Lumaktaw sa nilalaman

circa 1900–1700 BC

Jacob, Joseph & Egypt

Jacob wrestles with God and becomes Israel; Joseph is sold into slavery yet rises to save the world from famine.

840 talata · 1 aklat na saklaw

Mga talata mula sa panahong ito

  1. Genesis 29:23mga 1753 BC

    At nangyari nang kinagabihan, na kaniyang kinuha si Lea na kaniyang anak at dinala niya kay Jacob, at siya'y sumiping sa kaniya.

  2. Genesis 29:24mga 1753 BC

    At sa kaniyang anak na kay Lea ay ibinigay na pinaka alilang babae ang kaniyang alilang si Zilpa.

  3. Genesis 29:25mga 1753 BC

    At nangyari, na sa kinaumagahan, narito't si Lea: at kaniyang sinabi kay Laban: Ano itong ginawa mo sa akin? Hindi ba kita pinaglingkuran dahil kay Raquel? Bakit mo nga ako dinaya?

  4. Genesis 29:26mga 1753 BC

    At sinabi ni Laban, Hindi ginagawa ang ganyan dito sa aming dako, na ibinibigay ang bunso, bago ang panganay.

  5. Genesis 29:27mga 1753 BC

    Tapusin mo ang kaniyang sanglingo, at ibibigay rin naman namin sa iyo ang isa, dahil sa paglilingkod na gagawin mong pitong taon pa, sa akin.

  6. Genesis 29:28mga 1753 BC

    At gayon ang ginawa ni Jacob, at tinapos niya ang sanglingo nito, at ibinigay ni Laban sa kaniya si Raquel na kaniyang anak na maging asawa niya.

  7. Genesis 29:29mga 1753 BC

    At sa kaniyang anak na kay Raquel ay ibinigay ni Laban na pinaka alilang babae ang kaniyang alilang si Bilha.

  8. Genesis 29:30mga 1753 BC

    At sumiping din naman si Jacob kay Raquel, at kaniya namang inibig si Raquel ng higit kay Lea, at naglingkod siya kay Laban na pitong taon pa.

  9. Genesis 29:31mga 1753 BC

    At nakita ng Panginoon na si Lea ay kinapopootan niya, at binuksan ang kaniyang bahay-bata; datapuwa't si Raquel ay baog.

  10. Genesis 29:32mga 1752 BC

    At naglihi si Lea, at nanganak ng isang lalake, at tinawag niya ang kaniyang pangalan na Ruben; sapagka't kaniyang sinabi, Sapagka't nilingap ng Panginoon ang aking kapighatian; dahil sa ngayo'y mamahalin ako ng aking asawa.

  11. Genesis 29:33mga 1751 BC

    At naglihi uli, at nanganak ng isang lalake; at nagsabi, Sapagka't narinig ng Panginoon na ako'y kinapopootan ay ibinigay rin naman sa akin ito: at pinanganlan niyang Simeon.

  12. Genesis 29:34mga 1750 BC

    At naglihi uli at nanganak ng isang lalake; at nagsabi, Ngayo'y masasama na sa akin ang aking asawa, sapagka't nagkaanak ako sa kaniya ng tatlong lalake: kaya't pinanganlan niyang Levi.

  13. Genesis 29:35mga 1749 BC

    At muling naglihi at nanganak ng isang lalake, at nagsabi, Ngayo'y aking pupurihin ang Panginoon: kaya't pinanganlang Juda; at hindi na nanganak.

  14. At nang makita ni Raquel, na hindi siya nagkakaanak kay Jacob, ay nainggit si Raquel sa kaniyang kapatid; at sinabi kay Jacob, Bigyan mo ako ng anak, o kung hindi ay mamamatay ako!

  15. At nagningas ang galit ni Jacob laban kay Raquel; at nagsabi, Ako ba'y nasa kalagayan ng Dios, na nagkait sa iyo ng bunga ng bahay-bata?

  16. At sinabi niya, Narito ang aking alilang si Bilha, sumiping ka sa kaniya; upang manganak sa ibabaw ng aking mga tuhod, at magkaroon din naman ako ng anak sa pamamagitan niya.

  17. At ibinigay niyang asawa si Bilha na kaniyang alila: at sinipingan ni Jacob.

  18. At naglihi si Bilha, at nagkaanak kay Jacob, ng isang lalake.

  19. Genesis 30:6mga 1748 BC

    At sinabi ni Raquel, Hinatulan ako ng Dios, at dininig din naman ang aking tinig, at binigyan ako ng anak: kaya't pinanganlang Dan.

  20. Genesis 30:7mga 1747 BC

    At si Bilhang alila ni Raquel ay naglihi uli at ipinanganak ang kaniyang ikalawang anak kay Jacob.

  21. Genesis 30:8mga 1747 BC

    At sinabi ni Raquel, Ako'y nakipagbaka ng malaking pakikipagbaka sa aking kapatid, at ako'y nanaig: at siya'y pinanganlang Nephtali.

  22. Genesis 30:9mga 1748 BC

    Nang makita ni Lea, na siya'y hindi na nanganganak, ay kinuha si Zilpa na kaniyang alila at ibinigay na asawa kay Jacob.

  23. Genesis 30:10mga 1748 BC

    At si Zilpa na alila ni Lea ay nagkaanak ng isang lalake kay Jacob.

  24. Genesis 30:11mga 1748 BC

    At sinabi ni Lea, Kapalaran! at pinanganlang Gad.

  25. Genesis 30:12mga 1748 BC

    At ipinanganak ni Zilpa na alila ni Lea, ang kaniyang ikalawang anak kay Jacob.