Skip to content

Mga talata sa Bibliya tungkol sa Repentance

343 talata · 65 aspeto

Mahahalagang talata sa Bibliya

Salain ayon sa aklat
  1. Pagkatapos ay manunumbalik ang mga anak ni Israel, at hahanapin ang Panginoon nilang Dios, at si David na kanilang hari, at magsisiparitong may takot sa Panginoon at sa kaniyang kabutihan sa mga huling araw.

  2. Ako'y yayaon at babalik sa aking dako, hanggang sa kanilang kilalanin ang pagkakasala, at hanapin ang aking mukha: sa kanilang pagdadalamhati ay hahanapin nila akong mainam.

  3. Mangaghasik kayo sa inyong sarili sa katuwiran, magsigapas kayo ayon sa kaawaan; bungkalin ninyo ang inyong pinabayaang bukiran; sapagka't panahon na hanapin ang Panginoon, hanggang sa siya'y dumating, at magdala ng katuwiran sa inyo.

  4. Kaya't magbalik-loob ka sa iyong Dios magingat ka ng kaawaan at ng kahatulan, at hintayin mong lagi ang iyong Dios.

  5. Oh Israel, manumbalik ka sa Panginoon mong Dios; sapagka't ikaw ay nabuwal dahil sa iyong kasamaan.

  6. Magpahayag kayo na may pagsisisi, at magsipanumbalik kayo sa Panginoon: sabihin ninyo sa kaniya, Alisin mo ang boong kasamaan, at tanggapin mo ang mabuti: sa gayo'y aming ilalagak na parang mga toro ang handog ng aming mga labi.

  7. Hindi kami ililigtas ng Asiria; kami ay hindi sasakay sa mga kabayo; ni magsasabi pa man kami sa gawa ng aming mga kamay, Kayo'y aming mga dios; sapagka't dahil sa iyo'y nakakasumpong ng kaawaan ang ulila.

  8. Mangaghayag kayo ng ayuno, magsitawag kayo ng isang takdang kapulungan, inyong pisanin ang mga matanda at ang lahat na mananahan sa lupain sa bahay ng Panginoon ninyong Dios, at magsidaing kayo sa Panginoon.

  9. Gayon ma'y ngayon, sabi ng Panginoon, magsipanumbalik kayo sa akin ng inyong buong puso, na may pagaayuno, at may pananangis, at may pananambitan:

  10. At papagdalamhatiin ninyo ang inyong puso, at hindi ang mga damit ang inyong hapakin, at kayo'y magsipanumbalik sa Panginoon ninyong Dios; sapagka't siya'y maawain at puspos ng kahabagan, banayad sa pagkagalit, at sagana sa kagandahang-loob, at nagsisisi siya sa kasamaan.

  11. Hipan ninyo ang pakakak sa Sion: magsipangilin kayo ng isang ayuno, magsitawag kayo ng isang takdang kapulungan;

  12. Tipunin ninyo ang bayan, banalin ang kapisanan, pisanin ang mga matanda, tipunin ang mga bata, at yaong mga pasusuhin; lumabas ang bagong kasal na lalake sa kaniyang silid, at ang bagong kasal na babae sa kaniyang silid.

  13. Manangis ang mga saserdote, ang mga tagapangasiwa ng Panginoon, sa pagitan ng portiko at ng dambana, at kanilang sabihin, Maawa ka sa iyong bayan, Oh Panginoon, at huwag mong ibigay ang iyong bayan sa kakutyaan, na ang mga bansa baga'y magpuno sa kanila: bakit nila sasabihin sa gitna ng mga bayan, Saan nandoon ang kanilang Dios?

  14. Noong ang Panginoon ay naging masikap sa kanilang lupain, at nahabag sa kaniyang bayan.

  15. Kaya't ganito ang gagawin ko sa iyo, Oh Israel; at yamang aking gagawin ito sa iyo, humanda kang salubungin mo ang iyong Dios, Oh Israel.

  16. Sapagka't ganito ang sabi ng Panginoon sa sangbahayan ni Israel; Hanapin ninyo ako, at kayo'y mangabubuhay;

  17. Nguni't huwag ninyong hanapin ang Beth-el, ni magsipasok man sa Gilgal, at huwag kayong magsidaan sa Beer-seba: sapagka't walang pagsala ang Gilgal ay papasok sa pagkabihag, at ang Beth-el ay mauuwi sa wala.

  18. Inyong hanapin ang Panginoon, at kayo'y mangabubuhay; baka siya'y sumigalbong parang apoy sa sangbahayan ni Jose, at supukin yaon, at sa Beth-el ay walang makapapatay niyaon:

  19. Inyong kapootan ang masama, at ibigin ang mabuti, at kayo'y mangagtatatag ng kahatulan sa pintuang-bayan: marahil ang Panginoon, ang Dios ng mga hukbo ay magiging mapagbiyaya sa nalabi sa Jose.

  20. Ang Panginoo'y nagsisi tungkol dito, Hindi mangyayari, sabi ng Panginoon.

  21. Ang Panginoo'y nagsisi tungkol dito: Ito'y hindi rin mangyayari, sabi ng Panginoong Dios.

  22. At ang bayan ng Ninive ay sumampalataya sa Dios; at sila'y nangaghayag ng ayuno, at nangagsuot ng kayong magaspang, mula sa kadakidakilaan sa kanila hanggang sa kaliitliitan sa kanila.

  23. At ang mga balita ay dumating sa hari sa Ninive, at siya'y tumindig sa kaniyang luklukan, at hinubad niya ang kaniyang balabal, at nagbalot siya ng kayong magaspang, at naupo sa mga abo.

  24. At kaniyang inihayag at itinanyag sa buong Ninive sa pasiya ng hari at ng kaniyang mga mahal na tao, na sinasabi, Huwag lumasa maging tao ni hayop man, bakahan ni kawan man, ng anomang bagay: huwag silang magsikain, ni magsiinom man ng tubig;

  25. Kundi mangagbalot sila ng kayong magaspang, ang tao at gayon din ang hayop, at magsidaing silang mainam sa Dios: oo, talikdan ng bawa't isa ang kaniyang masamang lakad, at ang pangdadahas na nasa kanilang mga kamay.