Lumaktaw sa nilalaman

Mga talata sa Bibliya tungkol sa Women

304 talata · 47 aspeto

Mahahalagang talata sa Bibliya

Salain ayon sa aklat
  1. Aking inilatag ang aking higaan na may mga coltsong may burda, na yari sa guhitguhit na kayong lana sa Egipto.

  2. At aking pinabanguhan ang aking higaan ng mira, mga oleo, at sinamomo.

  3. Parito ka, tayo'y magpakasiya sa pagsisintahan hanggang sa kinaumagahan; magpakasaya tayo sa mga pagsisintahan.

  4. Sapagka't ang lalake ay wala sa bahay, siya'y naglakbay sa malayo:

  5. Siya'y nagdala ng supot ng salapi; siya'y uuwi sa bahay sa kabilugan ng buwan.

  6. Kaniyang pinasusuko siya ng karamihan ng kaniyang mga matamis na salita, hinihila niya siya ng katabilan ng kaniyang mga labi.

  7. Pagdaka ay sumusunod siya sa kaniya, gaya ng toro na naparoroon sa patayan, O gaya ng sa mga tanikala sa sawayan sa mangmang;

  8. Hanggang sa lagpasan ng isang palaso ang kaniyang atay; gaya ng ibong nagmamadali sa bitag, at hindi nakakaalam na yao'y sa kaniyang buhay.

  9. Ngayon nga, mga anak ko, dinggin ninyo ako, at makinig kayo ng mga salita ng aking bibig.

  10. Huwag humilig ang iyong puso sa kaniyang mga lakad, huwag kang lumiko sa kaniyang mga landas.

  11. Sapagka't kaniyang inihiga ang maraming may sugat: Oo, lahat niyang pinatay ay isang makapangyarihang hukbo.

  12. Ang kaniyang bahay ay daang patungo sa Sheol. Pababa sa mga silid ng kamatayan.

  13. Ang mapagbiyayang babae ay nagiimpok ng karangalan: at ang marahas na lalake ay pumipigil ng kayamanan.

  14. Kung paano ang hiyas na ginto sa nguso ng baboy, gayon ang magandang babae na walang bait.

  15. Ang mabait na babae ay putong sa kaniyang asawa: nguni't siyang nakahihiya ay parang kabulukan sa kaniyang mga buto.

  16. Bawa't pantas na babae ay nagtatayo ng kaniyang bahay: nguni't binubunot ng mangmang, ng kaniyang sariling mga kamay.

  17. Sinomang lalaking nakakasumpong ng asawa ay nakasumpong ng mabuting bagay, at nagtatamo ng lingap ng Panginoon.

  18. Ang mangmang na anak ay kapanglawan ng kaniyang ama: at ang mga pakikipagtalo ng asawa ay walang likat na tulo.

  19. Bahay at mga kayamanan ay minamana sa mga magulang: nguni't ang mabait na asawa ay galing sa Panginoon.

  20. Lalong maigi ang tumahan sa sulok ng bubungan, kay sa palatalong babae sa maluwang na bahay.

  21. Lalong maigi ang tumahan sa ilang na lupain, kay sa makisama sa palatalo at magagaliting babae.

  22. Maigi ang tumahan sa sulok ng bubungan, kay sa kasama ng palaaway na babae sa maluwang na bahay.

  23. Ang laging tulo sa araw na maulan at ang babaing palatalo ay magkahalintulad:

  24. Ang magibig pumigil sa kaniya, ay pumipigil sa hangin, at ang kaniyang kanan ay nakakasumpong ng langis.

  25. Sa tatlong bagay ay nanginginig ang lupa, at sa apat na hindi niya madala: