circa AD 48–96
Letters to the Churches
Paul and other apostles write to strengthen, correct, and encourage the scattered churches across the Roman world.
Mga talata mula sa panahong ito
- Mga Taga-Galacia 4:25mga AD 58
Ang Agar ngang ito ay bundok ng Sinai sa Arabia, at ito'y katulad ng Jerusalem ngayon: sapagka't ito'y nasa pagkaalipin kasama ng kaniyang mga anak.
- Mga Taga-Galacia 4:26mga AD 58
Nguni't ang Jerusalem na nasa itaas ay malaya, na siyang ina natin.
- Mga Taga-Galacia 4:27mga AD 58
Sapagka't nasusulat, Magsaya ka, Oh baog na hindi nanganganak; Magbiglang umawit at humiyaw ka, ikaw na hindi nagdaramdam sa panganganak: Sapagka't higit pa ang mga anak ng pinabayaan kay sa mga anak ng may asawa.
- Mga Taga-Galacia 4:28mga AD 58
At tayo, mga kapatid, tulad ni Isaac, ay mga anak sa pangako.
- Mga Taga-Galacia 4:29mga AD 58
Datapuwa't kung papaanong yaong ipinanganak ayon sa laman ay nagusig sa ipinanganak ayon sa espiritu, ay gayon din naman ngayon.
- Mga Taga-Galacia 4:30mga AD 58
Gayon man ano ang sinasabi ng kasulatan? Palayasin ang aliping babae at ang kaniyang anak: sapagka't hindi magmamana ang anak ng babaing alipin na kasama ng anak ng babaing malaya.
- Mga Taga-Galacia 4:31mga AD 58
Kaya nga, mga kapatid, hindi tayo mga anak ng babaing alipin, kundi ng babaing malaya.
- Mga Taga-Galacia 5:1mga AD 58
Sa kalayaan ay pinalaya tayo ni Cristo: magsitibay nga kayo, at huwag na kayong pasakop na muli sa pamatok ng pagkaalipin.
- Mga Taga-Galacia 5:2mga AD 58
Narito, akong si Pablo ay nagsasabi sa inyo, na, kung inyong tinatanggap ang pagtutuli, ay wala kayong mapapakinabang na anoman kay Cristo.
- Mga Taga-Galacia 5:3mga AD 58
Oo, pinatotohanan kong muli sa bawa't taong tumatanggap ng pagtutuli, na siya'y may kautangang tumupad ng buong kautusan.
- Mga Taga-Galacia 5:4mga AD 58
Kayo'y hiwalay kay Cristo, kayong nangagiibig na ariing-ganap ng kautusan; nangahulog kayo mula sa biyaya.
- Mga Taga-Galacia 5:5mga AD 58
Sapagka't tayo sa pamamagitan ng Espiritu sa pananampalataya ay naghihintay ng pangako ng katuwiran.
- Mga Taga-Galacia 5:6mga AD 58
Sapagka't kay Cristo Jesus, kahit ang pagtutuli ay walang kabuluhan, kahit man ang di-pagtutuli; kundi ang pananampalataya na gumagawa sa pamamagitan ng pagibig.
- Mga Taga-Galacia 5:7mga AD 58
Nagsisitakbo kayong mabuti nang una; sino ang gumambala sa inyo upang kayo'y huwag magsisunod sa katotohanan?
- Mga Taga-Galacia 5:8mga AD 58
Ang paghikayat na ito ay hindi nagmula doon sa tumawag sa inyo.
- Mga Taga-Galacia 5:9mga AD 58
Ang kaunting lebadura ay nagpapakumbo sa buong limpak.
- Mga Taga-Galacia 5:10mga AD 58
Ako'y may pagkakatiwala sa inyo sa Panginoon, na hindi kayo nagsipagisip ng ibang paraan: datapuwa't ang gumagambala sa inyo ay magtataglay ng kaniyang kahatulan, maging sinoman siya.
- Mga Taga-Galacia 5:11mga AD 58
Nguni't ako, mga kapatid, kung ipinangangaral ko pa ang pagtutuli, bakit ako'y pinaguusig pa? kung gayon ay natapos na ang katitisuran sa krus.
- Mga Taga-Galacia 5:12mga AD 58
Ibig ko sana na ang mga nagsisigulo sa inyo ay gumawa ng higit sa pagtutuli.
- Mga Taga-Galacia 5:13mga AD 58
Sapagka't kayo, mga kapatid, ay tinawag sa kalayaan; huwag lamang gamitin ang inyong kalayaan, upang magbigay kadahilanan sa laman, kundi sa pamamagitan ng pagibig ay mangaglingkuran kayo.
- Mga Taga-Galacia 5:14mga AD 58
Sapagka't ang buong kautusan ay natutupad sa isang salita, sa makatuwid ay dito: Iibigin mo ang inyong kapuwa na gaya ng inyong sarili.
- Mga Taga-Galacia 5:15mga AD 58
Nguni't kung kayo-kayo rin ang nangagkakagatan at nangagsasakmalan, magsipagingat kayo na baka kayo'y mangaglipulan sa isa't isa.
- Mga Taga-Galacia 5:16mga AD 58
Sinasabi ko nga, Magsilakad kayo ayon sa Espiritu, at hindi ninyo gagawin ang mga pita ng laman.
- Mga Taga-Galacia 5:17mga AD 58
Sapagka't ang laman ay nagnanasa ng laban sa Espiritu, at ang Espiritu ay laban sa laman; sapagka't ang mga ito ay nagkakalaban; upang huwag ninyong gawin ang bagay na inyong ibigin.
- Mga Taga-Galacia 5:18mga AD 58
Datapuwa't kung kayo'y pinapatnubayan ng Espiritu, ay wala kayo sa ilalim ng kautusan.