Reuel
Mga talatang bumabanggit kay Reuel
At ipinanganak si Eliphaz ni Ada kay Esau; at ipinanganak ni Basemath si Reuel;
Ito ang mga pangalan ng mga anak ni Esau: si Eliphas, na anak ni Ada na asawa ni Esau, si Reuel na anak ni Basemath, na asawa ni Esau.
At ito ang mga anak ni Reuel; si Nahat, si Zera, si Samma at si Mizza: ito ang mga anak ni Basemath na asawa ni Esau.
At ito ang mga anak ni Reuel na anak ni Esau; ang pangulong Nahath, ang pangulong Zera, ang pangulong Samma ang pangulong Mizza: ito ang mga pangulong nagmula kay Reuel sa lupain ng Edom; ito ang mga anak ni Basemath, na asawa ni Esau.
Ang mga anak ni Esau: si Eliphas, si Rehuel, at si Jeus, at si Jalam, at si Cora.
Ang mga anak ni Rehuel: si Nahath, si Zera, si Samma, at si Mizza.