anak ni Basemath, na asawa ni Esau.

  14. At ito ang mga anak ni Aholibama na asawa ni Esau; ang pangulong Jeus, ang pangulong Jaalam, ang pangulong Cora: ito ang mga pangulong nagmula kay Aholibama na anak ni Ana, na asawa ni Esau.

  15. Ito ang mga anak ni Esau, at ito ang kanilang mga pangulo: na siyang Edom.

  16. Ito ang mga anak ni Seir na Horeo, na nagsisitahan sa lupain; si Lotan at si Sobal, at si Zibeon, at si Ana,

  17. At si Dison, at si Ezer, at si Disan: ito ang mga pangulong nagmula sa mga Horeo, na mga angkan ni Seir sa lupain ng Edom.

  18. At ang mga anak ni Lotan, ay si Hori at si Heman; at ang kapatid na babae ni Lotan ay si Timna.

  19. At ito ang mga anak ni Sobal; si Alvan, at si Manahath, at si Ebal, si Zepho, at si Onam.

  20. At ito ang mga anak ni Zibeon; si Aja at si Ana: ito rin ang si Ana na nakasumpong ng maiinit na bukal sa ilang, nang pinapanginginain ang mga asno ni Zibeon na kaniyang ama.

  21. At ito ang mga anak ni Ana; si Dison at si Aholibama, na anak na babae ni Ana.

  22. At ito ang mga anak ni Dizon: si Hemdan, at si Eshban, at si Ithram, at si Cheran.

  23. Ito ang mga anak ni Ezer: si Bilhan, at si Zaavan at si Acan.

  24. Ito ang mga anak ni Disan: si Huz at si Aran.

  25. Ito ang mga pangulong nagmula sa mga Horeo; ang pangulong Lotan, ang pangulong Sobal, ang pangulong Zibeon, ang pangulong Ana,