Lumaktaw sa nilalaman

circa 1446–1406 BC

The Wilderness Years

Forty years of wandering in the desert test Israel's faith and prepare a new generation to enter the promised land.

2,247 talata · 2 aklat na saklaw

Mga talata mula sa panahong ito

Salain ayon sa aklat
  1. Mga Bilang 25:9mga 1452 BC

    At yaong nangamatay sa salot ay dalawang pu't apat na libo.

  2. Mga Bilang 25:10mga 1452 BC

    At sinalita ng Panginoon kay Moises, na sinasabi,

  3. Mga Bilang 25:11mga 1452 BC

    Pinawi ni Phinees na anak ni Eleazar, na anak ni Aaron na saserdote, ang aking galit sa mga anak ni Israel, sa paraang siya'y nagsikap dahil sa aking pagsisikap sa kanila, na anopa't hindi ko nilipol ang mga anak ni Israel sa aking sikap.

  4. Mga Bilang 25:12mga 1452 BC

    Kaya't sabihin mo, Narito, ako'y nakikipagtipan sa kaniya tungkol sa kapayapaan:

  5. Mga Bilang 25:13mga 1452 BC

    At magiging kaniya, at sa kaniyang binhi pagkamatay niya, ang tipan ng pagkasaserdoteng walang hanggan; sapagka't siya'y nagsikap sa kaniyang Dios, at tumubos sa mga anak ni Israel.

  6. Mga Bilang 25:14mga 1452 BC

    Ang pangalan nga ng lalaking Israelita na napatay, na pinatay na kalakip ng babaing Madianita ay Zimri na anak ni Salu, na prinsipe sa isang sangbahayan ng mga magulang sa mga Simeonita.

  7. Mga Bilang 25:15mga 1452 BC

    At ang pangalan ng babaing Madianita na napatay ay Cozbi, na anak ni Zur; siya'y prinsipe sa bayan ng isang sangbahayan ng mga magulang sa Madian.

  8. Mga Bilang 25:16mga 1452 BC

    At sinalita ng Panginoon kay Moises, na sinasabi,

  9. Mga Bilang 25:17mga 1452 BC

    Bagabagin ninyo ang mga Madianita, at inyong saktan sila:

  10. Mga Bilang 25:18mga 1452 BC

    Sapagka't kanilang binagabag kayo ng kanilang mga lalang na kanilang ipinangdaya sa inyo sa bagay ng Peor, at sa bagay ni Cozbi, na anak na babae ng prinsipe sa Madian, na kanilang kapatid na namatay nang kaarawan ng salot dahil sa Peor.

  11. Mga Bilang 26:1mga 1452 BC

    At nangyari, pagkatapos ng salot, na sinalita ng Panginoon kay Moises at kay Eleazar na anak ni Aaron na saserdote, na sinasabi,

  12. Mga Bilang 26:2mga 1452 BC

    Bilangin mo ang buong kapisanan ng mga anak ni Israel mula sa dalawang pung taong gulang na patanda, ayon sa mga sangbahayan ng kanilang mga magulang, yaong lahat na makalalabas sa Israel sa pakikibaka.

  13. Mga Bilang 26:3mga 1452 BC

    At si Moises at si Eleazar na saserdote ay nakipagsalitaan sa kanila sa mga kapatagan ng Moab sa siping ng Jordan sa Jerico, na sinasabi,

  14. Mga Bilang 26:4mga 1452 BC

    Bilangin ninyo ang bayan, mula sa dalawang pung taong gulang na patanda; gaya ng iniutos ng Panginoon kay Moises at sa mga anak ni Israel, na lumabas sa lupain ng Egipto.

  15. Mga Bilang 26:5mga 1452 BC

    Si Ruben ang panganay ni Israel: ang mga anak ni Ruben; kay Hanoc, ang angkan ng mga Hanocitas; kay Phallu, ang angkan ng mga Palluita:

  16. Mga Bilang 26:6mga 1452 BC

    Kay Hesron, ang angkan ng mga Hesronita; kay Carmi, ang angkan ng mga Carmita.

  17. Mga Bilang 26:7mga 1452 BC

    Ito ang mga angkan ng mga Rubenita: at yaong nangabilang sa kanila, ay apat na pu't tatlong libo at pitong daan at tatlong pu.

  18. Mga Bilang 26:8mga 1452 BC

    At ang mga anak ni Phallu; ay si Eliab.

  19. Mga Bilang 26:9mga 1452 BC

    At ang mga anak ni Eliab; ay si Nemuel, at si Dathan, at si Abiram. Ito yaong Dathan at Abiram, na tinawag sa kapisanan na siya ngang nagsilaban kay Moises at kay Aaron, sa pulutong ni Core, nang sila'y lumaban sa Panginoon;

  20. Mga Bilang 26:10mga 1452 BC

    At ibinuka ng lupain ang kaniyang bibig, at nilamon sila pati ni Core, nang mamatay ang pulutong na yaon; noong panahong lamunin ng apoy ang dalawang daan at limang pung tao, at sila'y naging isang tanda.

  21. Mga Bilang 26:11mga 1452 BC

    Gayon ma'y hindi namatay ang mga anak ni Core.

  22. Mga Bilang 26:12mga 1452 BC

    Ang mga anak ni Simeon ayon sa kanilang mga angkan; kay Nemuel, ang angkan ng mga Nemuelita: kay Jamin, ang angkan ng mga Jaminita: kay Jachin, ang angkan ng mga Jachinita;

  23. Mga Bilang 26:13mga 1452 BC

    Kay Zera, ang angkan ng mga Zeraita; kay Saul, ang angkan ng mga Saulita.

  24. Mga Bilang 26:14mga 1452 BC

    Ito ang mga angkan ng mga Simeonita, dalawang pu't dalawang libo at dalawang daan.

  25. Mga Bilang 26:15mga 1452 BC

    Ang mga anak ni Gad ayon sa kaniyang mga angkan; kay Zephon, ang angkan ng mga Zephonita; kay Aggi, ang angkan ng mga Aggita; kay Suni, ang angkan ng mga Sunita;