Lumaktaw sa nilalaman

Mga talata sa Bibliya tungkol sa Edomites: Kings of

17 talata · 14 aspeto

Mga talata tungkol sa Kings of

  1. At ito ang mga hari na nagsipaghari sa lupain ng Edom bago maghari ang sinomang hari sa angkan ni Israel.

  2. At si Bela na anak ni Beor ay naghari sa Edom; at ang pangalan ng kaniyang bayan ay Dinaba.

  3. At namatay si Bela, at naghari na kahalili niya si Jobab na anak ni Zera, na taga Bozra.

  4. At namatay si Jobab at naghari na kahalili niya si Husam, na taga lupain ng mga Temaneo.

  5. At namatay si Husam, at naghari na kahalili niya si Adad, na anak ni Badad, na siya ring sumakit kay Midian sa parang ni Moab: at ang pangalan ng kaniyang bayan ay Avita.

  6. At namatay si Adad at naghari na kahalili niya si Samla na taga Masreca.

  7. At namatay si Samla at naghari na kahalili niya si Saul, na taga Rehoboth na tabi ng Ilog.

  8. At namatay si Saul, at naghari na kahalili niya si Baalanan na anak ni Achbor.

  9. At namatay si Baalanan na anak ni Achbor, at naghari na kahalili niya si Adar; at ang pangalan ng kaniyang bayan ay Pau; at ang pangalan ng kaniyang asawa ay Meetabel na anak ni Matred, na anak na babae ni Mezaab.

  10. Ang mga ito nga ang mga hari na nagsipaghari sa lupain ng Edom bago naghari ang sinomang hari sa mga anak ni Israel: si Belah na anak ni Beor: at ang pangalan ng kaniyang bayan ay Dinaba.

  11. At namatay si Belah, at si Jobab na anak ni Zera na taga Bosra ay naghari na kahalili niya.

  12. At namatay si Jobab, at si Husam sa lupain ng mga Themaneo ay naghari na kahalili niya.

  13. At namatay si Husam, at si Adad na anak ni Bedad na sumakit kay Madian sa parang ng Moab, ay naghari na kahalili niya; at ang pangalan ng kaniyang bayan ay Avith.

  14. At namatay si Adad, at si Samla na taga Masreca ay naghari na kahalili niya.

  15. At namatay si Samla, at si Saul na taga Rehoboth sa tabi ng Ilog ay naghari na kahalili niya.

  16. At namatay si Saul, at si Baal-hanan na anak ni Achbor ay naghari na kahalili niya.

  17. At namatay si Baal-hanan, at si Adad ay naghari na kahalili niya; at ang pangalan ng kaniyang bayan ay Pai: at ang pangalan ng kaniyang asawa ay Meetabel, na anak na babae ni Matred, na anak na babae ni Me-zaab.