Lumaktaw sa nilalaman

Moses

774 talata · 7 kapamilya

Mga talatang bumabanggit kay Moses

Salain ayon sa aklat
  1. At ang kalahati ay sa mga anak ni Israel, na inihiwalay ni Moises sa mga taong nakipagbaka

  2. At sa kalahati nga na nauukol sa mga anak ni Israel, ay kinuha ni Moises ang isa sa bawa't limang pu, sa tao at gayon din sa hayop, at ibinigay sa mga Levita, na namamahala sa tabernakulo ng Panginoon; gaya ng iniutos ng Panginoon kay Moises.

  3. At ang mga pinuno na namamahala sa libolibo ng hukbo, ang mga kapitan ng libolibo, at ang mga kapitan ng daandaan ay nangagsilapit kay Moises:

  4. At sinabi nila kay Moises, Binilang ng iyong mga lingkod ang mga lalaking mangdidigma na nasa aming kapangyarihan, at walang kulang kahit isa man sa amin.

  5. At kinuha ni Moises at ni Eleazar na saserdote ang ginto nila, lahat ng hiyas na dalisay.

  6. At kinuha ni Moises at ni Eleazar na saserdote ang ginto ng mga kapitan ng libolibo at ng daandaan, at isinilid sa tabernakulo ng kapisanan, pinakaalaala sa mga anak ni Israel sa harap ng Panginoon.

  7. Ay lumapit at nagsalita ang mga anak ni Gad at ang mga anak ni Ruben kay Moises, at kay Eleazar na saserdote, at sa mga prinsipe ng kapisanan na sinasabi,

  8. At sinabi ni Moises sa mga anak ni Gad, at sa mga anak ni Ruben, Paroroon ba ang inyong mga kapatid sa pakikipagbaka, at kayo'y mauupo rito?

  9. At sinabi ni Moises sa kanila, Kung gagawin ninyo ang bagay na ito; kung kayo'y magsisipagalmas upang pumaroon sa harap ng Panginoon sa pakikipagbaka,

  10. At sinalita ng mga anak ni Gad at ng mga anak ni Ruben kay Moises, na sinasabi, Isasagawa ng iyong mga lingkod ang gaya ng iniutos ng aking panginoon.

  11. Sa gayo'y ipinagbilin sila ni Moises kay Eleazar na saserdote, at kay Josue na anak ni Nun, at sa mga pangulo sa mga sangbahayan ng mga magulang ng mga lipi ng mga anak ni Israel.

  12. At sinabi sa kanila ni Moises, Kung ang mga anak ni Gad at ang mga anak ni Ruben ay magsisitawid na kasama ninyo sa Jordan, ang lahat ng lalake na may almas sa pakikipagbaka, sa harap ng Panginoon, at kung ang lupain ay mapasuko sa harap ninyo: ay ibibigay nga ninyo sa kanila na pinakaari ang lupain ng Galaad.

  13. At ibinigay ni Moises sa kanila, sa mga anak ni Gad, at sa mga anak ni Ruben, at sa kalahati ng lipi ni Manases na anak ni Jose, ang kaharian ni Sehon na hari ng mga Amorrheo, at ang kaharian ni Og na hari sa Basan, ang lupain ayon sa mga bayan niyaon, sa loob ng mga hangganan niyaon, sa makatuwid baga'y ang mga bayan sa palibot ng lupain.

  14. At ibinigay ni Moises ang Galaad kay Machir na anak ni Manases; at kaniyang tinahanan.

  15. Ito ang mga paglalakbay ng mga anak ni Israel, nang sila'y magsilabas sa lupain ng Egipto, ayon sa kanilang mga hukbo sa ilalim ng kapangyarihan ni Moises at ni Aaron.

  16. At isinulat ni Moises ang kanilang mga pagyao ayon sa kanilang mga paglalakbay alinsunod sa utos ng Panginoon: at ito ang kanilang mga paglalakbay ayon sa kanilang mga pagyao.

  17. At sinalita ng Panginoon kay Moises sa mga kapatagan ng Moab sa tabi ng Jordan, sa tapat ng Jerico, na sinasabi,

  18. At sinalita ng Panginoon kay Moises, na sinasabi,

  19. At iniutos ni Moises sa mga anak ni Israel, na sinasabi, Ito ang lupain na inyong mamanahin sa pamamagitan ng sapalaran, na iniutos ng Panginoon na ibigay sa siyam na lipi, at sa kalahating lipi;

  20. At sinalita ng Panginoon kay Moises, na sinasabi,

  21. At sinalita ng Panginoon kay Moises sa mga kapatagan ng Moab sa tabi ng Jordan sa Jerico, na sinasabi,

  22. At sinalita ng Panginoon kay Moises, na sinasabi,

  23. At ang mga pangulo ng mga sangbahayan ng mga magulang ng mga anak ni Galaad, na anak ni Machir, na anak ni Manases, sa mga angkan ng mga anak ni Jose, ay nagsilapit, at nagsalita sa harap ni Moises at sa harap ng mga prinsipe, na mga pangulo sa mga sangbahayan ng mga magulang ng mga anak ni Israel:

  24. At iniutos ni Moises sa mga anak ni Israel ayon sa salita ng Panginoon na sinasabi, Ang lipi ng mga anak ni Jose ay nagsasalita ng matuwid.

  25. Kung paanong iniutos ng Panginoon kay Moises, ay gayong ginawa ng mga anak na babae ni Salphaad: