Lumaktaw sa nilalaman

Mga talata sa Bibliya tungkol sa Water

197 talata · 84 aspeto

Mahahalagang talata sa Bibliya

Salain ayon sa aklat
  1. Nguni't samantalang ang isa'y pumuputol ng isang sikang, ang talim ng palakol ay nalaglag sa tubig: at siya'y sumigaw, at nagsabi, Sa aba ko, panginoon ko! sapagka't hiram.

  2. At sinabi ng lalake ng Dios, Saan nalaglag? At itinuro niya sa kaniya ang dako. At siya'y pumutol ng isang patpat, at inihagis doon, at pinalutang ang bakal.

  3. Ang iba nga sa mga gawa ni Ezechias, at ang buo niyang kapangyarihan, at kung paano niyang ginawa ang tipunan ng tubig, at ang padaluyan, at nagdala ng tubig sa bayan, hindi ba nangasusulat sa aklat ng mga alaala sa mga hari sa Juda?

  4. Ay nakipagsanggunian siya sa kaniyang mga prinsipe at sa kaniyang mga makapangyarihang lalake upang patigilin ang tubig sa mga bukal na nangasa labas ng bayan at kanilang tinulungan siya.

  5. Nang magkagayo'y nagpatuloy ako sa pintuang-bayan ng bukal at sa tangke ng hari: nguni't walang dakong mararaanan ang hayop sa ilalim ko.

  6. Makatataas ba ang yantok ng walang putik? Tutubo ba ang tambo ng walang tubig?

  7. Gayon ma'y sa pamamagitan ng amoy ng tubig ay sisibol, at magsasanga na gaya ng pananim.

  8. Inuukit ng tubig ang mga bato; tinatangay ng mga baha niyaon ang alabok ng lupa: sa gayon iyong sinisira ang pagasa ng tao.

  9. Ikaw ay hindi nagbigay ng tubig sa pagod upang uminom, at ikaw ay nagkait ng tinapay sa gutom.

  10. Siya'y matulin sa ibabaw ng tubig; ang kanilang bahagi ay sinumpa sa lupa: siya'y hindi babalik sa daan ng mga ubasan.

  11. Kaniyang itinatali ang tubig sa kaniyang masinsing alapaap; at ang alapaap ay hindi nahahapak sa ilalim nila.

  12. Kaniyang tinatakpan ang ibabaw ng kaniyang luklukan, at iniladlad ang kaniyang mga alapaap sa ibabaw niyaon.

  13. Sa kaninong bahay-bata nagmula ang hielo? At ang escarcha sa himpapawid, ay ipinanganak nino?

  14. Ako'y nabuhos na parang tubig, at lahat ng aking mga buto ay nangapapalinsad: ang aking puso ay parang pagkit; natutunaw ito sa loob ko.

  15. Kaniyang pinahihiga ako sa sariwang pastulan: pinapatnubayan niya ako sa siping ng mga tubig na pahingahan,

  16. Mangatunaw nawa silang parang tubig na umaagos: pagka inihilagpos niya ang kaniyang mga palaso, maging gaya nawa ng nangaluray.

  17. Iyong pinasakay ang mga tao sa aming mga ulo; kami ay nangagdaan sa apoy at sa tubig; nguni't dinala mo kami sa saganang dako.

  18. Iligtas mo ako, Oh Dios; sapagka't ang tubig ay tumabon sa aking kaluluwa.

  19. Nagpabukal naman siya mula sa bato. At nagpababa ng tubig na parang mga ilog.

  20. Kanilang kinulong ako na parang tubig buong araw; kinubkob ako nilang magkakasama.

  21. Sila'y nagsiahon sa mga bundok, sila'y nagsilusong sa mga libis, sa dako mong itinatag ukol sa kanila.

  22. Nagsusuot naman siya ng sumpa na parang kaniyang damit, at nasok sa kaniyang mga loob na bahagi na parang tubig, at parang langis sa kaniyang mga buto.

  23. Tinabunan nga sana tayo ng tubig, dinaanan nga sana ang ating kaluluwa ng agos:

  24. Dinaanan nga sana ang ating kaluluwa ng mga palalong tubig.

  25. Siya'y nagbibigay ng nieve na parang balahibo ng tupa; siya'y nagkakalat ng eskarcha na parang abo.