Skip to content

Shem

17 talata · 8 kapamilya

Kilala rin bilang: Sem

Mga talatang bumabanggit kay Shem

  1. At si Noe ay may limang daang taon: at naging anak ni Noe si Sem, si Cham, at si Japhet.

  2. At nagkaanak si Noe ng tatlong lalake: si Sem, si Cham, at si Japhet.

  3. Nang araw ding yaon, ay lumulan sa sasakyan si Noe, at si Sem, at si Cham, at si Japhet, na mga anak ni Noe, at ang asawa ni Noe, at ang tatlong asawa ng kaniyang mga anak na kasama nila;

  4. At ang mga anak ni Noe na nagsilunsad sa sasakyan ay si Sem, at si Cham at si Japhet: at si Cham ay siyang ama ni Canaan.

  5. At kumuha si Sem at si Japhet ng isang balabal, at isinabalikat nilang dalawa, at lumakad ng paurong, at tinakpan ang kahubaran ng kanilang ama; at ang mukha nila ay patalikod, at hindi nila nakita ang kahubaran ng kanilang ama.

  6. At sinabi niya, Purihin ang Panginoon, ang Dios ni Sem! At si Canaan ay maging alipin niya.

  7. Pakapalin ng Dios si Japhet. At matira siya sa mga tolda ni Sem; At si Canaan ay maging alipin niya.

  8. Ito nga ang sali't saling lahi ng mga anak ni Noe: si Sem, si Cham, at si Japhet: at sila'y nangagkaanak pagkaraan ng bahang gumunaw.

  9. At nagkaroon din naman ng mga anak si Sem, na ama ng lahat ng mga anak ni Heber, na siya ring lalong matandang kapatid ni Japhet.

  10. Ang mga anak ni Sem; si Elam, at si Assur, at si Arphaxad, at si Lud, at si Aram.

  11. Ito ang mga anak ni Sem, ayon sa kanikanilang angkan, ayon sa kanikanilang wika, sa kanikanilang lupain, ayon sa kanikanilang bansa.

  12. Ito ang sali't saling lahi ni Sem. May isang daan taon si Sem at naging anak si Arphaxad, dalawang taon pagkatapos ng bahang gumunaw,

  13. At nabuhay si Sem, pagkatapos na maipanganak si Arphaxad, ng limang daang taon, at nagkaanak ng mga lalake at mga babae.

  14. Si Noe, si Sem, si Cham, at si Japhet.

  15. Ang mga anak ni Sem: si Elam, at si Assur, at si Arphaxad, at si Lud, at si Aram, at si Hus, at si Hul, at si Gether, at si Mesec.

  16. Si Sem, si Arphaxad, si Sela;

  17. Ni Cainan, ni Arfaxjad, ni Sem, ni Noe, ni Lamec,