Lumaktaw sa nilalaman

Esther

46 talata · 1 kapamilya

Kilala rin bilang: Hadassah

Mga talatang bumabanggit kay Esther

  1. Nang magkagayo'y sumagot si Esther, at nagsabi, Ang aking hingi at ang aking hiling ay ito;

  2. Sinabi ni Aman, bukod dito: Oo, si Esther na reina ay hindi nagpasok ng sinoman na kasama ng hari sa pigingan na kaniyang inihanda kundi ako lamang; at kinabukasan naman ay inaanyayahan niya ako na kasama ng hari.

  3. Samantalang sila'y nakikipagsalitaan pa sa kaniya, dumating ang mga kamarero ng hari at nagmadaling dinala si Aman sa pigingan na inihanda ni Esther.

  4. Sa gayo'y naparoon ang hari at si Aman sa pigingan na kasama ni Esther na reina.

  5. At sinabi uli ng hari kay Esther nang ikalawang araw sa pigingan ng alak: Ano ang iyong hingi, reina Esther? at ibibigay sa iyo: at ano ang iyong hiling? kahit kalahati ng kaharian ay ipagkakaloob.

  6. Nang magkagayo'y sumagot, at nagsabi si Esther na reina, Kung ako'y nakasumpong ng biyaya sa iyong paningin, Oh hari, at kung kalulugdan ng hari, ipagkaloob sa akin ang aking buhay sa aking hingi at ang aking bayan sa aking hiling:

  7. Nang magkagayo'y nagsalita ang haring Assuero, at nagsabi kay Esther na reina: Sino siya, at saan nandoon siya, na nangangahas magbanta na gumawa ng gayon?

  8. At sinabi ni Esther, Ang isang kaaway at kaalit: itong masamang si Aman. Nang magkagayo'y natakot si Aman sa harap ng hari at ng reina.

  9. At ang hari ay tumindig sa pigingan ng alak sa kaniyang pagkapoot, at pumasok sa halamanan ng bahay-hari: at si Aman ay tumayo upang ipamanhik ang kaniyang buhay kay Esther na reina; sapagka't nakita niya na may kasamaang ipinasiya laban sa kaniya ang hari.

  10. Nang magkagayo'y bumalik ang hari na mula sa halamanan ng bahay-hari hanggang sa pigingan ng alak; at si Aman ay sumubsob sa hiligan na kinaroroonan ni Esther. Nang magkagayo'y sinabi ng hari, Kaniya bang dadahasin ang reina sa harap ko sa bahay? Pagkabigkas ng salita sa bibig ng hari ay kanilang tinakpan ang mukha ni Aman.

  11. Nang araw na yaon ay ibinigay ng haring Assuero ang bahay ni Aman na kaaway ng mga Judio kay Esther na reina. At si Mardocheo ay naparoon sa harap ng hari; sapagka't isinaysay ni Esther kung ano niya siya.

  12. At hinubad ng hari ang kaniyang singsing na hinubad niya kay Aman, at ibinigay kay Mardocheo. At inilagay ni Esther si Mardocheo sa bahay ni Aman.

  13. At si Esther ay nagsalita pa uli sa harap ng hari, at nagpatirapa sa kaniyang mga paa, at ipinamanhik sa kaniya na may luha, na pawiin ang kasamaan ni Aman na Agageo, at ang kaniyang banta na kaniyang ibinanta sa mga Judio.

  14. Nang magkagayo'y inilawit ng hari kay Esther ang gintong cetro. Sa gayo'y tumindig si Esther, at tumayo sa harap ng hari.

  15. Nang magkagayo'y sinabi ng haring Assuero kay Esther na reina, at kay Mardocheo na Judio: Narito, ibinigay ko kay Esther ang bahay ni Aman, at siya ang kanilang binitay sa bibitayan, sapagka't siya'y nagbuhat ng kaniyang kamay sa mga Judio.

  16. At sinabi ng hari kay Esther na reina; Ang mga Judio ay nagsipatay at nagsilipol ng limang daang lalake sa Susan na bahay-hari, at ng sangpung anak ni Aman; ano nga ang kanilang ginawa kaya sa ibang mga lalawigan ng hari? Ngayon, ano pa ang iyong kahilingan? at ipagkakaloob sa iyo: o ano pa ang iyong kahingian? at gagawin.

  17. Nang magkagayo'y sinabi ni Esther, Kung kinalulugdan ng hari ipagkaloob sa mga Judio na nangasa Susan na gawin din bukas ang ayon sa pasiya ng araw na ito, at ang sangpung anak ni Aman ay mabitin sa bibitayan.

  18. Nguni't nang dumating sa harap ng hari ang bagay, ay kaniyang iniutos sa pamamagitan ng mga sulat na ang kaniyang masamang banta, na kaniyang ibinanta laban sa mga Judio, ay mauwi sa kaniyang sariling ulo; at siya at ang kaniyang mga anak ay mabitay sa bibitayan.

  19. Nang magkagayo'y si Esther na reina na anak ni Abihail, at si Mardocheo na Judio, sumulat ng buong kapamahalaan upang pagtibayin ang ikalawang sulat na ito ng Purim.

  20. Upang pagtibayin ang mga araw na ito ng Purim, sa kanilang mga takdang panahon, ayon sa ibinilin sa kanila ni Mardocheo na Judio at ni Esther na reina, at ayon sa kanilang ipinasiya sa kanilang sarili at sa kanilang binhi, sa bagay ng pag-aayuno at ng kanilang pagdaing.

  21. At pinagtibay ng utos ni Esther ang mga bagay na ito ng Purim; at nasulat sa aklat.