circa 6 BC – AD 30
The Life of Jesus
The eternal Son of God enters history: born in Bethlehem, baptized in the Jordan, crucified at Golgotha, raised on the third day.
Mga talata mula sa panahong ito
- Mateo 24:13mga AD 33
Datapuwa't ang magtitiis hanggang sa wakas ay siyang maliligtas.
- Mateo 24:14mga AD 33
At ipangangaral ang evangeliong ito ng kaharian sa buong sanglibutan sa pagpapatotoo sa lahat ng mga bansa; at kung magkagayo'y darating ang wakas.
- Mateo 24:15mga AD 33
Kaya nga pagkakita ninyo ng kasuklamsuklam na paninira, na sinalita sa pamamagitan ng propeta Daniel, na natatayo sa dakong banal (unawain ng bumabasa),
- Mateo 24:16mga AD 33
Kung magkagayo'y magsitakas sa mga bundok ang nangasa Judea:
- Mateo 24:17mga AD 33
Ang nasa bubungan ay huwag bumaba upang maglabas ng mga bagay sa loob ng kaniyang bahay:
- Mateo 24:18mga AD 33
At ang nasa bukid ay huwag magbalik upang kumuha ng kaniyang balabal.
- Mateo 24:19mga AD 33
Datapuwa't sa aba ng nangagdadalang-tao at nangagpapasuso sa mga araw na yaon!
- Mateo 24:20mga AD 33
At magsipanalangin kayo na huwag mangyari ang pagtakas ninyo sa panahong taginaw, o sa sabbath man:
- Mateo 24:21mga AD 33
Sapagka't kung magkagayo'y magkakaroon ng malaking kapighatian, na ang gayo'y di pa nangyayari buhat sa pasimula ng sanglibutan hanggang ngayon, at ni hindi na mangyayari kailan man.
- Mateo 24:22mga AD 33
At malibang paikliin ang mga araw na yaon, ay walang lamang makaliligtas: datapuwa't dahil sa mga hirang ay paiikliin ang mga araw na yaon.
- Mateo 24:23mga AD 33
Kung magkagayon, kung may magsabi sa inyong sinomang tao, Narito ang Cristo, o, Nariyan; huwag ninyong paniwalaan.
- Mateo 24:24mga AD 33
Sapagka't may magsisilitaw na mga bulaang Cristo, at mga bulaang propeta, at mangagpapakita ng mga dakilang tanda at mga kababalaghan; ano pa't ililigaw, kung maaari, pati ng mga hirang.
- Mateo 24:25mga AD 33
Narito, ipinagpauna ko nang sinabi sa inyo.
- Mateo 24:26mga AD 33
Kaya nga kung sa inyo'y kanilang sasabihin, Narito, siya'y nasa ilang; huwag kayong magsilabas: Narito, siya'y nasa mga silid; huwag ninyong paniwalaan.
- Mateo 24:27mga AD 33
Sapagka't gaya ng kidlat na kumikidlat sa silanganan, at nakikita hanggang sa kalunuran; gayon din naman ang pagparito ng Anak ng tao.
- Mateo 24:28mga AD 33
Saan man naroon ang bangkay, ay doon mangagkakatipon ang mga uwak.
- Mateo 24:29mga AD 33
Datapuwa't karakarakang pagkatapos ng kapighatian sa mga araw na yaon ay magdidilim ang araw, at ang buwan ay hindi magbibigay ng kaniyang liwanag, at mangalalaglag ang mga bituin mula sa langit, at magsisipangatal ang mga kapangyarihan sa mga langit:
- Mateo 24:30mga AD 33
At kung magkagayo'y lilitaw ang tanda ng Anak ng tao sa langit: at kung magkagayo'y magsisitaghoy ang lahat ng mga angkan sa lupa, at mangakikita nila ang Anak ng tao na napaparitong sumasa mga alapaap ng langit na may kapangyarihan at dakilang kaluwalhatian.
- Mateo 24:31mga AD 33
At susuguin ang kaniyang mga anghel na may matinding pakakak, at kanilang titipunin ang kaniyang mga hinirang mula sa apat na hangin ng sanglibutan, mula sa isang dulo ng langit hanggang sa kabila.
- Mateo 24:32mga AD 33
Sa puno ng igos nga ay pagaralan ninyo ang kaniyang talinghaga: pagka nananariwa ang kaniyang sanga, at sumusupling ang mga dahon, ay nalalaman ninyo na malapit na ang tagaraw;
- Mateo 24:33mga AD 33
Gayon din naman kayo, pagka nangakita ninyo ang lahat ng mga bagay na ito, ay talastasin ninyo na siya'y malapit na, nasa mga pintuan nga.
- Mateo 24:34mga AD 33
Katotohanang sinasabi ko sa inyo, Hindi lilipas ang lahing ito, hanggang sa mangaganap ang lahat ng mga bagay na ito.
- Mateo 24:35mga AD 33
Ang langit at ang lupa ay lilipas, datapuwa't ang aking mga salita ay hindi lilipas.
- Mateo 24:36mga AD 33
Nguni't tungkol sa araw at oras na yaon walang makakaalam, kahit ang mga anghel sa langit, kahit ang Anak, kundi ang Ama lamang.
- Mateo 24:37mga AD 33
At kung paano ang mga araw ni Noe, gayon din naman ang pagparito ng Anak ng tao.