Skip to content

Mga talata sa Bibliya tungkol sa Shem

81 talata · 4 aspeto

Mahahalagang talata sa Bibliya

Salain ayon sa aklat
  1. At nabuhay si Sala ng tatlong pung taon, at naging anak si Heber:

  2. At nabuhay si Sala pagkatapos na maipanganak si Heber, ng apat na raan at tatlong taon, at nagkaanak ng mga lalake at mga babae.

  3. At nabuhay si Heber ng tatlong pu't apat na taon, at naging anak si Peleg:

  4. At nabuhay si Heber pagkatapos na maipanganak si Peleg, ng apat na raan at tatlong pung taon, at nagkaanak ng mga lalake at mga babae.

  5. At nabuhay si Peleg ng tatlong pung taon, at naging anak si Reu:

  6. At nabuhay si Peleg pagkatapos na maipanganak si Reu, ng dalawang daan at siyam na taon; at nagkaanak ng mga lalake at mga babae.

  7. At nabuhay si Reu ng tatlong pu't dalawang taon, at naging anak si Serug:

  8. At nabuhay si Reu pagkatapos na maipanganak si Serug, ng dalawang daan at pitong taon, at nagkaanak ng mga lalake at mga babae.

  9. At nabuhay si Serug ng tatlong pung taon, at naging anak si Nachor:

  10. At nabuhay si Serug pagkatapos maipanganak si Nachor, ng dalawang daang taon, at nagkaanak ng mga lalake at mga babae.

  11. At nabuhay si Nachor ng dalawang pu't siyam na taon, at naging anak si Thare:

  12. At nabuhay si Nachor pagkatapos na maipanganak si Thare, ng isang daan at labing siyam na taon, at nagkaanak ng mga lalake at mga babae.

  13. At nabuhay si Thare ng pitong pung taon, at naging anak si Abram, si Nachor at si Haran.

  14. Ito nga ang mga lahi ni Thare. Naging anak ni Thare si Abram, si Nachor, at si Haran; at naging anak ni Haran si Lot.

  15. At namatay si Haran bago namatay ang kaniyang amang si Thare sa lupaing kaniyang tinubuan, sa Ur ng mga Caldeo.

  16. At nagsipagasawa si Abram at si Nachor: ang pangalan ng asawa ni Abram ay Sarai; at ang pangalan ng asawa ni Nachor, ay Milca, anak ni Haran, ama ni Milca at ama ni Iscah.

  17. Si Noe, si Sem, si Cham, at si Japhet.

  18. Ang mga anak ni Sem: si Elam, at si Assur, at si Arphaxad, at si Lud, at si Aram, at si Hus, at si Hul, at si Gether, at si Mesec.

  19. At naging anak ni Arphaxad si Sela, at naging anak ni Sela si Heber.

  20. At si Heber ay nagkaanak ng dalawang lalake: ang pangalan ng isa'y Peleg; sapagka't sa kaniyang mga kaarawan ay nakalatan ng tao ang lupa; at ang pangalan ng kaniyang kapatid ay Joctan.

  21. At naging anak ni Joctan si Elmodad, at si Seleph, at si Asarmaveth, at si Jera,

  22. At si Adoram, at si Uzal, at si Dicla;

  23. At si Hebal, at si Abimael, at si Seba;

  24. At si Ophir, at si Havila, at si Jobab. Lahat ng ito'y mga anak ni Joctan.

  25. Si Sem, si Arphaxad, si Sela;