Lumaktaw sa nilalaman

Creation Era

The Great Flood

Humanity's wickedness fills the earth; God preserves Noah and his family through a catastrophic flood.

97 talata · 1 aklat na saklaw

Mga talata mula sa panahong ito

  1. Genesis 7:4mga 2348 BC

    Sapagka't pitong araw pa, at pauulanan ko na ang ibabaw ng lupa ng apat na pung araw at apat na pung gabi, at aking lilipulin ang lahat ng may buhay na aking nilikha sa balat ng lupa.

  2. Genesis 7:5mga 2348 BC

    At ginawa ni Noe ayon sa lahat na iniutos sa kaniya ng Panginoon.

  3. Genesis 7:6mga 2348 BC

    At may anim na raang taon si Noe nang ang baha ng tubig ay dumagsa sa ibabaw ng lupa.

  4. Genesis 7:7mga 2348 BC

    At lumulan sa sasakyan si Noe at ang kaniyang mga anak, at ang kaniyang asawa, at ang mga asawa ng kaniyang mga anak, dahil sa tubig ng baha.

  5. Genesis 7:8mga 2348 BC

    Sa mga hayop na malinis, at sa mga hayop na hindi malinis, at sa mga ibon at sa bawa't umuusad sa ibabaw ng lupa,

  6. Genesis 7:9mga 2348 BC

    Ay dalawa't dalawang dumating kay Noe sa sasakyan, na lalake at babae ayon sa iniutos ng Dios kay Noe.

  7. Genesis 7:10mga 2348 BC

    At nangyari na pagkaraan ng pitong araw, na ang tubig ng baha ay umapaw sa ibabaw ng lupa.

  8. Genesis 7:11mga 2348 BC

    Sa ikaanim na raang taon ng buhay ni Noe, nang ikalawang buwan, sa ikalabing pitong araw ng buwan, nang araw ding yaon, ay nangasira ang lahat ng bukal ng lubhang kalaliman, at ang mga durungawan ng langit ay nabuksan.

  9. Genesis 7:12mga 2348 BC

    At umulan sa ibabaw ng lupa ng apat na pung araw at apat na pung gabi.

  10. Genesis 7:13mga 2348 BC

    Nang araw ding yaon, ay lumulan sa sasakyan si Noe, at si Sem, at si Cham, at si Japhet, na mga anak ni Noe, at ang asawa ni Noe, at ang tatlong asawa ng kaniyang mga anak na kasama nila;

  11. Genesis 7:14mga 2348 BC

    Sila, at ang bawa't hayop gubat ayon sa kanikanilang uri, at lahat ng hayop na maamo ayon sa kanikanilang uri, at bawa't umuusad sa ibabaw ng lupa ayon sa kanikanilang uri, at bawa't ibon ayon sa kanikanilang uri, lahat ng sarisaring ibon.

  12. Genesis 7:15mga 2348 BC

    At nagsidating kay Noe sa sasakyan na dalawa't dalawa, ang lahat ng hayop na may hinga ng buhay.

  13. Genesis 7:16mga 2348 BC

    At ang mga nagsilulan, ay lumulang lalake at babae, ng lahat na laman, gaya ng iniutos sa kaniya ng Dios: at kinulong siya ng Panginoon.

  14. Genesis 7:17mga 2348 BC

    At tumagal ang baha ng apat na pung araw sa ibabaw ng lupa; at lumaki ang tubig at lumutang ang sasakyan, at nataas sa ibabaw ng lupa.

  15. Genesis 7:18mga 2348 BC

    At dumagsa ang tubig at lumaking mainam sa ibabaw ng lupa; at lumutang ang sasakyan sa ibabaw ng tubig.

  16. Genesis 7:19mga 2348 BC

    At dumagsang lubha ang tubig sa ibabaw ng lupa: at inapawan ang lahat na mataas na bundok na nasa silong ng buong langit.

  17. Genesis 7:20mga 2348 BC

    Labing limang siko ang lalim na idinagsa ng tubig; at inapawan ang mga bundok.

  18. Genesis 7:21mga 2348 BC

    At namatay ang lahat ng lamang gumagalaw sa ibabaw ng lupa, ang mga ibon at gayon din ang hayop, at ang hayop gubat, at ang bawa't nagsisiusad na umuusad sa ibabaw ng lupa, at ang bawa't tao.

  19. Genesis 7:22mga 2348 BC

    Ang bawa't may hinga ng diwa ng buhay sa kanilang ilong, lahat na nasa lupang tuyo ay namatay.

  20. Genesis 7:23mga 2348 BC

    At nilipol ang bawa't may buhay na nasa ibabaw ng lupa, ang tao at gayon din ang hayop, at ang mga umuusad at ang mga ibon sa himpapawid; at sila'y nalipol sa lupa: at ang natira lamang, ay si Noe at ang mga kasama niya sa sasakyan.

  21. Genesis 7:24mga 2348 BC

    At tumagal ang tubig sa ibabaw ng lupa, ng isang daan at limang pung araw.

  22. At naalaala ng Dios si Noe, at ang lahat ng may buhay, at ang lahat ng hayop na kasama niya sa sasakyan: at nagpahihip ang Dios ng isang hangin sa ibabaw ng lupa, at humupa ang tubig;

  23. Natakpan din ang mga bukal ng kalaliman at ang mga dungawan ng langit, at napigil ang ulan sa langit;

  24. At humupang patuloy ang tubig sa lupa; at kumati ang tubig pagkaraan ng isang daan at limang pung araw.

  25. At sumadsad ang sasakyan nang ikapitong buwan, nang ikalabing pitong araw ng buwan, sa ibabaw ng mga bundok ng Ararat.