Lumaktaw sa nilalaman

circa 1446–1406 BC

The Wilderness Years

Forty years of wandering in the desert test Israel's faith and prepare a new generation to enter the promised land.

2,247 talata · 2 aklat na saklaw

Mga talata mula sa panahong ito

Salain ayon sa aklat
  1. Mga Bilang 7:5mga 1490 BC

    Tanggapin mo sa kanila, upang sila'y gumawa ng paglilingkod sa tabernakulo ng kapisanan, at ibibigay mo sa mga Levita, sa bawa't lalake ang ayon sa kanikaniyang paglilingkod.

  2. Mga Bilang 7:6mga 1490 BC

    At tinanggap ni Moises ang mga kariton at ang mga baka, at ibinigay sa mga Levita.

  3. Mga Bilang 7:7mga 1490 BC

    Dalawang kariton at apat na baka ay ibinigay niya sa mga anak ni Gerson, ayon sa kanilang paglilingkod:

  4. Mga Bilang 7:8mga 1490 BC

    At apat na kariton at walong baka ay kaniyang ibinigay sa mga anak ni Merari, ayon sa kanilang paglilingkod, sa ilalim ng pamamahala ni Ithamar na anak ni Aaron na saserdote.

  5. Mga Bilang 7:9mga 1490 BC

    Nguni't sa mga anak ni Coath ay walang ibinigay siya: sapagka't ang paglilingkod sa santuario ay nauukol sa kanila; kanilang pinapasan sa kanilang mga balikat.

  6. Mga Bilang 7:10mga 1490 BC

    At ang mga prinsipe ay naghandog sa pagtatalaga sa dambana noong araw na pahiran ng langis, sa makatuwid baga'y ang mga prinsipe ay naghandog ng kanilang alay sa harap ng dambana.

  7. Mga Bilang 7:11mga 1490 BC

    At sinabi ng Panginoon kay Moises, Sila'y maghahandog ng kanilang alay, na bawa't prinsipe'y sa kaniyang kaarawan, sa pagtatalaga sa dambana.

  8. Mga Bilang 7:12mga 1490 BC

    At ang naghandog ng kaniyang alay nang unang araw ay si Naason na anak ni Aminadab sa lipi ni Juda:

  9. Mga Bilang 7:13mga 1490 BC

    At ang kaniyang alay ay isang pinggang pilak, na ang bigat niyaon ay isang daan at tatlong pung siklo, isang mangkok na pilak na ang bigat ay pitong pung siklo ayon sa siklo ng santuario; kapuwa puno ng mainam na harina na hinaluan ng langis, na pinakahandog na harina;

  10. Mga Bilang 7:14mga 1490 BC

    Isang kutsarang ginto na ang bigat ay sangpung siklo, na puno ng kamangyan,

  11. Mga Bilang 7:15mga 1490 BC

    Isang guyang toro, isang tupang lalake, isang korderong lalake ng unang taon, na handog na susunugin;

  12. Mga Bilang 7:16mga 1490 BC

    Isang lalake sa mga kambing na handog dahil sa kasalanan;

  13. Mga Bilang 7:17mga 1490 BC

    At sa hain na mga handog tungkol sa kapayapaan, ay dalawang baka, limang tupang lalake, limang kambing na lalake, at limang korderong lalake ng unang taon: ito ang alay ni Naason na anak ni Aminadab.

  14. Mga Bilang 7:18mga 1490 BC

    Nang ikalawang araw, si Nathanael na anak ni Suar, na prinsipe ni Issachar ay naghandog:

  15. Mga Bilang 7:19mga 1490 BC

    Kaniyang inihandog na pinakaalay niya, ay isang pinggang pilak na ang bigat ay isang daan at tatlong pung siklo, isang mangkok na pilak na ang bigat ay pitong pung siklo, ayon sa siklo ng santuario; kapuwa puno ng mainam na harina na hinaluan ng langis, na pinakahandog na harina;

  16. Mga Bilang 7:20mga 1490 BC

    Isang kutsarang ginto na ang bigat ay sangpung siklo na puno ng kamangyan;

  17. Mga Bilang 7:21mga 1490 BC

    Isang guyang toro, isang tupang lalake, isang korderong lalake ng unang taon, na handog na susunugin;

  18. Mga Bilang 7:22mga 1490 BC

    Isang lalaking kambing na handog dahil sa kasalanan;

  19. Mga Bilang 7:23mga 1490 BC

    At sa hain na mga handog tungkol sa kapayapaan, ay dalawang baka, limang tupang lalake, limang kambing na lalake, at limang korderong lalake ng unang taon: ito ang alay ni Nathanael na anak ni Suar.

  20. Mga Bilang 7:24mga 1490 BC

    Nang ikatlong araw ay si Eliab na anak ni Helon, na prinsipe sa mga anak ni Zabulon:

  21. Mga Bilang 7:25mga 1490 BC

    Ang kaniyang alay, ay isang pinggang pilak, na ang bigat niyaon ay isang daan at tatlong pung siklo, isang mangkok na pilak na ang bigat ay pitong pung siklo, ayon sa siklo ng santuario; kapuwa puno ng mainam na harina na hinaluan ng langis, na pinakahandog na harina;

  22. Mga Bilang 7:26mga 1490 BC

    Isang kutsarang ginto na ang bigat ay sangpung siklo, na puno ng kamangyan;

  23. Mga Bilang 7:27mga 1490 BC

    Isang guyang toro, isang tupang lalake, isang korderong lalake ng unang taon, na handog na susunugin;

  24. Mga Bilang 7:28mga 1490 BC

    Isang lalake sa mga kambing, na handog dahil sa kasalanan;

  25. Mga Bilang 7:29mga 1490 BC

    At sa hain na mga handog tungkol sa kapayapaan, ay dalawang baka, limang tupang lalake, limang kambing na lalake, at limang korderong lalake ng unang taon: ito ang alay ni Eliab na anak ni Helon.