Lumaktaw sa nilalaman

Mga talata sa Bibliya tungkol sa Persecution

270 talata · 61 aspeto

Mahahalagang talata sa Bibliya

Salain ayon sa aklat
  1. Nguni't ako, mga kapatid, kung ipinangangaral ko pa ang pagtutuli, bakit ako'y pinaguusig pa? kung gayon ay natapos na ang katitisuran sa krus.

  2. Yaong lahat na may ibig magkaroon ng isang mabuting anyo sa laman, ay siyang pumipilit sa inyo na mangagtuli; upang huwag lamang silang pagusigin dahil sa krus ni Cristo.

  3. Tungkol sa pagsisikap, ay manguusig sa iglesia; tungkol sa kabanalan na nasa kautusan, ay walang kapintasan.

  4. Na nagsipatay sa Panginoong Jesus, at gayon din sa mga propeta, at kami ay kanilang pinalayas, at di nangagbibigay lugod sa Dios, at laban sa lahat ng mga tao;

  5. Kung isang bagay na matuwid sa Dios na gantihin ng kapighatian ang mga pumipighati sa inyo,

  6. At upang kami ay mangaligtas sa mga taong walang katuwiran at masasama; sapagka't hindi lahat ay mayroong pananampalataya.

  7. Bagaman nang una ako'y naging mamumusong, at manguusig; at mangaalipusta: gayon ma'y kinahabagan ako, sapagka't yao'y ginawa ko sa di pagkaalam sa kawalan ng pananampalataya;

  8. Mga paguusig, mga pagbabata; anomang mga bagay ang nangyari sa akin sa Antioquia, sa Iconio, sa Listra; anomang mga paguusig ang tiniis ko: at sa lahat ay iniligtas ako ng Panginoon.

  9. Oo, at lahat na ibig mabuhay na may kabanalan kay Cristo Jesus ay mangagbabata ng paguusig.

  10. Na una una ay naging isang katawatawa dahil sa mga pagkasiphayo at gayon din sa mga kahirapan; at sa ikalawa, ay naging kasama niyaong mga inaring gayon.

  11. Sapagka't kayo'y nangahabag sa mga may tanikala, at tinanggap ninyo ng buong galak ang pagkaagaw ng inyong pag-aari, palibhasa'y inyong nalalamang mayroon kayo sa inyong sarili ng isang pag-aaring lalong mabuti at tumatagal.

  12. Huwag nga ninyong itakuwil ang inyong pagkakatiwala, na may dakilang ganting-pala.

  13. At ang iba'y nangagkaroon ng pagsubok sa pagkalibak at pagkahampas, oo, bukod dito'y sa mga tanikala at bilangguan naman:

  14. Na masdan natin si Jesus na gumawa at sumakdal ng ating pananampalataya, na siya dahil sa kagalakang inilagay sa harapan niya ay nagtiis ng krus, na niwalang bahala ang kahihiyan, at umupo sa kanan ng luklukan ng Dios.

  15. Sapagka't dilidilihin ninyo yaong nagtiis ng gayong pagsalangsang ng mga makasalanan laban sa kaniyang sarili, upang kayo'y huwag magsihina, na manglupaypay sa inyong mga kaluluwa.

  16. Kung paano ngang si Cristo ay nagbata sa laman, ay magsandata rin naman kayo ng gayong pagiisip; sapagka't siya na nagbata sa laman ay nagpapatigil sa kasalanan;

  17. Kundi kayo'y mangagalak, sapagka't kayo'y mga karamay sa mga hirap ni Cristo; upang sa pagkahayag ng kaniyang kaluwalhatian naman ay mangagalak kayo ng malabis na galak.

  18. Nguni't kung ang isang tao ay magbata na gaya ng Cristiano, ay huwag mahiya; kundi luwalhatiin ang Dios sa pangalang ito.

  19. Kaya't ipagkatiwala naman ng nangagbabata ayon sa kalooban ng Dios ang kanilang mga kaluluwa sa paggawa ng mabuti sa tapat na Lumalang.

  20. At ang mga nananahan sa ibabaw ng lupa ay mangagagalak tungkol sa kanila, at mangatutuwa; at sila'y mangagpapadalahan ng mga kaloob; sapagka't ang dalawang propetang ito ay nagpahirap sa nangananahan sa ibabaw ng lupa.