Skip to content

Mga talata sa Bibliya tungkol sa Assyria

204 talata · 59 aspeto

Mahahalagang talata sa Bibliya

Salain ayon sa aklat
  1. Sapagka't aking ipagsasanggalang ang bayang ito upang iligtas, dahil sa akin at dahil sa aking lingkod na si David.

  2. At siya'y magtataas ng watawat sa mga bansa mula sa malayo, at susutsutan sila mula sa wakas ng lupa: at, narito, sila'y darating na lubhang nagmamadali:

  3. Walang mapapagod o matitisod man sa kanila; walang iidlip o matutulog man; ni hindi man kakalagin ang pamigkis ng kanilang mga balakang, o mapapatid man ang mga panali ng kanilang mga panyapak:

  4. Na ang kanilang mga pana ay hasa, at lahat nilang busog ay nangakaakma; ang mga kuko ng kanilang mga kabayo ay maibibilang na parang pingkiang bato, at ang kanilang mga gulong ay parang ipoipo:

  5. Ang kanilang angal ay magiging gaya ng sa leon, sila'y magsisiangal na gaya ng mga batang leon: oo, sila'y magsisiangal, at magsisipangal ng huli, at tatangayin, at walang magliligtas.

  6. Ang Panginoon ay magpapasapit sa iyo, at sa iyong bayan, at sa sangbahayan ng iyong magulang ng mga araw na hindi nangyari mula ng araw na humiwalay ang Ephraim sa Juda; sa makatuwid baga'y ang hari sa Asiria.

  7. At mangyayari sa araw na yaon, na susutsutan ng Panginoon ang langaw na nasa kahulihulihang bahagi ng mga ilog ng Egipto, at ang pukyutan na nasa lupain ng Asiria.

  8. At sila'y magsisidating, at silang lahat ay mangagpapahinga sa mga gibang libis, at sa mga bitak ng malalaking bato, at sa lahat ng mga tinikan, at sa lahat ng mga sukal.

  9. Sa araw na yaon ay aahitin ng Panginoon ang ulo at ang balahibo ng mga paa, ng pangahit na inupahan, ang nangasa bahagi ng dako roon ng Ilog, ang hari sa Asiria: at aalisin din ang balbas.

  10. At mangyayari sa araw na yaon, na ang isang tao ay magaalaga ng guyang baka, at ng dalawang tupa;

  11. At mangyayari, na dahil sa kasaganaan ng gatas na kanilang ibibigay ay kakain siya ng mantekilla: sapagka't ang bawa't isa na naiwan sa gitna ng lupain ay kakain ng mantekilla at pulot.

  12. At mangyayari sa araw na yaon, na ang bawa't dakong kinaroroonan ng libong puno ng ubas na nagkakahalaga ng isang libong siklong pilak, ay magiging dawagan at tinikan.

  13. Paroroon ang isa na may mga pana at may busog; sapagka't ang buong lupain ay magiging mga dawag at mga tinikan.

  14. At ang lahat ng burol na hinukay ng azarol, hindi mo paroroonan dahil sa takot sa mga dawag at sa mga tinikan; kundi magiging pagalaan sa mga baka, at yurakan ng mga tupa.

  15. Sapagka't bago ang anak ay matutong dumaing ng, Ama ko, at: Ina ko, ang mga kayamanan ng Damasco at ang samsam sa Samaria ay dadalahin sa harap ng hari ng Asiria.

  16. At nagsalita pa ang Panginoon uli sa akin, na nagsasabi,

  17. Yamang tinanggihan ng bayang ito ang tubig ng Siloe na nagsisiagos na marahan, at siya'y nagagalak kay Rezin at sa anak ni Remalias;

  18. Ngayon nga, narito, iniaahon ng Panginoon sa kanila ang tubig ng Ilog, malakas at marami, sa makatuwid baga'y ang hari sa Asiria at ang buo niyang kaluwalhatian: at siya'y aahon sa lahat niyang bangbang, at aapaw sa buo niyang baybayin:

  19. At magpapatuloy sa dako ng loob ng Juda; aapaw at lalampas; aabot hanggang sa leeg; at ang laganap ng kaniyang mga pakpak ay siyang magpupuno ng kaluwangan ng iyong lupain, Oh Emmanuel.

  20. Kayo'y magsamasama, Oh mga bayan, at kayo'y mangagkakawatakwatak; at kayo'y mangakinig, kayong lahat na taga malayong lupain: mangagbigkis kayo, at kayo'y mangagkakawatakwatak; kayo'y mangagbigkis, at kayo'y mangagkakawatakwatak.

  21. Mangagsanggunian kayo, at yao'y mauuwi sa wala; mangagsalita kayo ng salita at hindi matatayo: sapagka't ang Dios ay sumasaamin.

  22. Hoy, taga Asiria, na pamalo ng aking galit, siyang tungkod na kasangkapan ng aking pag-iinit.

  23. Aking susuguin siya laban sa maruming bansa, at laban sa bayan na aking kinapopootan ay pagbibilinan ko siya, upang manamsam, at upang manunggab, at yapakan sila na parang putik ng mga lansangan.

  24. Gayon ma'y hindi niya inaakalang gayon, o iniisip mang gayon ng kaniyang puso; kundi ang nasa kaniyang puso ay manggiba, at manglipol ng mga bansa na hindi kakaunti.

  25. Sapagka't kaniyang sinasabi, Hindi baga ang aking mga pangulo ay hari silang lahat?