Skip to content

Abimelech

24 talata

Mga talatang bumabanggit kay Abimelech

  1. At sinabi ni Abraham tungkol kay Sara na kaniyang asawa, Siya'y aking kapatid; at si Abimelech na hari sa Gerar, ay nagsugo at kinuha si Sara.

  2. Datapuwa't naparoon ang Dios kay Abimelech sa panaginip sa gabi, at sa kaniya'y sinabi, Narito, ikaw ay dili iba't isang patay dahil sa babaing iyong kinuha; sapagka't siya'y asawa ng isang lalake.

  3. Nguni't si Abimelech ay hindi pa, nakasisiping sa kaniya: at nagsabi, Panginoon, papatayin mo ba pati ng isang bansang banal?

  4. At si Abimelech ay bumangong maaga ng kinaumagahan at tinawag ang lahat niyang bataan, at sinabi sa kanilang pakinig ang lahat ng bagay na ito: at ang mga tao'y natakot na mainam.

  5. Nang magkagayo'y tinawag ni Abimelech si Abraham, at sa kaniya'y sinabi, Anong ginawa mo sa amin? at sa ano ako nagkasala laban sa iyo, na dinalhan mo ako at ang aking kaharian ng isang malaking kasalanan? Ginawan mo ako ng mga gawang di marapat gawin.

  6. At sinabi ni Abimelech kay Abraham, Anong nakita mo na ginawa mo ang bagay na ito?

  7. At si Abimelech ay kumuha ng mga tupa at mga baka, at mga aliping lalake at babae, at ipinagbibigay kay Abraham, at isinauli sa kaniya si Sara na kaniyang asawa.

  8. At sinabi ni Abimelech, Narito ang lupain ko ay nasa harapan mo: tumahan ka kung saan mo magalingin.

  9. At nanalangin si Abraham sa Dios; at pinagaling ng Dios si Abimelech, at ang kaniyang asawa, at ang kaniyang mga aliping babae, na ano pa't nagkaanak sila.

  10. Sapagka't sinarhang lubos ng Panginoon ang lahat ng bahay-bata sa bahay ni Abimelech, dahil kay Sara, na asawa ni Abraham.

  11. At nangyari ng panahong yaon, na si Abimelech, at si Ficol na kapitan ng kaniyang hukbo ay nagsalita kay Abraham, na nagsasabi, Sumasaiyo ang Dios sa lahat mong ginagawa:

  12. At pinagwikaan ni Abraham si Abimelech dahil sa isang balon ng tubig, na marahas na inalis sa kaniya ng mga bataan ni Abimelech.

  13. At sinabi ni Abimelech, Aywan, kung sinong gumawa ng bagay na ito: na di mo man sinabi sa akin, at hindi ko man nabalitaan kundi ngayon.

  14. At kumuha si Abraham ng mga tupa, at mga baka, at ibinigay kay Abimelech; at gumawa silang dalawa ng isang tipan.

  15. At sinabi ni Abimelech kay Abraham, Anong kahulugan nitong pitong korderong babae na iyong ibinukod?

  16. Sa gayo'y gumawa sila ng isang tipan sa Beerseba: at nagtindig si Abimelech, at si Ficol na kapitan ng kaniyang hukbo at nagsipagbalik sa lupain ng mga Filisteo.

  17. At nagkagutom sa lupain, bukod sa unang pagkakagutom na nangyari ng mga araw ni Abraham. At naparoon si Isaac kay Abimelech, na hari ng mga Filisteo sa Gerar.

  18. At nangyari nang siya'y naroong mahabang panahon, na dumungaw si Abimelech, na hari ng mga Filisteo sa isang durungawan, at tumingin, at narito't si Isaac ay nakikipaglaro kay Rebeca na kaniyang asawa.

  19. At tinawag ni Abimelech si Isaac, at sa kaniya'y sinabi, Narito, tunay na siya'y iyong asawa: at bakit sinabi mo, Siya'y aking kapatid? At sumagot sa kaniya si Isaac, Sapagka't sinabi ko, Baka ako'y mamatay dahil sa kaniya.

  20. At sinabi ni Abimelech, Ano itong ginawa mo sa amin? hindi malayong ang sinoman sa bayan ay nakasiping sa iyong asawa, at sa gayon ay pinapagkasala mo kami.

  21. At ibinilin ni Abimelech sa buong bayan, na sinabi, Ang gumalaw sa lalaking ito o sa kaniyang asawa ay tunay na papatayin.

  22. At sinabi ni Abimelech kay Isaac; Humiwalay ka sa amin, sapagka't ikaw ay makapupong matibay kay sa amin.

  23. Nang magkagayo'y si Abimelech ay naparoon sa kaniya mula sa Gerar, at si Ahuzath na kaniyang kaibigan, at si Phicol na kapitan ng kaniyang hukbo.

  24. At hinagis ng isang babae, ng isang pangibabaw na bato ng gilingan ang ulo ni Abimelech at nabasag ang kaniyang bungo.