Skip to content

Mga talata sa Bibliya tungkol sa Sin

210 talata · 120 aspeto

Mahahalagang talata sa Bibliya

Salain ayon sa aklat
  1. At kanilang sinasabi, ang Panginoo'y hindi makakakita, ni pakukundanganan man ng Dios ni Jacob ito.

  2. Oh kayong nagsisiibig sa Panginoon, ipagtanim ninyo ang kasamaan. Kaniyang iniingatan ang mga kaluluwa ng kaniyang mga banal; kaniyang iniligtas sila sa kamay ng masama.

  3. Ang salita mo'y aking iningatan sa aking puso: upang huwag akong magkasala laban sa iyo.

  4. Siyasatin mo ako, Oh Dios, at alamin mo ang aking puso; subukin mo ako, at alamin mo ang aking mga pagiisip:

  5. At tingnan mo kung may anomang lakad ng kasamaan sa akin, at patnubayan mo ako sa daang walang hanggan.

  6. Anak ko, kung ikaw ay hikayatin ng mga makasalanan, huwag mong tulutan.

  7. Kung kanilang sabihin, sumama ka sa amin, tayo'y magsibakay sa pagbububo ng dugo, tayo'y mangagkubli ng silo na walang anomang kadahilanan sa walang sala;

  8. Sila'y lamunin nating buhay na gaya ng Sheol. At buo, na gaya ng nagsibaba sa lungaw;

  9. Tayo'y makakasumpong ng lahat na mahalagang pag-aari, ating pupunuin ang ating mga bahay ng samsam;

  10. Ikaw ay makikipagsapalaran sa gitna namin; magkakaroon tayong lahat ng isang supot:

  11. May anim na bagay na ipinagtatanim ng Panginoon; Oo, pito na mga kasuklamsuklam sa kaniya:

  12. Mga palalong mata, sinungaling na dila, at mga kamay na nagbububo ng walang salang dugo;

  13. Puso na kumakatha ng mga masamang akala, mga paa na matulin sa pagtakbo sa kasamaan;

  14. Sinungaling na saksi na nagsasalita ng kabulaanan, at ang naghahasik ng pagtatalo sa gitna ng magkakapatid.

  15. Ang pagkatakot sa Panginoon ay ipagtanim ang kasamaan; Kapalaluan, at kahambugan at masamang lakad, at ang masamang bibig ay aking ipinagtatanim.

  16. Ang gawa ng matuwid ay patungo sa buhay; ang bunga ng dukha ay sa pagkakasala.

  17. Ang mangmang ay tumutuya sa sala: nguni't sa matuwid ay may mabuting kalooban.

  18. Ang katuwiran ay nagbubunyi ng bansa: nguni't ang kasalanan ay kakutyaan sa alinmang bayan.

  19. Ang lakad ng masama ay kasuklamsuklam sa Panginoon: nguni't iniibig niya ang sumusunod sa katuwiran.

  20. Sa pamamagitan ng kaawaan at katotohanan ay nalilinis ang kasamaan: at sa pamamagitan ng pagkatakot sa Panginoon ay humihiwalay ang mga tao sa kasamaan.

  21. Sinong makapagsasabi, nilinis ko ang aking puso, ako'y dalisay sa aking kasalanan?

  22. Ang mapagmataas na tingin, at ang palalong puso, siyang ilaw ng masama, ay kasalanan.

  23. Ang pagiisip ng kamangmangan ay kasalanan: at ang mangduduwahagi ay karumaldumal sa mga tao.

  24. Siyang nagtatakip ng kaniyang mga pagsalangsang ay hindi giginhawa: nguni't ang nagpapahayag at nagiiwan ng mga yaon ay magtatamo ng kaawaan.

  25. May lahi na malinis sa harap ng kanilang sariling mga mata, at gayon man ay hindi hugas sa kanilang karumihan.