Lumaktaw sa nilalaman

Mga talata sa Bibliya tungkol sa Witness: To the transfer of land

25 talata · 10 aspeto

Mga talata tungkol sa To the transfer of land

  1. At pinagwikaan ni Abraham si Abimelech dahil sa isang balon ng tubig, na marahas na inalis sa kaniya ng mga bataan ni Abimelech.

  2. At sinabi ni Abimelech, Aywan, kung sinong gumawa ng bagay na ito: na di mo man sinabi sa akin, at hindi ko man nabalitaan kundi ngayon.

  3. At kumuha si Abraham ng mga tupa, at mga baka, at ibinigay kay Abimelech; at gumawa silang dalawa ng isang tipan.

  4. At ibinukod ni Abraham ang pitong korderong babae sa kawan.

  5. At sinabi ni Abimelech kay Abraham, Anong kahulugan nitong pitong korderong babae na iyong ibinukod?

  6. At kaniyang sinabi, Itong pitong korderong babae ay iyong kukunin sa aking kamay, upang sa akin ay maging patotoo na hinukay ko ang balong ito.

  7. Hindi, panginoon ko, dinggin mo ako: ang parang ay ibinibigay ko sa iyo, at ang yungib na naroroon ay ibinibigay ko sa iyo; sa harap ng mga anak ng aking bayan, ay ibinigay ko sa iyo: ilibing mo ang iyong patay.

  8. At dininig ni Abraham si Ephron; at tinimbang ni Abraham kay Ephron ang salaping sinabi, sa harap ng mga anak ni Heth, apat na raang siklong pilak, na karaniwang salapi ng mga mangangalakal.

  9. Kaya't ang parang ni Ephron na nasa Macpela, na nasa tapat ng Mamre, ang parang at ang yungib na nandoon, at ang lahat ng mga punong kahoy na nasa parang na yaon, na ang nasa buong hangganan niyaon sa palibot, ay pinagtibay

  10. Kay Abraham na pag-aari sa harap ng mga anak ni Heth, sa harapan ng lahat ng nagsisipasok sa pintuang daan ng kaniyang bayan.

  11. Si Booz nga'y sumampa sa pintuang-bayan, at naupo siya roon: at, narito, ang malapit na kamaganak na sinalita ni Booz ay nagdaan; sa lalaking yao'y sinabi niya, Oy, kuwan! lumiko ka, maupo ka rito. At siya'y lumiko, at naupo.

  12. At siya'y kumuha ng sangpung lalake sa mga matanda sa bayan, at sinabi, Maupo kayo rito. At sila'y naupo.

  13. At sinabi niya sa malapit na kamaganak, Ipinagbibili ni Noemi, na bumalik na galing sa lupain ng Moab, ang bahagi ng lupa, na naging sa ating kapatid na kay Elimelech:

  14. At aking inisip na ipahayag sa iyo, na sabihin, Bilhin mo sa harap nilang nakaupo rito, at sa harap ng mga matanda ng aking bayan. Kung iyong tutubusin ay tubusin mo; nguni't kung hindi mo tutubusin ay saysayin mo nga, upang matalastas ko: sapagka't wala nang tutubos na iba pa liban sa iyo: at ako ang sumusunod sa iyo. At sinabi niya, Aking tutubusin.

  15. Nang magkagayo'y sinabi ni Booz, Anomang araw na iyong bilhin ang parang sa kamay ni Noemi, ay marapat na iyong bilhin din ang kay Ruth na Moabita, na asawa ng namatay, upang ibangon ang pangalan ng namatay sa kaniyang mana.

  16. At sinabi ng malapit na kamaganak, Hindi ko matutubos sa ganang akin, baka masira ang aking sariling mana: iyo na ang aking matuwid ng pagtubos; sapagka't hindi ko matutubos.

  17. Ito nga ang kaugalian ng unang panahon sa Israel tungkol sa pagtubos at tungkol sa pagpapalit, upang patotohanan ang lahat ng mga bagay; hinuhubad ng isa ang kaniyang pangyapak, at ibinibigay sa kaniyang kapuwa: at ito ang paraan ng pagpapatotoo sa Israel.

  18. Sa gayo'y sinabi ng malapit na kamaganak kay Booz, Bilhin mo sa ganang iyo. At hinubad niya ang kaniyang pangyapak.

  19. At sinabi ni Booz sa mga matanda at sa buong bayan, Kayo'y mga saksi sa araw na ito, na aking binili ang lahat ng kay Elimelech, at lahat na kay Chelion, at kay Mahalon, sa kamay ni Noemi.

  20. At binili ko ang parang na nasa Anathoth kay Hanamel na anak ng aking amain, at tinimbang ko sa kaniya ang salapi, na labing pitong siklong pilak.

  21. At ako'y naglagda ng pangalan sa katibayan, at aking tinatakan, at tumawag ako ng mga saksi, at tinimbang ko sa kaniya ang salapi sa timbangan.

  22. Sa gayo'y kinuha ko ang katibayan ng pagkabili, ang natatatakan, yaong ayon sa kautusan at kaugalian, at ang bukas:

  23. At ibinigay ko ang katibayan ng pagkabili kay Baruch na anak ni Nerias, na anak ni Maasias, sa harapan ni Hanamel na anak ng aking amain, at sa harap ng mga saksi na naglagda ng pangalan sa katibayan ng pagkabili, sa harap ng lahat na Judio na nakaupo sa looban ng bantayan.

  24. At iyong sinabi sa akin, Oh Panginoong Dios, iyong bilhin ng salapi ang parang, at ikaw ay tumawag ng mga saksi; yamang ang bayan ay ibinibigay sa kamay ng mga Caldeo.

  25. Bibilhin nga ng mga tao ng salapi ang mga parang at mangaglalagda ng pangalan sa mga katibayan, at mga tatatakan, at magsisitawag ng mga saksi, sa lupain ng Benjamin, at sa mga dako na palibot ng Jerusalem, at sa mga bayan ng Juda, at sa mga bayan ng lupaing maburol, at sa mga bayan ng mababang lupain, at sa mga bayan ng Timugan: sapagka't aking ibabalik sila mula sa kanilang pagkabihag, sabi ng Panginoon.