Skip to content

Mga talata sa Bibliya tungkol sa War

639 talata · 45 aspeto

Mahahalagang talata sa Bibliya

Salain ayon sa aklat
  1. Pumayapa ka sa harap ng Panginoong Dios; sapagka't ang kaarawan ng Panginoon ay malapit na: sapagka't inihanda ng Panginoon ang isang hain, kaniyang itinalaga ang kaniyang mga panauhin.

  2. At mangyayari sa kaarawan ng hain sa Panginoon, na aking parurusahan ang mga prinsipe, at ang mga anak ng hari, at ang lahat na nangagsusuot ng pananamit ng taga ibang lupa.

  3. At sa araw na yaon ay aking parurusahan yaong lahat na nagsisilukso sa pasukan, na pinupuno ang bahay ng kanilang panginoon ng pangdadahas at pagdaraya.

  4. At sa araw na yaon, sabi ng Panginoon, magkakaroon ng ingay ng hiyawan na mula sa pintuang-bayan ng mga isda, at ng pananambitan mula sa ikalawang bahagi, at malaking hugong na mula sa mga burol.

  5. Manambitan kayo, kayong mga nananahan sa Mactes; sapagka't ang buong bayan ng Canaan ay nalansag; yaong napapasanan ng pilak ay nangahiwalay.

  6. At mangyayari sa panahong yaon, na ang Jerusalem ay sisiyasatin kong may mga ilawan; at aking parurusahan ang mga tao na nagsisiupo sa kanilang mga latak, na nangagsasabi sa kanilang puso, Ang Panginoo'y hindi gagawa ng mabuti, ni gagawa man siya ng masama.

  7. At ang kanilang kayamanan ay magiging samsam, at ang kanilang mga bahay ay kasiraan: oo, sila'y mangagtatayo ng mga bahay, nguni't hindi nila titirahan; at sila'y mag-uubasan, nguni't hindi sila magsisiinom ng alak niyaon.

  8. Ang dakilang kaarawan ng Panginoon ay malapit na, malapit na at nagmamadaling mainam, sa makatuwid baga'y ang tinig ng kaarawan ng Panginoon; ang makapangyarihang tao ay sumisigaw roon ng kalagimlagim.

  9. Ang araw na yaon ay kaarawan ng kapootan, kaarawan ng kabagabagan at kahapisan, kaarawan ng kawakasan at kasiraan, kaarawan ng kadiliman at kalumbayan, kaarawan ng mga alapaap at pagsasalimuot ng kadiliman,

  10. Kaarawan ng pakakak at ng hudyatan, laban sa mga bayang nakukutaan, at laban sa mataas na kuta.

  11. At aking dadalhan ng kahapisan ang mga tao, na sila'y magsisilakad na parang mga bulag, sapagka't sila'y nangagkasala laban sa Panginoon; at ang kanilang dugo ay mabububo na parang alabok, at ang kanilang katawan ay parang dumi.

  12. Kahit ang kanilang pilak o ang kanilang ginto man ay hindi makapagliligtas sa kanila sa kaarawan ng kapootan ng Panginoon; kundi ang buong lupain ay masusupok sa pamamagitan ng apoy ng kaniyang paninibugho: sapagka't wawakasan niya, oo, isang kakilakilabot na wakas, nilang lahat na nagsisitahan sa lupain.

  13. Sapagka't bago dumating ang mga araw na yaon ay walang upa sa tao, ni anomang upa sa hayop; at wala ring anomang kapayapaan doon sa lumalabas o pumapasok dahil sa kaaway: sapagka't aking inilagay ang lahat na tao na bawa't isa'y laban sa kaniyang kapuwa.

  14. At sila'y magiging parang mga makapangyarihang lalake, na yayapakan nila ang kanilang mga kaaway sa putik sa mga lansangan sa pagbabaka; at sila'y magsisilaban, sapagka't ang Panginoon ay sumasakanila; at ang mga mangangabayo ay mangatutulig.

  15. Sapagka't aking pipisanin ang lahat na bansa laban sa Jerusalem sa pagbabaka; at ang bayan ay masasakop, at ang mga bahay ay lolooban, at ang mga babae ay dadahasin; at ang kalahati ng bayan ay yayaon sa pagkabihag, at ang nalabi sa bayan ay hindi mahihiwalay sa bayan.

  16. At mangakakarinig kayo ng mga digmaan at mga alingawngaw ng mga digmaan; ingatan ninyo na huwag kayong magulumihanan: sapagka't kinakailangang ito'y mangyari datapuwa't hindi pa ang wakas.

  17. At kung mangakarinig kayo ng mga digma at ng mga alingawngaw ng mga digma, ay huwag kayong mangagulumihanan: ang mga bagay na ito'y dapat na mangyari: datapuwa't hindi pa ang wakas.

  18. O aling hari, na kung sasalubong sa pakikidigma sa ibang hari, ay hindi muna uupo at sasangguni kung makahaharap siya na may sangpung libo sa dumarating na laban sa kaniya na may dalawangpung libo?

  19. O kung hindi, samantalang malayo pa ang isa, ay magsusugo siya ng isang sugo, at hihilingin ang mga kailangan sa pagkakasundo.

  20. At pagka kayo'y nangakarinig ng mga digmaan at mga kaguluhan, ay huwag kayong mangasindak: sapagka't kinakailangang mangyari muna ang mga bagay na ito; datapuwa't hindi pa malapit ang wakas.

  21. Datapuwa't pagka nangakita ninyong nakukubkob ng mga hukbo ang Jerusalem, kung magkagayo'y talastasin ninyo na ang kaniyang pagkawasak ay malapit na.

  22. Kung magkagayo'y ang mga nasa Judea ay magsitakas sa mga bundok; at ang mga nasa loob ng bayan ay magsilabas; at ang mga nasa parang ay huwag magsipasok sa bayan.

  23. Sapagka't ito ang mga araw ng paghihiganti, upang maganap ang lahat ng mga bagay na nangasusulat.

  24. Sa aba ng mga nagdadalangtao, at ng mga nagpapasuso sa mga araw na yaon! sapagka't magkakaroon ng malaking kahapisan sa ibabaw ng lupa, at kagalitan sa bayang ito.

  25. At sila'y mangabubuwal sa pamamagitan ng talim ng tabak, at dadalhing bihag sa lahat ng mga bansa: at yuyurakan ang Jerusalem ng mga Gentil, hanggang sa matupad ang mga panahon ng mga Gentil.