Skip to content

Eliphaz

8 talata · 14 kapamilya

Mga talatang bumabanggit kay Eliphaz

  1. At ipinanganak si Eliphaz ni Ada kay Esau; at ipinanganak ni Basemath si Reuel;

  2. Ito ang mga pangalan ng mga anak ni Esau: si Eliphas, na anak ni Ada na asawa ni Esau, si Reuel na anak ni Basemath, na asawa ni Esau.

  3. At ang mga anak ni Eliphaz, ay si Teman, si Omar, si Zepho, si Gatham at si Cenaz.

  4. At si Timna ay babae ni Eliphaz na anak ni Esau; at ipinanganak niya kay Eliphaz si Amalec; ito ang mga anak ni Ada na asawa ni Esau.

  5. Ito ang mga pangulo sa mga anak ni Esau: ang mga anak ni Eliphaz, na panganay ni Esau; ang pangulong Teman, ang pangulong Omar, ang pangulong Zepho, ang pangulong Cenaz,

  6. Ang pangulong Cora, ang pangulong Gatam, ang pangulong Amalec: ito ang mga pangulong nagmula kay Eliphaz sa lupain ng Edom; ito ang mga anak ni Ada.

  7. Ang mga anak ni Esau: si Eliphas, si Rehuel, at si Jeus, at si Jalam, at si Cora.

  8. Ang mga anak ni Eliphas: si Theman, at si Omar, si Sephi, at si Gatham, si Chenas, at si Timna, at si Amalec.