Lumaktaw sa nilalaman

Mga talata sa Bibliya tungkol sa Temptation

346 talata · 52 aspeto

Mahahalagang talata sa Bibliya

Salain ayon sa aklat
  1. Baka mo ibigay ang iyong karangalan sa iba, at ang iyong mga taon sa mga mabagsik:

  2. Baka ang mga di kilalang babae ay mapuno ng iyong kalakasan; at ang iyong mga pinagpagalan ay mapasa bahay ng kaapid;

  3. At ikaw ay manangis sa iyong huling wakas, pagka ang iyong laman at ang iyong katawan ay natunaw,

  4. At iyong sabihin, bakit ko kinayamutan ang turo, at hinamak ng aking puso ang saway:

  5. Ni hindi ko man sinunod ang tinig ng aking mga tagapagturo, O ikiling ko man ang aking pakinig sa kanila na mga nagturo sa akin!

  6. Ako'y malapit sa lahat ng kasamaan sa gitna ng kapisanan at ng kapulungan.

  7. Uminom ka ng tubig sa iyong sariling tipunan ng tubig, at sa nagsisiagos na tubig sa iyong sariling balon.

  8. Mananabog ba ang iyong mga bukal sa kaluwangan, at mga agos ng tubig sa mga lansangan?

  9. Maging iyong magisa, at huwag sa di kilala na kasama mo.

  10. Pagpalain ang iyong bukal; at magalak ka sa asawa ng iyong kabataan.

  11. Gaya ng maibiging usa at ng masayang usang babae, bigyan kang katiwasayan ng kaniyang dibdib sa buong panahon; at laging malugod ka sa kaniyang pagibig.

  12. Sapagka't bakit ka malulugod, anak ko, sa ibang babae, at yayakap sa sinapupunan ng di kilala?

  13. Sapagka't ang mga lakad ng tao ay nasa harap ng mga mata ng Panginoon, at kaniyang pinapatag ang lahat niyang mga landas.

  14. Makakukuha ba ng apoy ang tao sa kaniyang sinapupunan, at hindi masusunog ang kaniyang mga suot?

  15. O makalalakad ba ang sinoman sa mga mainit na baga, at ang kaniyang mga paa ay hindi mapapaso?

  16. Sapagka't sa dungawan ng aking bahay tumitingin ako sa aking solihia;

  17. At ako'y tumingin sa mga musmos, ako'y nagmasid sa mga may kabataan, sa may kabataang walang bait,

  18. Na dumaraan sa lansangan na malapit sa kaniyang sulok, at siya'y yumaon sa daan na patungo sa kaniyang bahay;

  19. Sa pagtatakip silim, sa kinagabihan ng araw, sa kalahatian ng gabi, at sa kadiliman.

  20. At, narito, doo'y nasalubong niya ang isang babae na nakagayak ng tila isang patutot, at tuso sa puso.

  21. Siya'y madaldal at matigas ang ulo; ang kaniyang mga paa ay hindi nagsisitahan sa kaniyang bahay:

  22. Ngayo'y nasa mga lansangan siya, mamaya'y nasa mga luwal na dako siya, at nagaabang sa bawa't sulok,

  23. Sa gayo'y hinahawakan niya siya at hinahagkan siya, at may mukhang walang hiya na nagsasabi siya sa kaniya:

  24. Mga hain na mga handog tungkol sa kapayapaan ay sa akin; sa araw na ito ay tinupad ko ang aking mga panata.

  25. Kaya't lumabas ako upang salubungin ka, hinanap kong masikap ang iyong mukha, at nasumpungan kita.