Lumaktaw sa nilalaman

Jerusalem

753 verses · 2 known names

Kilala rin bilang: Jerusalem's

31.7700, 35.2300 Tingnan sa Google Maps

Mga talatang bumabanggit kay Jerusalem

Salain ayon sa aklat
  1. At ang panahon na kaniyang ipinaghari sa Israel ay apat na pung taon; pitong taon na naghari siya sa Hebron, at tatlong pu't tatlong taon na naghari siya sa Jerusalem.

  2. Nguni't ang kaban ng Dios ay iniahon ni David mula sa Chiriath-jearim hanggang sa dakong pinaghandaan ni David: sapagka't kaniyang ipinagtayo ng tolda sa Jerusalem.

  3. Sa gayo'y dumating si Salomon mula sa mataas na dako na nasa Gabaon, mula sa harap ng tabernakulo ng kapisanan hanggang sa Jerusalem; at siya'y naghari sa Israel.

  4. At si Salomon ay nagpisan ng mga karo at mga mangangabayo: at siya'y mayroong isang libo at apat na raang karo, at labing dalawang libong mangangabayo, na kaniyang inilagay sa bayan ng mga karo, at kasama ng hari sa Jerusalem.

  5. At ginawa ng hari ang pilak at ginto na maging gaya ng mga bato sa Jerusalem, at ang mga sedro na maging gaya ng mga sikomoro na nangasa mababang lupa dahil sa kasaganaan.

  6. Ngayon nga'y suguan mo ako ng isang lalake na bihasang manggagawa sa ginto, at sa pilak, at sa tanso, at sa bakal, at sa kulay ube, at matingkad na pula, at bughaw, at ng makauukit ng sarisaring ukit, upang makasama ng mga matalinong lalake na kasama ko sa Juda at sa Jerusalem, na itinaan ni David na aking ama.

  7. At kami ay magsisiputol ng kahoy mula sa Libano, kung gaano ang iyong kakailanganin: at aming dadalhin sa iyo sa mga balsa na idadaan sa dagat hanggang sa Joppe; at iyong iaahon sa Jerusalem.

  8. Nang magkagayo'y pinasimulan ni Salomon na itayo ang bahay ng Panginoon, sa Jerusalem sa bundok ng Moria, na pinagkakitaan ng Panginoon kay David na kaniyang ama, sa dakong kaniyang pinaghandaan na pinagtakdaan ni David sa giikan ni Ornan na Jebuseo.

  9. Nang magkagayo'y pinulong ni Salomon ang mga matanda ng Israel, at ang lahat na pangulo ng mga lipi, ang mga prinsipe ng mga sangbahayan ng mga magulang ng mga anak ni Israel, sa Jerusalem, upang iahon ang kaban ng tipan ng Panginoon mula sa bayan ni David na siyang Sion.

  10. Kundi aking pinili ang Jerusalem upang ang aking pangalan ay dumoon; aking pinili si David upang mamahala sa aking bayang Israel.

  11. At ang Baalath at ang lahat na bayan na imbakan na tinatangkilik ni Salomon, at lahat na bayan na ukol sa kaniyang mga karo, at ang mga bayan na ukol sa kaniyang mga mangangabayo, at lahat na ninasa ni Salomon, na itayo para sa kaniyang kasayahan sa Jerusalem, at sa Libano, at sa buong lupain ng kaniyang sakop.

  12. At nang mabalitaan ng reina sa Seba ang kabantugan ni Salomon, siya'y naparoon upang subukin si Salomon, sa mga mahirap na tanong sa Jerusalem, na may maraming kaakbay, at mga kamelyo na may pasang mga espesia, at ginto na sagana, at mga mahalagang bato: at nang siya'y dumating kay Salomon, kaniyang inihinga sa kaniya ang lahat na laman ng kaniyang dibdib.

  13. At si Salomon ay may apat na libong silungan ng kabayo at mga karo, at labing dalawang libong mangangabayo, na kaniyang mga inilagay sa mga bayan ng mga karo, at kasama ng hari sa Jerusalem.

  14. At ginawa ng hari na maging parang mga bato ang pilak sa Jerusalem, at ang mga sedro ay ginawa niyang maging parang mga puno ng sikomoro na nasa mababang lupa, dahil sa kasaganaan.

  15. At si Salomon ay naghari sa Jerusalem sa buong Israel na apat na pung taon.

  16. Nang magkagayo'y sinugo ng haring Roboam si Adoram, na nasa buwisan; at binato siya ng mga bato ng mga anak ni Israel, na anopa't siya'y namatay. At ang haring Roboam ay nagmadaling sumampa sa kaniyang karo, upang tumakas sa Jerusalem.

  17. At nang dumating si Roboam sa Jerusalem, kaniyang pinisan ang sangbahayan ni Juda at ni Benjamin, na isang daan at walong pung libo na piling mga lalake, na mga mangdidigma, na magsisilaban sa Israel, upang ibalik ang kaharian kay Roboam.

  18. At si Roboam ay tumahan sa Jerusalem, at nagtayo ng mga bayan na pinaka sanggalang sa Juda.

  19. Sapagka't iniwan ng mga Levita ang kanilang mga nayon at ang kanilang pag-aari, at nagsiparoon sa Juda at Jerusalem: sapagka't pinalayas sila ni Jeroboam at ng kaniyang mga anak, na huwag nilang gagawin ang katungkulang pagkasaserdote sa Panginoon;

  20. At pagkatapos nila, yaong sa lahat ng mga lipi ng Israel na naglagak ng kanilang puso na hanapin ang Panginoon, ang Dios ng Israel, ay nagsiparoon sa Jerusalem upang maghain sa Panginoon, sa Dios ng kanilang mga magulang.

  21. At nangyari nang ikalimang taon ng haring Roboam, na si Sisac na hari sa Egipto ay umahon laban sa Jerusalem, sapagka't sila'y nagsisalangsang laban sa Panginoon,

  22. At sinupok niya ang mga bayang nakukutaan na nauukol sa Juda, at naparoon sa Jerusalem.

  23. Si Semeias nga na propeta ay naparoon kay Roboam, at sa mga prinsipe ng Juda, na pagpipisan sa Jerusalem dahil kay Sisac, at nagsabi sa kanila, Ganito ang sabi ng Panginoon, Inyo akong pinabayaan, kaya't iniwan ko naman kayo sa kamay ni Sisac.

  24. At nang makita ng Panginoon na sila'y nangagpakumbaba, ang salita ng Panginoon ay dumating kay Semeias, na sinasabi, Sila'y nangagpakumbaba; hindi ko gigibain sila: kundi aking bibigyan sila ng kaunting pagliligtas, at ang aking galit ay hindi mabubugso sa Jerusalem sa pamamagitan ng kamay ni Sisac.

  25. Sa gayo'y umahon si Sisac na hari sa Egipto laban sa Jerusalem, at dinala ang mga kayamanan ng bahay ng Panginoon, at mga kayamanan ng bahay ng hari; kaniyang kinuhang lahat: kaniyang kinuha pati ng mga kalasag na ginto na ginawa ni Salomon.