Lumaktaw sa nilalaman

circa AD 48–96

Letters to the Churches

Paul and other apostles write to strengthen, correct, and encourage the scattered churches across the Roman world.

2,767 talata · 21 aklat na saklaw

Mga talata mula sa panahong ito

Salain ayon sa aklat
  1. Nguni't tapat ang Panginoon na magpapatibay sa inyo, at sa inyo'y magiingat sa masama.

  2. At may pagkakatiwala kami sa Panginoon tungkol sa inyo, na inyong ginagawa at gagawin naman ang mga bagay na aming iniuutos.

  3. At patnubayan nawa ng Panginoon ang inyong mga puso sa pagibig ng Dios, at sa pagtitiis ni Cristo.

  4. Aming inuutos nga sa inyo, mga kapatid, sa pangalan ng ating Panginoong Jesucristo, na kayo'y magsihiwalay sa bawa't kapatid na lumalakad ng walang kaayusan, at hindi ayon sa aral na tinanggap nila sa amin.

  5. Sapagka't kayo rin ang nangakakaalam kung paano kami ay inyong dapat tularan: sapagka't kami ay hindi nangagugali ng walang kaayusan sa inyo;

  6. Ni nagsikain man kami ng walang bayad ng tinapay ng sinoman; kundi sa pagpapagal at sa pagdaramdam na gumagawa gabi't araw, upang kami ay huwag maging pasanin sa kanino man sa inyo:

  7. Hindi dahil sa kami ay walang karapatan, kundi upang kami ay mangakapagbigay sa inyo ng isang uliran, upang kami ay inyong tularan.

  8. Sapagka't noon pa mang kami ay kasama ninyo, ay aming iniutos ito sa inyo, Kung ang sinoman ay ayaw gumawa, ay huwag din namang kumain.

  9. Sapagka't aming nababalitaan ang ilan sa inyo na nagsisilakad ng walang kaayusan, na hindi man lamang nagsisigawa, kundi mga mapakialam sa mga bagay ng iba.

  10. Sa mga gayon nga ay aming iniuutos at ipinamamanhik sa Panginoong Jesucristo, na sila'y magsigawang may katahimikan, at magsikain ng kanilang sariling tinapay.

  11. Nguni't kayo, mga kapatid, huwag kayong mangapagod sa paggawa ng mabuti.

  12. At kung ang sinoma'y hindi tumalima sa aming salita sa pamamagitan ng sulat na ito, inyong tandaan ang taong yaon, upang huwag kayong makisama sa kaniya, nang siya'y mahiya.

  13. At gayon ma'y huwag ninyong ariin siyang kaaway, kundi inyo siyang paalalahanan tulad sa kapatid.

  14. Ngayon ang Panginoon din ng kapayapaan ay magbigay nawa sa inyo ng kapayapaan sa buong panahon at sa lahat ng paraan. Ang Panginoon ay sumainyo nawang lahat.

  15. Ang bati na sinulat ng aking sariling kamay, akong si Pablo, na siyang tanda sa bawa't sulat: gayon sumusulat ako.

  16. Ang biyaya ng ating Panginoong Jesucristo ay sumainyo nawang lahat.

  17. 1 Timoteo 1:1mga AD 65

    ¶ Si Pablo, na apostol ni Cristo Jesus ayon sa utos ng Dios na ating Tagapagligtas, at ni Cristo Jesus na ating pagasa;

  18. 1 Timoteo 1:2mga AD 65

    Kay Timoteo na aking tunay na anak sa pananampalataya: Biyaya, kahabagan, at kapayapaan nawang mula sa Dios na Ama at kay Jesucristo na Panginoon natin.

  19. 1 Timoteo 1:3mga AD 65

    Kung paanong ipinamanhik ko sa iyo na ikaw ay matira sa Efeso, nang pumaparoon ako sa Macedonia, upang maipagbilin mo sa ilang tao na huwag magsipagturo ng ibang aral,

  20. 1 Timoteo 1:4mga AD 65

    Ni huwag makinig sa mga katha at sa mga kasaysayan ng mga lahi na walang katapusan, na pinanggagalingan ng pagtatalo, at hindi ng pagkakatiwalang mula sa Dios na nasa pananampalataya; ay gayon din ang ipinamamanhik ko ngayon.

  21. 1 Timoteo 1:5mga AD 65

    Nguni't ang kinauuwian ng bilin ay ang pagibig na nagbubuhat sa malinis na puso at sa mabuting budhi at sa pananampalatayang hindi paimbabaw:

  22. 1 Timoteo 1:6mga AD 65

    Na pagkasinsay ng iba sa mga bagay na ito ay nagsibaling sa walang kabuluhang pananalita;

  23. 1 Timoteo 1:7mga AD 65

    Na nagsisipagnasang maging mga guro ng kautusan, bagaman di nila natatalastas kahit ang kanilang sinasabi, kahit ang kanilang buong tiwalang pinatutunayan.

  24. 1 Timoteo 1:8mga AD 65

    Datapuwa't nalalaman natin na ang kautusan ay mabuti, kung ginagamit ng tao sa matuwid,

  25. 1 Timoteo 1:9mga AD 65

    Yamang nalalaman ito, na ang kautusan ay hindi ginawa dahil sa taong matuwid, kundi sa mga walang kautusan at manggugulo, dahil sa masasama at mga makasalanan, dahil sa mga di banal at mapaglapastangan, dahil sa nagsisipatay sa ama at sa nagsisipatay sa ina, dahil sa mga mamamatay-tao,