Skip to content

Mga talata sa Bibliya tungkol sa Reuel

8 talata · 3 aspeto

Mahahalagang talata sa Bibliya

  1. At ipinanganak si Eliphaz ni Ada kay Esau; at ipinanganak ni Basemath si Reuel;

  2. Ito ang mga pangalan ng mga anak ni Esau: si Eliphas, na anak ni Ada na asawa ni Esau, si Reuel na anak ni Basemath, na asawa ni Esau.

  3. At ito ang mga anak ni Reuel; si Nahat, si Zera, si Samma at si Mizza: ito ang mga anak ni Basemath na asawa ni Esau.

  4. At ito ang mga anak ni Reuel na anak ni Esau; ang pangulong Nahath, ang pangulong Zera, ang pangulong Samma ang pangulong Mizza: ito ang mga pangulong nagmula kay Reuel sa lupain ng Edom; ito ang mga anak ni Basemath, na asawa ni Esau.

  5. At ang lipi ni Gad: at ang magiging prinsipe sa mga anak ni Gad ay si Eliasaph na anak ni Rehuel:

  6. Ang mga anak ni Esau: si Eliphas, si Rehuel, at si Jeus, at si Jalam, at si Cora.

  7. Ang mga anak ni Rehuel: si Nahath, si Zera, si Samma, at si Mizza.

  8. At si Ibnias na anak ni Jeroham, at si Ela na anak ni Uzzi, na anak ni Michri, at si Mesullam na anak ni Sephatias, na anak ni Rehuel, na anak ni Ibnias;