Skip to content

Mga talata sa Bibliya tungkol sa Shem

81 talata · 4 aspeto

Mahahalagang talata sa Bibliya

Salain ayon sa aklat
  1. At si Noe ay may limang daang taon: at naging anak ni Noe si Sem, si Cham, at si Japhet.

  2. At nagkaanak si Noe ng tatlong lalake: si Sem, si Cham, at si Japhet.

  3. Nang araw ding yaon, ay lumulan sa sasakyan si Noe, at si Sem, at si Cham, at si Japhet, na mga anak ni Noe, at ang asawa ni Noe, at ang tatlong asawa ng kaniyang mga anak na kasama nila;

  4. At ang mga anak ni Noe na nagsilunsad sa sasakyan ay si Sem, at si Cham at si Japhet: at si Cham ay siyang ama ni Canaan.

  5. At kumuha si Sem at si Japhet ng isang balabal, at isinabalikat nilang dalawa, at lumakad ng paurong, at tinakpan ang kahubaran ng kanilang ama; at ang mukha nila ay patalikod, at hindi nila nakita ang kahubaran ng kanilang ama.

  6. At nagising si Noe sa kaniyang pagkalango sa alak, at naalaman ang ginawa sa kaniya ng kaniyang bunsong anak.

  7. At sinabi, Sumpain si Canaan! Siya'y magiging alipin ng mga alipin sa kaniyang mga kapatid.

  8. At sinabi niya, Purihin ang Panginoon, ang Dios ni Sem! At si Canaan ay maging alipin niya.

  9. Pakapalin ng Dios si Japhet. At matira siya sa mga tolda ni Sem; At si Canaan ay maging alipin niya.

  10. Ito nga ang sali't saling lahi ng mga anak ni Noe: si Sem, si Cham, at si Japhet: at sila'y nangagkaanak pagkaraan ng bahang gumunaw.

  11. At nagkaroon din naman ng mga anak si Sem, na ama ng lahat ng mga anak ni Heber, na siya ring lalong matandang kapatid ni Japhet.

  12. Ang mga anak ni Sem; si Elam, at si Assur, at si Arphaxad, at si Lud, at si Aram.

  13. At ang mga anak ni Aram: si Uz, at si Hul, at si Gether, at si Mas.

  14. At naging anak ni Arphaxad si Sala; at naging anak ni Sala si Heber.

  15. At nagkaanak si Heber ng dalawang lalake; ang pangalan ng una'y Peleg; sapagka't sa mga araw niya'y nahati ang lupa; at ang pangalan ng kaniyang kapatid ay Joctan.

  16. At naging anak ni Joctan si Almodad, at si Sheleph, at si Hazarmavet, at si Jerah;

  17. At si Hadoram, at si Uzal, at si Dicla.

  18. At si Obal, at si Abimael, at si Sheba.

  19. At si Ophir, at si Havila, at si Jobad: lahat ng ito ay mga naging anak ni Joctan.

  20. At ang naging tahanan nila ay mula sa Mesa, kung patungo sa Sephar, na siyang bundok sa silanganan.

  21. Ito ang mga anak ni Sem, ayon sa kanikanilang angkan, ayon sa kanikanilang wika, sa kanikanilang lupain, ayon sa kanikanilang bansa.

  22. Ito ang sali't saling lahi ni Sem. May isang daan taon si Sem at naging anak si Arphaxad, dalawang taon pagkatapos ng bahang gumunaw,

  23. At nabuhay si Sem, pagkatapos na maipanganak si Arphaxad, ng limang daang taon, at nagkaanak ng mga lalake at mga babae.

  24. At nabuhay si Arphaxad, ng tatlong pu't limang taon, at naging anak si Sala.

  25. At nabuhay si Arphaxad pagkatapos na maipanganak si Sala, ng apat na raan at tatlong taon, at nagkaanak ng mga lalake at mga babae.