- English
- King James KJV
- Complete Jewish CJB
- World English WEBM
- Berean Standard BSB
- American Standard ASV
- Geneva GNV
- Young's Literal YLT
- Douay-Rheims DRC
- International
- Shqip ALB
- العربية SVD
- বাংলা BN-IRV
- မြန်မာ Judson
- 简体文 CUV-S
- 繁體中文 CUV-T
- Čeština BKR
- Nederlands STVE
- Français LSG
- Deutsch SCH
- Ελληνικά Vamvas
- ગુજરાતી GU-IRV
- Hausa HCB
- עברית Hebrew
- हिन्दी HCV
- Magyar KAROLI
- Bahasa Indonesia INDO-TB
- Italiano Diodati
- 日本語 Kougo
- 한국어 Korean
- മലയാളം MAL
- मराठी MRCV
- Norsk DNB
- فارسی OPV
- Polski BG
- Português Almeida
- Română Cornilescu
- Русский Synodal
- Español RVG
- Kiswahili Neno
- Svenska SV1917
- Tagalog TAG-ADB
- தமிழ் TCV
- తెలుగు TSA
- ภาษาไทย THAI-KJV
- Українська Ohienko
- Tiếng Việt CADMAN
- Yorùbá YCB
circa 1446–1406 BC
The Wilderness Years
Forty years of wandering in the desert test Israel's faith and prepare a new generation to enter the promised land.
Mga talata mula sa panahong ito
- Mga Bilang 23:14mga 1452 BC
At dinala niya siya sa parang ng Sophim, sa taluktok ng Pisga, at nagtayo roon ng pitong dambana, at naghandog ng isang toro, at ng isang tupang lalake sa bawa't dambana.
- Mga Bilang 23:15mga 1452 BC
At kaniyang sinabi kay Balac, Tumayo ka rito sa tabi ng iyong handog na susunugin, samantalang aking sinasalubong ang Panginoon doon.
- Mga Bilang 23:16mga 1452 BC
At sinalubong ng Panginoon si Balaam, at pinapagsalita siya ng salita sa kaniyang bibig, at sinabi, bumalik ka kay Balac, at ganito ang iyong sasalitain.
- Mga Bilang 23:17mga 1452 BC
At siya'y naparoon sa kaniya, at, narito, siya'y nakatayo sa tabi ng kaniyang handog na susunugin, at ang mga prinsipe sa Moab na kasama niya. At sinabi sa kaniya ni Balac, Anong sinalita ng Panginoon?
- Mga Bilang 23:18mga 1452 BC
At kaniyang ibinadya ang kaniyang talinghaga, at sinabi, Tumindig ka, Balac, at iyong dinggin; Makinig ka sa akin, ikaw anak ni Zippor:
- Mga Bilang 23:19mga 1452 BC
Ang Dios ay hindi tao na magsisinungaling, Ni anak ng tao na magsisisi; Sinabi ba niya, at hindi niya gagawin? O sinalita ba niya, at hindi niya isasagawa?
- Mga Bilang 23:20mga 1452 BC
Narito, ako'y tumanggap ng utos na magpala: At kaniyang pinagpala, at hindi ko na mababago.
- Mga Bilang 23:21mga 1452 BC
Wala siyang nakitang kasamaan sa Jacob, Ni wala siyang nakitang kasamaan sa Israel: Ang Panginoon niyang Dios ay sumasa kaniya, At ang sigaw ng hari ay nasa gitna nila.
- Mga Bilang 23:22mga 1452 BC
Dios ang naglalabas sa kanila sa Egipto; Siya'y may lakas na gaya ng mabangis na toro.
- Mga Bilang 23:23mga 1452 BC
Tunay na walang enkanto laban sa Jacob, Ni panghuhula laban sa Israel: Ngayo'y sasabihin tungkol sa Jacob at sa Israel, Anong ginawa ng Dios!
- Mga Bilang 23:24mga 1452 BC
Narito, ang bayan ay tumitindig na parang isang leong babae, At parang isang leon na nagpakataas: Siya'y hindi mahihiga hanggang sa makakain ng huli, At makainom ng dugo ng napatay.
- Mga Bilang 23:25mga 1452 BC
At sinabi ni Balac kay Balaam, Ni huwag mo silang pakasumpain ni pakapagpalain.
- Mga Bilang 23:26mga 1452 BC
Nguni't si Balaam ay sumagot at nagsabi kay Balac, Di ba isinaysay ko sa iyo, na sinasabi, Yaong lahat na sinasalita ng Panginoon, ay siya kong nararapat gawin?
- Mga Bilang 23:27mga 1452 BC
At sinabi ni Balac kay Balaam, Halika ngayon, ipagsasama kita sa ibang dako; marahil ay kalulugdan ng Dios na iyong sumpain sila sa akin mula roon.
- Mga Bilang 23:28mga 1452 BC
At ipinagsama ni Balac si Balaam sa taluktok ng Peor, na nakatungo sa ilang.
- Mga Bilang 23:29mga 1452 BC
At sinabi ni Balaam kay Balac, Ipagtayo mo ako rito ng pitong dambana, at ipaghanda mo ako rito ng pitong toro at ng pitong tupang lalake.
- Mga Bilang 23:30mga 1452 BC
At ginawa ni Balac gaya ng sinabi ni Balaam, at naghandog ng isang toro at ng isang tupang lalake sa bawa't dambana.
- Mga Bilang 24:1mga 1452 BC
At nang makita ni Balaam na kinalugdan ng Panginoon na pagpalain ang Israel, ay hindi naparoon na gaya ng una na kumita ng pamahiin, kundi kaniyang itinitig ang kaniyang mukha sa dakong ilang.
- Mga Bilang 24:2mga 1452 BC
At itinaas ni Balaam ang kaniyang mga mata, at kaniyang nakita ang Israel na tumatahan ayon sa kanilang mga lipi; at ang Espiritu ng Dios ay sumakaniya.
- Mga Bilang 24:3mga 1452 BC
At kaniyang ibinadya ang kaniyang talinhaga, at sinabi, Si Balaam na anak ni Beor ay nagsabi, At ang lalaking napikit ang mga mata ay nagsabi;
- Mga Bilang 24:4mga 1452 BC
Siya'y nagsabi na nakarinig ng mga salita ng Dios, Na nakakita ng pangitain ng Makapangyarihan sa lahat, Na nalulugmok at nakadilat ang kaniyang mga mata:
- Mga Bilang 24:5mga 1452 BC
Pagka iinam ng iyong mga tolda, Oh Jacob, Ang iyong mga tabernakulo, Oh Israel!
- Mga Bilang 24:6mga 1452 BC
Gaya ng mga libis na nalalatag, Gaya ng mga halamanan sa tabi ng ilog, Gaya ng linaloes na itinanim ng Panginoon, Gaya ng mga puno ng sedro sa siping ng tubig.
- Mga Bilang 24:7mga 1452 BC
Tubig ay aagos mula sa kaniyang pang-igib, At ang kaniyang binhi ay matatatag sa maraming tubig, At ang kaniyang hari ay tataas ng higit kay Agag, At ang kaniyang kaharian ay mababantog.
- Mga Bilang 24:8mga 1452 BC
Dios ang naglalabas sa kaniya sa Egipto; May lakas na gaya ng mabangis na toro: Kaniyang lalamunin ang mga bansa na kaniyang mga kaaway, At kaniyang pagwawaraywarayin ang kanilang mga buto, At palalagpasan sila ng kaniyang mga pana.