Lumaktaw sa nilalaman

Mga talata sa Bibliya tungkol sa Women

304 talata · 47 aspeto

Mahahalagang talata sa Bibliya

Salain ayon sa aklat
  1. At binihag ng mga anak ng Israel ang mga babae sa Madian at ang kanilang mga bata; at ang lahat nilang mga hayop at ang lahat nilang mga kawan, at ang lahat nilang pag-aari ay kanilang sinamsam.

  2. At sinabi ni Moises sa kanila, Iniligtas ba ninyo na buhay ang lahat ng mga babae?

  3. Narito, sila'y naging sanhi, sa payo ni Balaam, upang ang mga anak ni Israel ay sumalangsang laban sa Panginoon sa bagay ng Peor, at kaya't nagkasalot sa kapisanan ng Panginoon.

  4. Ngayon nga ay patayin ninyo ang lahat ng mga batang lalake at patayin ninyo ang bawa't babae na nasipingan ng lalake.

  5. Nguni't ang lahat ng batang babae na hindi pa nasisipingan ng lalake ay buhayin ninyo upang mapasa inyo.

  6. At tatlong pu't dalawang libong tao sa lahat, sa mga babae na hindi pa nasisipingan ng lalake.

  7. Ang babae ay huwag mananamit ng nauukol sa lalake, ni ang lalake ay magsusuot ng pananamit ng babae; sapagka't sinomang gumagawa ng mga bagay na ito ay karumaldumal sa Panginoon mong Dios.

  8. Pisanin mo ang bayan, ang mga lalake at mga babae at mga bata, at ang iyong taga ibang lupa na nasa loob ng iyong mga pintuang-daan, upang kanilang marinig, at upang kanilang pagaralan, at matakot sa Panginoon mong Dios, at isagawa ang lahat ng mga salita ng kautusang ito;

  9. Sa labas ay pipighatiin ng tabak. At sa mga silid ay kakilabutan; Malilipol kapuwa ang binata at dalaga, Ang sanggol sangpu ng lalaking may uban.

  10. Walang salita sa lahat na iniutos ni Moises na hindi binasa ni Josue sa harap ng buong kapulungan ng Israel at ng mga babae, at ng mga bata, at ng mga taga ibang lupa na nakikipamayan sa kanila.

  11. At hinagis ng isang babae, ng isang pangibabaw na bato ng gilingan ang ulo ni Abimelech at nabasag ang kaniyang bungo.

  12. At si Jephte ay naparoon sa Mizpa sa kaniyang bahay; at, narito, ang kaniyang anak na babae ay lumalabas na sinasalubong siya ng pandereta at ng sayaw: at siya ang kaniyang bugtong na anak: liban sa kaniya'y wala na siyang anak na lalake o babae man.

  13. At sinabi niya sa kaniyang ama, Ipagawa mo ang bagay na ito sa akin: pahintulutan mo lamang akong dalawang buwan, upang ako'y humayo't yumaon sa mga bundukin at aking itangis ang aking pagkadalaga, ako at ang aking mga kasama.

  14. At tingnan ninyo, at, narito, kung ang mga anak na babae sa Silo ay lumabas na sumayaw ng mga sayaw, lumabas nga kayo sa ubasan, at kumuha ang bawa't lalake sa inyo, ng kaniyang asawa sa mga anak sa Silo; at yumaon kayo sa lupain ng Benjamin.

  15. At ngayon, anak ko, huwag kang matakot; gagawin ko sa iyo ang lahat na iyong sinasabi, sapagka't buong bayan ng aking bayan ay nakakaalam na ikaw ay isang babaing may bait.

  16. Si Eli nga ay totoong matanda na; at kaniyang nababalitaan ang lahat ng ginagawa ng kaniyang mga anak sa buong Israel, at kung paanong sila'y sumisiping sa mga babae na naglilingkod sa pintuan ng tabernakulo ng kapisanan.

  17. Ako'y namanglaw dahil sa iyo, kapatid kong Jonathan: Naging totoong kalugodlugod ka sa akin; Ang iyong pag-ibig sa akin ay kagilagilalas, Na humihigit sa pagsinta ng mga babae.

  18. (Nguni't walang gaya ni Achab na nagbili ng kaniyang sarili upang gumawa ng kasamaan sa paningin ng Panginoon, na hinikayat ni Jezabel na kaniyang asawa.

  19. At kaniyang ibinagsak ang mga bahay ng mga sodomita, na nangasa bahay ng Panginoon, na pinagtatahian ng mga tabing ng mga babae para sa mga Asera.

  20. Lahat ng mga ito'y mga anak ni Haman na tagakita ng hari sa mga salita ng Dios, upang magtaas ng sungay. At ibinigay ng Dios kay Heman ay labing apat na anak na lalake at tatlong anak na babae.

  21. Lahat ng mga ito'y nangasa ilalim ng kapangyarihan ng kanilang ama sa pagawit sa bahay ng Panginoon, na may mga simbalo, mga salterio, at mga alpa, sa paglilingkod sa bahay ng Dios; sa ilalim ng kapangyarihan ng hari, sa makatuwid baga'y si Asaph, si Jeduthun, at si Heman.

  22. Bukod sa kanilang mga aliping lalake at babae, na may pitong libo't tatlong daan at tatlong pu't pito: at sila'y nangagkaroon ng dalawang daan na mangaawit na lalake at babae.

  23. Bukod sa kanilang mga bataang lalake at babae, na may pitong libo at tatlong daan at tatlong pu't pito: at sila'y may dalawang daan at apat na pu't lima na mangaawit na lalake at babae.

  24. Hindi ba nagkasala si Salomon na hari sa Israel sa pamamagitan ng mga bagay na ito? gayon man sa gitna ng maraming bansa ay walang haring gaya niya; at siya'y minahal ng kaniyang Dios, at ginawa siyang hari ng Dios sa buong Israel: gayon ma'y pinapagkasala rin siya ng mga babaing taga ibang lupa.

  25. At pagka ang pasiya ng hari na kaniyang isasagawa ay mahahayag sa lahat niyang kaharian, (sapagka't dakila,) lahat ng babae ay mangagbibigay sa kanilang mga asawa ng karangalan, sa mataas at gayon din sa mababa.