Lumaktaw sa nilalaman

God

11,427 talata · 2 kapamilya

Mga talatang bumabanggit kay God

Salain ayon sa aklat
  1. Kundi kaniyang sasabihin, Ako'y hindi propeta, ako'y mangbubukid sa lupa; sapagka't ako'y pinapaging alipin mula sa aking pagkabinata.

  2. At sasabihin ng isa sa kaniya, Ano ang mga sugat na ito sa pagitan ng iyong mga bisig? Kung magkagayo'y siya'y sasagot, Iyan ang mga naging sugat ko sa bahay ng aking mga kaibigan.

  3. Gumising ka, Oh tabak, laban sa pastor ko, at laban sa lalake na aking kasama, sabi ng Panginoon ng mga hukbo: saktan mo ang pastor at ang mga tupa ay mangangalat; at aking ipipihit ang aking kamay laban sa mga maliit.

  4. At mangyayari, na sa buong lupain, sabi ng Panginoon, dalawang bahagi ay mahihiwalay at mamamatay; nguni't ang ikatlo ay maiiwan.

  5. At aking dadalhin ang ikatlong bahagi sa apoy, at sila'y dadalisayin ko na parang pilak na dalisay, at sila'y susubukin ko na parang pagsubok sa ginto. Sila'y magsisitawag sa aking pangalan, at akin silang didinggin: aking sasabihin, Siya'y bayan ko; at kanilang sasabihin, Ang Panginoon ay aking Dios.

  6. Narito ang araw ng Panginoon ay dumarating, na ang iyong samsam ay babahagihin sa gitna mo.

  7. Sapagka't aking pipisanin ang lahat na bansa laban sa Jerusalem sa pagbabaka; at ang bayan ay masasakop, at ang mga bahay ay lolooban, at ang mga babae ay dadahasin; at ang kalahati ng bayan ay yayaon sa pagkabihag, at ang nalabi sa bayan ay hindi mahihiwalay sa bayan.

  8. Kung magkagayo'y lalabas ang Panginoon, at makikipaglaban sa mga bansang yaon, gaya nang siya'y makipaglaban sa araw ng pagbabaka.

  9. At ang kaniyang mga paa ay magsisitayo sa araw na yaon sa bundok ng mga Olivo, na nasa tapat ng Jerusalem sa dakong silanganan; at ang bundok ng mga Olivo ay mahahati sa gitna niya, sa dakong silanganan at sa dakong kalunuran, at magiging totoong malaking libis; at ang kalahati ng bundok ay malilipat sa dakong hilagaan, at ang kalahati ay sa dakong timugan.

  10. At kayo'y magsisitakas sa libis ng aking mga bundok; sapagka't ang libis ng mga bundok ay magsisiabot hanggang sa Azel; oo, kayo'y magsisitakas gaya nang kayo'y tumakas mula sa lindol nang mga kaarawan ni Uzzias na hari sa Juda; at ang Panginoon kong Dios ay darating, at ang lahat na banal na kasama niya.

  11. Nguni't magiging isang araw na kilala sa Panginoon; hindi araw, at hindi gabi; nguni't mangyayari, na sa gabi ay magliliwanag.

  12. At ang Panginoo'y magiging Hari sa buong lupa: sa araw na yao'y magiging ang Panginoon ay isa, at ang kaniyang pangalan ay isa.

  13. At ito ang salot na ipananalot ng Panginoon sa lahat na bayan na nakipagdigma laban sa Jerusalem: ang kanilang laman ay matutunaw samantalang sila'y nangakatayo ng kanilang mga paa, at ang kanilang mga mata'y mangatutunaw sa kanilang ukit, at ang kanilang dila ay matutunaw sa kanilang bibig.

  14. At mangyayari sa araw na yaon, na magkakaroon ng isang malaking kaingay sa gitna nila na mula sa Panginoon; at hahawak ang bawa't isa sa kanila sa kamay ng kaniyang kapuwa, at ang kamay niya'y mabubuhat laban sa kamay ng kaniyang kapuwa.

  15. At mangyayari, na bawa't maiwan, sa lahat na bansa na naparoon laban sa Jerusalem ay aahon taon-taon upang sumamba sa Hari, sa Panginoon ng mga hukbo, at upang ipangilin ang mga kapistahan ng mga balag.

  16. At mangyayari, na ang sinoman sa mga angkan sa lupa na hindi umahon sa Jerusalem upang sumamba sa Hari, sa Panginoon ng mga hukbo, sila'y mawawalan ng ulan.

  17. At kung ang angkan ng Egipto ay hindi umahon at hindi pumaroon, mawawalan din ng ulan sila, magkakaroon ng salot, na ipinanalot ng Panginoon sa mga bansa na hindi magsisiahon upang ipagdiwang ang kapistahan ng mga balag.

  18. Sa araw na yaon ay magkakaroon sa mga kampanilya ng mga kabayo, KABANALAN SA PANGINOON; at ang mga palyok sa bahay ng Panginoon ay magiging gaya ng mga taza sa harap ng dambana.

  19. Oo, bawa't palyok sa Jerusalem at sa Juda ay aariing banal sa Panginoon ng mga hukbo; at silang lahat na nangaghahain ay magsisiparoon at magsisikuha niyaon, at magpapakulo roon: at sa araw na yaon ay hindi na magkakaroon pa ng Cananeo sa bahay ng Panginoon ng mga hukbo.

  20. ¶ Ang hula na salita ng Panginoon sa Israel sa pamamagitan ni Malakias.

  21. Inibig ko kayo, sabi ng Panginoon. Gayon ma'y inyong sinasabi, Sa ano mo kami inibig? Hindi baga si Esau ay kapatid ni Jacob? sabi ng Panginoon: gayon ma'y inibig ko si Jacob;

  22. Nguni't si Esau ay aking kinapootan, at ginawa ko ang kaniyang mga bundok na isang kasiraan, at ibinigay ko ang kaniyang mana sa mga chakal sa ilang.

  23. Yamang sabi ng Edom, Tayo'y nangabagsak, nguni't mangagbabalik tayo, at ating itatayo ang mga wasak na dako; ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, Sila'y mangagtatayo, nguni't aking ibabagsak; at tatawagin sila ng mga tao, Ang hangganan ng kasamaan, at Ang bayang kinagalitan ng Panginoon magpakailan man.

  24. At makikita ng inyong mga mata, at inyong sasabihin, Dakilain ang Panginoon sa dako roon ng hangganan ng Israel.

  25. Iginagalang ng anak ang kaniyang ama, at ng alila ang kaniyang panginoon: kung ako nga'y ama, saan nandoon ang aking dangal? at kung ako'y panginoon, saan nandoon ang takot sa akin? sabi ng Panginoon ng mga hukbo sa inyo, Oh mga saserdote, na nagsisihamak ng aking pangalan. At inyong sinasabi, Sa ano namin hinamak ang iyong pangalan?