Lumaktaw sa nilalaman

Mga talata sa Bibliya tungkol sa Rulers

255 talata · 5 aspeto

Mahahalagang talata sa Bibliya

Salain ayon sa aklat
  1. Ang hari na humahatol na tapat sa dukha, ang kaniyang luklukan ay matatatag magpakailan man.

  2. Sa tatlong bagay ay nanginginig ang lupa, at sa apat na hindi niya madala:

  3. Sa isang alipin, pagka naghahari; at sa isang mangmang, pagka nabubusog ng pagkain;

  4. Hindi sa mga hari, Oh Lemuel, hindi sa mga hari ang paginom ng alak; ni sa mga pangulo man, na magsabi, saan nandoon ang matapang na alak?

  5. Baka sila'y uminom, at makalimotan ang kautusan, at humamak ng kahatulan sa sinomang nagdadalamhati.

  6. Bukhin mo ang iyong bibig sa pipi, sa bagay ng lahat ng naiwang walang kandili.

  7. Bukhin mo ang iyong bibig, humatol ka ng katuwiran, at mangasiwa ka ng kahatulan sa dukha at mapagkailangan.

  8. At bukod dito'y aking nakita sa ilalim ng araw, sa dako ng kahatulan, na nandoon ang kasamaan; at sa dako ng katuwiran, na nandoon ang kasamaan.

  9. Sinabi ko sa puso ko, Hahatulan ng Dios ang matuwid at ang masama: sapagka't may panahon doon sa bawa't panukala at sa bawa't gawa.

  10. Nang magkagayo'y pumihit ako, at aking nakita ang lahat na kapighatian na nagawa sa ilalim ng araw: at, narito, ang mga luha ng mga yaon, na napipighati, at wala silang mangaaliw: at sa siping ng mga mamimighati sa kanila ay may kapangyarihan, nguni't wala silang mangaaliw.

  11. Maigi ang dukha at pantas na bata kay sa matanda at mangmang na hari, na hindi nakakaalam ng pagtanggap ng payo pa.

  12. Sapagka't mula sa bilangguan ay lumabas siya upang maghari; oo, sa kaniyang kaharian nga ay ipinanganak siyang dukha.

  13. Kung iyong nakikita ang kapighatian ng dukha, at ang karahasang pagaalis ng kahatulan at kaganapan sa isang lalawigan, huwag mong kamanghaan ang bagay: sapagka't ang lalong mataas kay sa mataas ay nagmamasid; at may lalong mataas kay sa kanila.

  14. Sapagka't ang salita ng hari ay may kapangyarihan; at sinong makapagsasabi sa kaniya, Anong ginagawa mo?

  15. Lahat ng ito ay nakita ko, at inihilig ko ang aking puso sa bawa't gawa, na nagawa sa ilalim ng araw: may panahon na ang isa ay may kapangyarihan sa isa sa kaniyang kapahamakan.

  16. May isang kasamaan, na nakita ko sa ilalim ng araw na tila kamalian na nanggagaling sa pinuno:

  17. Ang mangmang ay nauupo sa malaking karangalan, at ang mayaman ay nauupo sa mababang dako.

  18. Nakakita ako ng mga alipin na nakasakay sa mga kabayo, at ng mga pangulo na nagsisilakad sa lupa na gaya ng mga alipin.

  19. Sa aba mo, Oh lupain, kung ang iyong hari ay isang bata, at ang iyong mga pangulo ay nagsisikain sa umaga!

  20. Mapalad ka, Oh lupain, kung ang iyong hari ay anak ng mga mahal na tao, at ang iyong mga pangulo ay nagsisikain sa kaukulang panahon, sa ikalalakas, at hindi sa paglalasing!

  21. Ang iyong mga pangulo ay mapanghimagsik, at mga kasama ng mga tulisan; bawa't isa'y umiibig ng mga suhol, at naghahangad ng mga kabayaran: hindi nila hinahatulan ang ulila, o pinararating man sa kanila ang usap ng babaing bao.

  22. Tungkol sa aking bayan, mga bata ang mga mamimighati sa kanila, at mga babae ang mangagpupuno sa kanila. Oh bayan ko, silang nagsisipatnubay sa iyo, mangagliligaw sa iyo, at sisira ng daan ng iyong mga landas.

  23. Ang Panginoon ay hahatol sa mga matanda ng kaniyang bayan, at sa mga pangulo niyaon; Kayo ang nagkainan sa ubasan: ang samsam sa dukha ay nasa inyong mga bahay;

  24. Anong ibig ninyong sabihin na inyong dinidikdik ang aking bayan, at inyong ginigiling ang mukha ng dukha? sabi ng Panginoon, ng Panginoon ng mga hukbo.

  25. Sapagka't ang ubasan ng Panginoon ng mga hukbo ay ang sangbahayan ng Israel, at ang mga tao sa Juda ay ang kaniyang maligayang pananim: at siya'y naghihintay ng kahatulan, nguni't narito, kapighatian; ng katuwiran, nguni't narito, daing.