Lumaktaw sa nilalaman

circa 1446–1406 BC

The Wilderness Years

Forty years of wandering in the desert test Israel's faith and prepare a new generation to enter the promised land.

2,247 talata · 2 aklat na saklaw

Mga talata mula sa panahong ito

Salain ayon sa aklat
  1. Si Josue na anak ni Nun, na nakatayo sa harap mo, ay siyang papasok doon: palakasin mo ang kaniyang loob; sapagka't kaniyang ipamamana sa Israel.

  2. Bukod dito'y ang inyong mga bata, na inyong sinasabing magiging bihag, at ang inyong mga anak na sa araw na ito ay hindi nakakaalam ng mabuti o ng masama, ay sila ang papasok doon, at sa kanila'y aking ibibigay, at kanilang aariin.

  3. Nguni't tungkol sa inyo, ay bumalik kayo, at maglakbay kayo sa ilang sa daang patungo sa Dagat na Mapula.

  4. Nang magkagayo'y sumagot kayo at sinabi ninyo sa akin, Kami ay nagkasala laban sa Panginoon, kami ay sasampa at lalaban, ayon sa buong iniutos sa amin ng Panginoon naming Dios. At nagsipagsakbat bawa't isa sa inyo ng kanikaniyang sandata na pangdigma, at kayo'y nagmadaling sumampa sa bundok.

  5. At sinabi sa akin ng Panginoon, Sabihin mo sa kanila, Huwag kayong sumampa, ni lumaban; sapagka't ako'y wala sa inyo; baka kayo'y masugatan sa harap ng inyong mga kaaway.

  6. Gayon sinalita ko sa inyo, at hindi ninyo dininig; kundi kayo'y nanghimagsik laban sa utos ng Panginoon, at naghambog at umakyat sa bundok.

  7. At ang mga Amorrheo na tumatahan sa bundok na yaon, ay nagsilabas na laban sa inyo, at kayo'y hinabol, na gaya ng ginagawa ng mga pukyutan, at kayo'y tinalo sa Seir, hanggang sa Horma.

  8. At kayo'y bumalik at umiyak sa harap ng Panginoon; nguni't hindi dininig ng Panginoon ang inyong tinig, ni pinakinggan kayo.

  9. Sa gayon, ay natira kayong malaon sa Cades, ayon sa mga araw na inyong itinira roon.

  10. Deuteronomio 2:1mga 1453 BC

    Nang magkagayo'y pumihit tayo, at lumakad tayo sa ilang na daang patungo sa Dagat na Mapula, gaya ng sinalita sa akin ng Panginoon; at tayo'y malaong lumigid sa bundok ng Seir.

  11. Deuteronomio 2:2mga 1453 BC

    At ang Panginoon ay nagsalita sa akin, na sinasabi,

  12. Deuteronomio 2:3mga 1453 BC

    Malaon na ninyong naligid ang bundok na ito: lumiko kayo sa dakong hilagaan.

  13. Deuteronomio 2:4mga 1453 BC

    At iutos mo sa bayan, na iyong sabihin, Kayo'y dadaan sa hangganan ng inyong mga kapatid na mga anak ni Esau, na tumatahan sa Seir; at sila'y matatakot sa inyo. Magsipagingat nga kayong mabuti:

  14. Deuteronomio 2:5mga 1453 BC

    Huwag kayong makipagkaalit sa kanila; sapagka't hindi ko ibibigay sa inyo ang kanilang lupain, kahit ang natutungtungan ng talampakan ng isang paa: sapagka't ibinigay ko kay Esau, na pinakaari ang bundok ng Seir.

  15. Deuteronomio 2:6mga 1453 BC

    Kayo'y bibili sa kanila ng pagkain sa pamamagitan ng salapi, upang kayo'y makakain; at kayo'y bibili rin sa kanila ng tubig sa pamamagitan ng salapi, upang kayo'y makainom.

  16. Deuteronomio 2:7mga 1453 BC

    Sapagka't pinagpala ka ng Panginoon mong Dios, sa lahat ng gawa ng iyong kamay; kaniyang natalastas ang iyong paglalakbay dito sa malawak na ilang; sa loob nitong apat na pung taon ay sumaiyo ang Panginoon mong Dios; ikaw ay di kinulang ng anoman.

  17. Deuteronomio 2:8mga 1453 BC

    Gayon tayo nagdaan sa ating mga kapatid, na mga anak ni Esau, na tumatahan sa Seir, mula sa daan ng Araba, mula sa Elath at mula sa Esion-geber. At tayo'y bumalik at nagdaan sa ilang ng Moab.

  18. Deuteronomio 2:9mga 1453 BC

    At sinabi sa akin ng Panginoon, Huwag mong kaalitin ang Moab, ni kakalabanin sila sa digma; sapagka't hindi kita bibigyan sa kaniyang lupain ng pinakaari; sapagka't aking ibinigay na pinakaari ang Ar sa mga anak ni Lot.

  19. (Ang mga Emimeo ay nanahan doon noong una, bayang malaki, at marami, at matataas na gaya ng mga Anaceo:

  20. Ang mga ito man ay ibinilang na mga Rephaim, na gaya ng mga Anaceo; nguni't tinatawag silang Emimeo ng mga Moabita.

  21. Ang mga Hereo man ay tumahan sa Seir noong una, nguni't ang mga anak ni Esau ay humalili sa kanila; at nalipol sila ng mga ito sa harap din nila, at tumahan na kahalili nila; gaya ng ginawa ng Israel sa lupaing kaniyang pag-aari, na ibinigay ng Panginoon sa kanila.)

  22. Ngayon, tumindig kayo, at tumawid kayo sa batis ng Zered. At tayo'y tumawid sa batis ng Zered.

  23. At ang mga araw na ating ipinaglakad mula sa Cades-barnea hanggang sa tayo'y nakarating sa batis ng Zered, ay tatlong pu't walong taon, hanggang sa ang buong lahi ng mga lalaking mangdidigma ay nalipol sa gitna ng kampamento, gaya ng isinumpa sa kanila ng Panginoon.

  24. Bukod dito'y ang kamay ng Panginoon ay naging laban sa kanila, upang lipulin sila sa gitna ng kampamento, hanggang sa sila'y nalipol.

  25. Kaya't nangyari, nang malipol at mamatay sa gitna ng bayan ang lahat ng lalaking mangdidigma.