Lumaktaw sa nilalaman

circa AD 95

The Revelation

John's vision on Patmos unveils the cosmic victory of the Lamb over evil and the final restoration of all creation.

404 talata · 1 aklat na saklaw

Mga talata mula sa panahong ito

  1. Pahayag 15:2mga AD 96

    At nakita ko ang gaya ng isang dagat na bubog na may halong apoy, at yaong nangagtagumpay sa hayop, at sa kaniyang larawan, at sa bilang ng kaniyang pangalan, ay nangakatayo sa tabi ng dagat na bubog, na may mga alpa ng Dios.

  2. Pahayag 15:3mga AD 96

    At inaawit nila ang awit ni Moises na alipin ng Dios, at ang awit ng Cordero, na sinasabi, Mga dakila at kagilagilalas ang iyong mga gawa, Oh Panginoong Dios, na Makapangyarihan sa lahat; matuwid at tunay ang iyong mga daan, ikaw na Hari ng mga bansa.

  3. Pahayag 15:4mga AD 96

    Sinong hindi matatakot, Oh Panginoon, at luluwalhatiin ang iyong pangalan? sapagka't ikaw lamang ang banal; sapagka't ang lahat ng mga bansa ay darating at magsisisamba sa harapan mo; sapagka't ang iyong mga matuwid na gawa ay nangahayag.

  4. Pahayag 15:5mga AD 96

    At pagkatapos ng mga bagay na ito ay tumingin ako, at ang santuario ng tabernakulo ng patotoo sa langit ay nabuksan.

  5. Pahayag 15:6mga AD 96

    At sa santuario ay nagsilabas ang pitong anghel na may pitong salot, na nararamtan ng mahalagang bato, tunay at makintab, at nangabibigkisan ng gintong pamigkis ang kanilang mga dibdib.

  6. Pahayag 15:7mga AD 96

    At isa sa apat na nilalang na buhay ay nagbigay sa pitong anghel ng pitong mangkok na ginto na puno ng kagalitan ng Dios, na siyang nabubuhay magpakailan kailan man.

  7. Pahayag 15:8mga AD 96

    At napuno ng usok ang santuario mula sa kaluwalhatian ng Dios, at sa kaniyang kapangyarihan; at sinoman ay hindi nakapasok sa santuario, hanggang sa matapos ang pitong salot ng pitong anghel.

  8. Pahayag 16:1mga AD 96

    At narinig ko ang isang malakas na tinig na mula sa santuario, na nagsasabi sa pitong anghel, Humayo kayo, at ibuhos ninyo ang pitong mangkok ng kagalitan ng Dios sa lupa.

  9. Pahayag 16:2mga AD 96

    At humayo ang una, at ibinuhos ang kaniyang mangkok sa lupa; at naging sugat na masama at mabigat sa mga taong may tanda ng hayop na yaon, at nangagsisamba sa kaniyang larawan.

  10. Pahayag 16:3mga AD 96

    At ibinuhos ng ikalawa ang kaniyang mangkok sa dagat; at naging dugo na gaya ng isang patay; at bawa't kaluluwang may buhay, sa makatuwid ay ang nangasa dagat ay nangamatay.

  11. Pahayag 16:4mga AD 96

    At ibinuhos ng ikatlo ang kaniyang mangkok sa mga ilog at sa mga bukal ng tubig; at nangaging dugo.

  12. Pahayag 16:5mga AD 96

    At narinig ko ang anghel ng tubig na nagsasabi, Matuwid ka, na ngayon at nang nakaraan, Oh Banal, sapagka't humatol ka na gayon;

  13. Pahayag 16:6mga AD 96

    Sapagka't ibinuhos nila ang dugo ng mga banal at ng mga propeta, at pinainom mo sila ng dugo; ito'y karapatdapat sa kanila.

  14. Pahayag 16:7mga AD 96

    At narinig ko ang dambana na nagsasabi, Oo, Oh Panginoong Dios, na Makapangyarihan sa lahat, tunay at matuwid ang iyong mga hatol.

  15. Pahayag 16:8mga AD 96

    At ibinuhos ng ikaapat ang kaniyang mangkok sa araw; at ibinigay nito sa kaniya ng masunog ng apoy ang mga tao.

  16. Pahayag 16:9mga AD 96

    At nangasunog ang mga tao sa matinding init: at sila'y namusong sa pangalan ng Dios na may kapangyarihan sa mga salot na ito; at hindi sila nangagsisi upang siya'y luwalhatiin.

  17. Pahayag 16:10mga AD 96

    At ibinuhos ng ikalima ang kaniyang mangkok sa luklukan ng hayop na yaon; at nagdilim ang kaniyang kaharian; at nginatngat nila ang kanilang mga dila dahil sa hirap,

  18. Pahayag 16:11mga AD 96

    At sila'y namusong sa Dios ng langit dahil sa kanilang mga hirap at sa kanilang mga sugat; at hindi sila nangagsisi sa kanilang mga gawa.

  19. Pahayag 16:12mga AD 96

    At ibinuhos ng ikaanim ang kaniyang mangkok sa malaking ilog na Eufrates; at natuyo ang tubig nito, upang mahanda ang dadaanan ng mga haring mula sa sikatan ng araw.

  20. Pahayag 16:13mga AD 96

    At nakita kong lumabas sa bibig ng dragon, at sa bibig ng hayop, at sa bibig ng bulaang propeta, ang tatlong espiritung karumaldumal, na gaya ng mga palaka:

  21. Pahayag 16:14mga AD 96

    Sapagka't sila'y mga espiritu ng mga demonio, na nagsisigawa ng mga tanda; na pinaparoonan nila ang mga hari sa buong sanglibutan, upang tipunin sa pagbabaka sa dakilang araw ng Dios, na Makapangyarihan sa lahat.

  22. Pahayag 16:15mga AD 96

    (Narito, ako'y pumaparitong gaya ng magnanakaw. Mapalad siyang nagpupuyat, at nagiingat ng kaniyang mga damit, na baka siya'y lumakad na hubad, at makita nila ang kaniyang kahihiyan.)

  23. Pahayag 16:16mga AD 96

    At tinipon sila sa dako na sa Hebreo ay tinatawag na Armagedon.

  24. Pahayag 16:17mga AD 96

    At ibinuhos ng ikapito ang kaniyang mangkok sa hangin; at lumabas sa santuario ang isang malakas na tinig, mula sa luklukan na nagsasabi, Nagawa na:

  25. Pahayag 16:18mga AD 96

    At nagkaroon ng mga kidlat, at mga tinig, at mga kulog; at nagkaroon ng malakas na lindol, na di nangyari kailan man mula nang magkatao sa lupa, isang lindol na lubhang malakas, lubhang kakilakilabot.