- English
- King James KJV
- Complete Jewish CJB
- World English WEBM
- Berean Standard BSB
- American Standard ASV
- Geneva GNV
- Young's Literal YLT
- Douay-Rheims DRC
- International
- Shqip ALB
- العربية SVD
- বাংলা BN-IRV
- မြန်မာ Judson
- 简体文 CUV-S
- 繁體中文 CUV-T
- Čeština BKR
- Nederlands STVE
- Français LSG
- Deutsch SCH
- Ελληνικά Vamvas
- ગુજરાતી GU-IRV
- Hausa HCB
- עברית Hebrew
- हिन्दी HCV
- Magyar KAROLI
- Bahasa Indonesia INDO-TB
- Italiano Diodati
- 日本語 Kougo
- 한국어 Korean
- മലയാളം MAL
- मराठी MRCV
- Norsk DNB
- فارسی OPV
- Polski BG
- Português Almeida
- Română Cornilescu
- Русский Synodal
- Español RVG
- Kiswahili Neno
- Svenska SV1917
- Tagalog TAG-ADB
- தமிழ் TCV
- తెలుగు TSA
- ภาษาไทย THAI-KJV
- Українська Ohienko
- Tiếng Việt CADMAN
- Yorùbá YCB
circa AD 48–96
Letters to the Churches
Paul and other apostles write to strengthen, correct, and encourage the scattered churches across the Roman world.
Mga talata mula sa panahong ito
- Mga Taga-Galacia 3:4mga AD 58
Tiniis baga ninyong walang kabuluhan ang lubhang maraming mga bagay? kung tunay na walang kabuluhan.
- Mga Taga-Galacia 3:5mga AD 58
Siya na nagbibigay nga sa inyo ng Espiritu, at gumagawa ng mga himala sa gitna ninyo, ginagawa baga sa pamamagitan ng mga gawang ayon sa kautusan, o sa pakikinig ng tungkol sa pananampalataya?
- Mga Taga-Galacia 3:6mga AD 58
Gaya nga ni Abraham na sumampalataya sa Dios, at ito'y ibinilang sa kaniya na katuwiran.
- Mga Taga-Galacia 3:7mga AD 58
Talastasin nga ninyo na ang mga sa pananampalataya, ang mga yaon ay mga anak ni Abraham.
- Mga Taga-Galacia 3:8mga AD 58
At sapagka't ipinakita na ng kasulatan, na aariing-ganap ng Dios ang mga Gentil sa pamamagitan ng pananampalataya, ay ipinangaral na nang una ang evangelio kay Abraham, na sinasabi, Sa iyo ay pagpapalain ang lahat ng mga bansa.
- Mga Taga-Galacia 3:9mga AD 58
Kaya't ang mga sa pananampalataya ay pinagpapala kay Abraham na may pananampalataya.
- Mga Taga-Galacia 3:10mga AD 58
Sapagka't ang lahat na sa mga gawang ayon sa kautusan ay nasa ilalim ng sumpa: sapagka't nasusulat, Sinusumpa ang bawa't hindi nananatili sa lahat ng mga bagay na nasusulat sa aklat ng kautusan, upang gawin nila.
- Mga Taga-Galacia 3:11mga AD 58
Maliwanag nga na sinoman ay hindi inaaring-ganap sa kautusan sa harapan ng Dios; sapagka't, Ang ganap ay mabubuhay sa pananampalataya.
- Mga Taga-Galacia 3:12mga AD 58
At ang kautusan ay hindi sa pananampalataya; kundi, Ang gumaganap ng mga yaon ay mabubuhay sa mga yaon.
- Mga Taga-Galacia 3:13mga AD 58
Sa sumpa ng kautusan ay tinubos tayo ni Cristo, na naging sumpa sa ganang atin; sapagka't nasusulat, Sinusumpa ang bawa't binibitay sa punong kahoy:
- Mga Taga-Galacia 3:14mga AD 58
Upang sa mga Gentil ay dumating ang pagpapala ni Abraham na kay Cristo Jesus; upang sa pamamagitan ng pananampalataya ay tanggapin natin ang pangako ng Espiritu.
- Mga Taga-Galacia 3:15mga AD 58
Mga kapatid, nagsasalita ako ayon sa kaugalian ng mga tao: Bagama't ang pakikipagtipan ay gawa lamang ng tao, gayon ma'y pagka pinagtibay, sinoman ay hindi makapagpapawalang kabuluhan, o makapagdaragdag man.
- Mga Taga-Galacia 3:16mga AD 58
Ngayon kay Abraham nga sinabi ang mga pangako, at sa kaniyang binhi. Hindi sinasabi ng Dios, At sa mga binhi, na gaya baga sa marami; kundi gaya sa iisa lamang, At sa iyong binhi, na si Cristo.
- Mga Taga-Galacia 3:17mga AD 58
Ito nga ang aking sinasabi: Ang isang pakikipagtipang pinagtibay na nang una ng Dios, ay hindi mapawawalang kabuluhan ng kautusan, na sumipot nang makaraan ang apat na raan at tatlongpung taon, ano pa't upang pawalang kabuluhan ang pangako.
- Mga Taga-Galacia 3:18mga AD 58
Sapagka't kung ang mana ay sa pamamagitan ng kautusan, ay hindi na sa pamamagitan ng pangako: datapuwa't ipinagkaloob ng Dios kay Abraham sa pamamagitan ng pangako.
- Mga Taga-Galacia 3:19mga AD 58
Ano nga ang kabuluhan ng kautusan? Idinagdag dahil sa mga pagsalangsang, hanggang sa pumarito ang binhi na siyang pinangakuan; at ito'y iniutos sa pamamagitan ng mga anghel sa kamay ng isang tagapamagitan.
- Mga Taga-Galacia 3:20mga AD 58
Ngayon ang isang tagapamagitan ay hindi tagapamagitan ng iisa; datapuwa't ang Dios ay iisa.
- Mga Taga-Galacia 3:21mga AD 58
Ang kautusan nga baga ay laban sa mga pangako ng Dios? Huwag nawang mangyari: sapagka't kung ibinigay sana ang isang kautusang may kapangyarihang magbigay buhay, tunay ngang ang katuwiran sana ay naging dahil sa kautusan.
- Mga Taga-Galacia 3:22mga AD 58
Datapuwa't kinulong ng kasulatan ang lahat ng mga bagay sa ilalim ng kasalanan, upang ang pangako sa pamamagitan ng pananampalataya kay Jesucristo ay maibigay sa mga nagsisisampalataya.
- Mga Taga-Galacia 3:23mga AD 58
Nguni't bago dumating ang pananampalataya, ay nabibilanggo tayo sa ilalim ng kautusan, na nakukulong tayo hanggang sa ang pananampalataya ay ipahahayag pagkatapos.
- Mga Taga-Galacia 3:24mga AD 58
Ano pa't ang kautusan ay siyang naging tagapagturo natin upang ihatid tayo kay Cristo, upang tayo'y ariing-ganap sa pamamagitan ng pananampalataya.
- Mga Taga-Galacia 3:25mga AD 58
Datapuwa't ngayong dumating na ang pananampalataya, ay wala na tayo sa ilalim ng tagapagturo.
- Mga Taga-Galacia 3:26mga AD 58
Sapagka't kayong lahat ay mga anak ng Dios, sa pamamagitan ng pananampalataya, kay Cristo Jesus.
- Mga Taga-Galacia 3:27mga AD 58
Sapagka't ang lahat na sa inyo ay binautismuhan kay Cristo ay ibinihis si Cristo.
- Mga Taga-Galacia 3:28mga AD 58
Walang magiging Judio o Griego man, walang magiging alipin o malaya man, walang magiging lalake o babae man; sapagka't kayong lahat ay iisa kay Cristo Jesus.