- English
- King James KJV
- Complete Jewish CJB
- World English WEBM
- Berean Standard BSB
- American Standard ASV
- Geneva GNV
- Young's Literal YLT
- Douay-Rheims DRC
- International
- Shqip ALB
- العربية SVD
- বাংলা BN-IRV
- မြန်မာ Judson
- 简体文 CUV-S
- 繁體中文 CUV-T
- Čeština BKR
- Nederlands STVE
- Français LSG
- Deutsch SCH
- Ελληνικά Vamvas
- ગુજરાતી GU-IRV
- Hausa HCB
- עברית Hebrew
- हिन्दी HCV
- Magyar KAROLI
- Bahasa Indonesia INDO-TB
- Italiano Diodati
- 日本語 Kougo
- 한국어 Korean
- മലയാളം MAL
- मराठी MRCV
- Norsk DNB
- فارسی OPV
- Polski BG
- Português Almeida
- Română Cornilescu
- Русский Synodal
- Español RVG
- Kiswahili Neno
- Svenska SV1917
- Tagalog TAG-ADB
- தமிழ் TCV
- తెలుగు TSA
- ภาษาไทย THAI-KJV
- Українська Ohienko
- Tiếng Việt CADMAN
- Yorùbá YCB
circa 1446–1406 BC
The Wilderness Years
Forty years of wandering in the desert test Israel's faith and prepare a new generation to enter the promised land.
Mga talata mula sa panahong ito
- Mga Bilang 7:55mga 1490 BC
Ang kaniyang alay ay isang pinggang pilak, na ang bigat niyaon ay isang daan at tatlong pung siklo, isang mangkok na pilak na ang bigat ay pitong pung siklo, ayon sa siklo ng santuario; kapuwa puno ng mainam na harina na hinaluan ng langis, na pinakahandog na harina;
- Mga Bilang 7:56mga 1490 BC
Isang kutsarang ginto na ang bigat ay sangpung siklo, na puno ng kamangyan;
- Mga Bilang 7:57mga 1490 BC
Isang guyang toro, isang tupang lalake, isang korderong lalake ng unang taon, na handog na susunugin;
- Mga Bilang 7:58mga 1490 BC
Isang lalake sa mga kambing na handog dahil sa kasalanan;
- Mga Bilang 7:59mga 1490 BC
At sa hain na mga handog tungkol sa kapayapaan, ay dalawang baka, limang tupang lalake, limang kambing na lalake, at limang korderong lalake ng unang taon: ito ang alay ni Gamaliel na anak ni Pedasur.
- Mga Bilang 7:60mga 1490 BC
Nang ikasiyam na araw ay si Abidan, na anak ni Gedeon, na prinsipe sa mga anak ni Benjamin:
- Mga Bilang 7:61mga 1490 BC
Ang kaniyang alay ay isang pinggang pilak, na ang bigat niyao'y isang daan at tatlong pung siklo, isang mangkok na pilak na ang bigat ay pitong pung siklo, ayon sa siklo ng santuario; kapuwa puno ng mainam na harina na hinaluan ng langis, na pinakahandog na harina;
- Mga Bilang 7:62mga 1490 BC
Isang kutsarang ginto na ang bigat ay sangpung siklo, na puno ng kamangyan;
- Mga Bilang 7:63mga 1490 BC
Isang guyang toro, isang tupang lalake, isang korderong lalake ng unang taon, na handog na susunugin;
- Mga Bilang 7:64mga 1490 BC
Isang lalake sa mga kambing na handog dahil sa kasalanan;
- Mga Bilang 7:65mga 1490 BC
At sa hain na mga handog tungkol sa kapayapaan, ay dalawang baka, limang tupang lalake, limang kambing na lalake, at limang korderong lalake ng unang taon: ito ang alay ni Abidan na anak ni Gedeon.
- Mga Bilang 7:66mga 1490 BC
Nang ikasangpung araw ay si Ahiezer na anak ni Ammisaddai, na prinsipe sa mga anak ni Dan:
- Mga Bilang 7:67mga 1490 BC
Ang kaniyang alay ay isang pinggang pilak, na ang bigat niyao'y isang daan at tatlong pung siklo, isang mangkok na pilak na ang bigat ay pitong pung siklo, ayon sa siklo ng santuario; kapuwa puno ng mainam na harina na hinaluan ng langis, na pinakahandog na harina;
- Mga Bilang 7:68mga 1490 BC
Isang kutsarang ginto na ang bigat ay sangpung siklo, na puno ng kamangyan;
- Mga Bilang 7:69mga 1490 BC
Isang guyang toro, isang tupang lalake, isang korderong lalake ng unang taon, na handog na susunugin;
- Mga Bilang 7:70mga 1490 BC
Isang lalake sa mga kambing na handog dahil sa kasalanan;
- Mga Bilang 7:71mga 1490 BC
At sa hain na mga handog tungkol sa kapayapaan, ay dalawang baka, limang tupang lalake, limang kambing na lalake, at limang korderong lalake ng unang taon: ito ang alay ni Ahiezer na anak ni Ammisaddai.
- Mga Bilang 7:72mga 1490 BC
Nang ikalabing isang araw ay si Pagiel na Anak ni Ocran, na prinsipe sa mga anak ni Aser:
- Mga Bilang 7:73mga 1490 BC
Ang kaniyang alay ay isang pinggang pilak, na ang bigat niyao'y isang daan at tatlong pung siklo, isang mangkok na pilak na ang bigat ay pitong pung siklo, ayon sa siklo ng santuario; kapuwa puno ng mainam na harina na hinaluan ng langis, na pinakahandog na harina;
- Mga Bilang 7:74mga 1490 BC
Isang kutsarang ginto na ang bigat ay sangpung siklo, na puno ng kamangyan;
- Mga Bilang 7:75mga 1490 BC
Isang guyang toro, isang tupang lalake, isang korderong lalake ng unang taon, na handog na susunugin;
- Mga Bilang 7:76mga 1490 BC
Isang lalake sa mga kambing, na handog dahil sa kasalanan;
- Mga Bilang 7:77mga 1490 BC
At sa hain na mga handog tungkol sa kapayapaan, ay dalawang baka, limang tupang lalake, at limang kambing na lalake, at limang korderong lalake, ng unang taon: ito ang alay ni Pagiel na anak ni Ocran.
- Mga Bilang 7:78mga 1490 BC
Nang ikalabing dalawang araw ay si Ahira na anak ni Enan, na prinsipe sa mga anak ni Nephtali:
- Mga Bilang 7:79mga 1490 BC