Skip to content

Heth

12 talata · 11 kapamilya

Mga talatang bumabanggit kay Heth

  1. At naging anak ni Canaan si Sidon, na kaniyang panganay, at si Heth.

  2. At tumindig si Abraham sa harap ng kaniyang patay, at nagsalita sa mga anak ni Heth, na sinasabi,

  3. At ang mga anak ni Heth ay sumagot kay Abraham, na nagsasabi sa kaniya,

  4. At tumindig si Abraham, at yumukod sa bayan ng lupain, sa mga anak nga ni Heth.

  5. Si Ephron nga ay nakaupo sa gitna ng mga anak ni Heth: at sumagot si Ephron na Hetheo kay Abraham, sa harap ng mga anak ni Heth, na naririnig ng lahat na pumapasok sa pintuan ng bayan, na sinasabi,

  6. At dininig ni Abraham si Ephron; at tinimbang ni Abraham kay Ephron ang salaping sinabi, sa harap ng mga anak ni Heth, apat na raang siklong pilak, na karaniwang salapi ng mga mangangalakal.

  7. Kay Abraham na pag-aari sa harap ng mga anak ni Heth, sa harapan ng lahat ng nagsisipasok sa pintuang daan ng kaniyang bayan.

  8. At ang parang at ang yungib na naroroon, ay pinagtibay kay Abraham ng mga anak ni Heth, na pag-aaring libingan niya.

  9. Sa parang na binili ni Abraham sa mga anak ni Heth: doon inilibing si Abraham at si Sara na kaniyang asawa.

  10. At sinabi ni Rebeca kay Isaac, Ako'y yamot na sa aking buhay, dahil sa mga anak na babae ni Heth: kung si Jacob ay magasawa sa mga anak ni Heth na gaya ng mga ito, ng mga anak ng lupaing ito, ano pang kabuluhan sa akin ng aking buhay?

  11. Sa parang at sa yungib na nandoon na binili sa mga anak ni Heth.

  12. At naging anak ni Canaan si Sidon, na kaniyang panganay, at si Heth,